Kabanata 21

9 3 0
                                    

[21]: ANG MISTERYOSONG MENSAHE







ㅤㅤ








ㅤㅤ

"SINASABI mo ba na si Epione ang bumago sa kasalukuyan?" Tanong ni Ellias sa dalaga. Ngunit hindi niya rin mawari kung tama ba ang kaniyang hinuha. Kahit pa ito rin ang sinasabi ng kaniyang pakiramdam.

"Imposible, isa lamang siyang Ver-"

"Gaya ng aking sinambit, hindi lamang siya basta-basta Verian. Siya ang itinakda upang maging panganib sa iyong daan, Fauzeah," ani Sophronia. Mas lalo namang naguluhan ang dalaga sa kaniyang mga binanggit.

"Ngunit paano nga siya magkakaroon ng mata sa libro ng propesiya?" Tanong ni Aubriella. "Imposibleng makita niya ito nang walang pahintulot natin."

Imbis na sagutin ito, tinignan lamang ni Sophronia si Aubriella. Tila ba sinasabi na nito sa babae ang kasagutan sa kaniyang katanungan. Ngunit nagtataka pa rin ito sa kung ano ang kahulugan ng mga titig ng babae.

"Kailangan nating matapos kaagad ang pagkalap sa mga nilalaman ng buong sangtwaryo. Marahil ay makakahanap tayo ng kasagutan doon," saad na lamang ni Sophronia at nauna na ngang humiga."Sa ngayon, magpahinga na kayo. Masyado nang lumalim ang ating usapan."

"Teka lang naman, hindi pa ako tapos-"

"Hayaan mo munang magpahinga si Sophronia!" Inis na saad ni Ellias. "Kami na lamang ang kausapin mo."

"Paano kung hindi ikaw ang nais kong kausap?" May pagkasarkastikong tanong ni Hiraya sa lalaki.

"Hindi ko rin nais na ika'y kausapin. Subalit kung iyon ang ikatatahimik mo, titiisin ko na lamang," mahinahong tugon ni Ellias. Napairap na lamang ang dalaga rito.

"Wala ka naman nang dapat pang malaman. Bakit pinipilit mo pa rin ang pakikipag-diskusyon na ito?" Tanong ni Aubriella ss babae.

"Gaya ng aking sinabi, nais ko kayong makilala nang lubusan," tugon ni Hiraya.

"Hindi sapat ang isang gabi para makilala mo ang isang nilalang," wika naman ni Fauzeah. Kumunot naman ang noo ni Hiraya dahil sa mga katagang iyon.

"Alam ko iyon, ngunit wala lamang akong magawa kaya kung maaari'y pagbigyan--oy teka sandali!" Bago pa man makumpleto ni Hiraya ang kaniyang sasabihin, kaagad siyang hinila ni Ellias dahilan upang siya'y mapatayo.

'Teka! Ano'ng ginagawa mo?!"

"Huwag mo muna silang guluhin, pagod sila sa mga bagay na pinagdaanan na kay bigat para sa kanila. Ako na lamang ang kausapin mo," tugon lamang ng lalaki at saka hinila palayo si Hiraya. Wala namang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa kaniya.

Kaagad din naman silang nakalayo sa kinaroroonan ng tatlo. Ngayo'y mas maraming pygolampida ang nakapaligid sa kanila. Kasama na rin ang mga tinig na inililikha ng mga ito. Ilang sandali pa'y hinarap na ni Ellias si Hiraya.

"Ngayon, magsalita ka. Kahit ano pa ng iyong sabihin, wala akong pakialam" wika ng lalaki at saka pumitik. Ilang sandali pa'y nagtipon ang mga pygolampida sa kanilang harapan dahilan upang mas lalong lumiwanag ang paligid. Umupo naman ang lalaki sa isa sa mga puno.

Napairap naman si Hiraya bago niya naisipang umupo sa tabi ni Ellias. Mabuti na lamang at hinayaan lamang siya ng lalaki na gawin ang kaniyang nais. Bumuntonghininga muna ang dalaga bago niya sabihin ang nais niyang ipahayag.

"Sabi mo ay pagod sila sa kanilang mga pinagdadaanan?" Kaagad na tanong ng dalaga. Tinignan naman siya kaagad nang masama ni Ellias.

"Labas ka na sa kung ano man ang-"

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now