Kabanata 19

5 3 0
                                    

[19]: ANG UNANG SANGTWARYO








ㅤㅤ








ㅤㅤ
HINDI na nagpatumpik-tumpik pa ang lima, kaagad na nga nilang pinuntahan ang unang sangtwaryo. Subalit, bago makarating rito, kinakailangan muna nilang suungin ang masikip at madilim na gubat. Ngayong lumipas na ang liwanag, kailangan nilang maging alerto lalo na't marami pang mga bagay ang hindi nila alam sa kagubatan ng Quever.

Ilang oras na ang lumipas, mas lalo pang lumalim ang dilim. Subalit imbis na magpahinga, dumiretso lamang ang lima sa kadahilanang hindi pa sila nakakaramdam ng pagod. Ngunit may isa sa kanila na ramdam na ang kapaguran subalit wala siyang panahon upang sabihin ito.

"Magpahinga muna tayo," wika bigla ni Sophronia. Nabigla naman si Hiraya sa sinaad nito sapagkat inaakala niya na hindi uso sa mga Featherian ang pagpapahinga. Ilang sandali pa'y umupo na ang lima sa isang parte ng kagubatan kung saan may kaunting pwesto pa.

"Bakit mo naisipang magpahinga?" Tanong bigla sa kaniya ni Aubriella nang sila'y makaupo.

"Sapagkat may isang bagay pa akong nais malaman," wika ng babae habang nakatingin kay Hiraya. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga nang makita niya ang tingin ng Featherian.

"Fauzeah," tawag naman ni Sophronia sa dalaga. "Maaari mong ilabas ang iyong hinaing," kunot noo namang tinignan ni Hiraya ang dalaga. Saka niya lamang napansin na tila binabasa siya ng mga mata ng dalaga.

"Wala pang umapak featherian sa aming isla at kung mayroon man, imposibleng buhay ka pa sa loob ng kagubatang ito lalo na't ito'y mapanganib," saad ng dalaga. Bagay na hindi maunawaan ni Hiraya.

"Ano ang iyong punto?"

"Sino ka talaga at bakit mo nais sumama sa amin?" Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Fauzeah at kaagad niyang ibinigay ang tanong na kanina pa bumabagabag sa kaniyang isipan.

"Wala akong maalala!"

"Hindi mahirap ang magsabi ng totoo," wika ng dalaga. "Ikaw ba ang gumugulo sa kagubatan noong mga nakaraang taon? Base sa iyong nasabi, may nakilala kang mga Quever. Ano ang iyong pakay?"

"W-wala akong masamang intensyo-"

"Kung gayon, magsabi ka ng totoo," simpleng tugon ng dalaga. Ngayon lamang napansin ni Hiraya ang kalungkutan sa likod ng kalmadong tingin ni Fauzeah. Kasama rin sa kalungkutang iyon ay ang pagtitimpi sa isang galit na nais niya ring ilabas. 'Ibang klase, paano niya naipapanatili ang kaniyang kahinahunan sa ganitong sitwasyon?'

"Wala kang karapatang ipwersa sa akin ang katotohanan," mariing tugon ni Hiraya habang ang kaniyang kamao'y bahagyang nakakuyom.

"Ngunit paano ka namin mapagkakatiwalaan kung pati ang iyong ngalan ay hindi namin alam?" Nadama na kaagad ni Hiraya ang inis sa tono ng dalaga. Ngunit, pakiramdam niya'y kakainin siya nito ng buhay dahil sa kaniyang mga titig.

"A-aanhin mo naman ang aking ngalan?"

"Bilang pormal na pagpapakilala," tugon ng dalaga. "Ako si Fauzeah, tiyak kong alam mo na't narinig ang aking ngalan sa tatlong Featherian na ating kasama."

Napabuntonghininga naman si Hiraya at bahagyang kinagat ang kaniyang labi. 'Wala na akong ibang opsyon kundi ipakilala ang aking sarili'

"A-ako si Hiraya at galing ako sa kabilang isla. Narito ako upang tumakas sa islang iyon subalit hindi ko na alam kung paano pa makakalabas sa islang ito. Itinaboy ako ng mga Quever sa kadahilanang hindi nila ako kilala kaya ngayo'y nananatili ako rito. Ito lamang ang tanging paraan upang ako'y makalabas sa kagubatang ito kaya't nais kong sumama sa inyong paglalakbay," mahabang pagpapakilala ni Hiraya at saka muling yumuko sa harapan ng apat.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora