Kabanata 14

6 3 0
                                    

[14] : SA TAGONG TABERNA








ㅤㅤ





NANG muling sumapit ang umaga, kaagad na nagising ang ilan sa mga Escias. Lumabas na muli sila sa kani-kanilang silid upang muling magtrabaho. Ngunit, habang papalabas ang kanilang mga pinuno, nabigla pa ang mga ito nang magkasalubong ang kani-kanilang mata.

Kaagad na umiwas ng tingin si Epione upang harapin naman ang kapwa niya Escias. Nang makita niya ang mga ito na nakatayo sa ibaba habang inaantay ang kaniyang utos, hindi niya mapigilan ang kaniyang ngiti. Hindi lang ang kaniyang mga dating alagad ang naroon, ando'n din ang iba pang mga verian.

"Ngayong dumadami na tayo, ito na ang panahon upang ipalaganap ang ating kaalaman sa iba pang mga verian!" Tanging utos ni Epione. Nag-hiyawan naman ang mga Escias kaya't alam na ng babae na kikilos na ang mga ito.

"Iharap n'yo sa akin si Claude, may kasunduan kami," wika ng babae at saka bahagyang tumingin sa direksyon ni Dominico. Katabi ngayon ng hari si Sophronia kaya't alam niya na sakaniya direkta ang tingin ng babae. Subalit wala ni isang reaksyon ang lumabas sa kaniyang mukha. Kahit pa noong nakalabas na si Claude.

Nabigla ang lalaki nang makita niya ang kanilang pinuno. Ngunit hindi man lang ito tumingin sa kaniyang direksyon. Tinignan niya lamang ito hanggang sa makita niya na sa kaniyang harapan si Epione. Kaagad niyang sinamaan ng tingin ang babae dahilan upang siya'y matawa.

"May kasunduan tayo, Claude. Tiyak ko rin naman na hindi siya masasaktan kapag ako ang iyong sinunod," wika ng babae. Dahil sa mga katagang iyon, iniwas ni Sophronia ang kaniyang tingin sa lalaki. 'Sapat na ang aking nakita, ayoko nang marinig pa ito'

Iniwas na lamang ni Claude ang kaniyang tingin na mas lalong nagpatuwa sa damdamin ni Epione. "Dalhin n'yo na siya sa bulwagan. Sumunod na ang nais sumunod," utos na lamang ni Epione at saka nauna nang maglakad upang sundan ang mga may hawak kay Claude. Kaagad na sumunod sa kaniya si Haring Aramis at si Haring Desmond na kasama ngayon ang kaniyang kapatid.

"Manatili-"

"Manatili ka lamang rito, alam ko na iyon." Bago pa man makasagot si Haring Dominico, muling bumalik sa kanilang silid si Sophronia. Napabuntonghininga na lamang ang lalaki at saka sumunod kina Epione.

***

PAGPASOK pa lamang ni Haring Dominico, nakita niya kaagad na nakaluhod si Claude sa harap ni Epione habang umiiwas ng tingin sa babae. Nakangiti naman ang pinuno ng Kruscia habang hinahawakan ang baba ng featherian na tila pilit pinapatingala.

"Ano sa tingin mo, Dominico? Hindi ba't mas maganda na iwasan niya muna ang kaniyang pinaka-mamahal kung ayaw niya itong masaktan, hindi ba?" Tanong bigla sa kaniya ni Epione na ikinataas ng kaniyang kilay.

Ngunit kaagad din niyang napagtanto ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi na animo'y nakamit siya na isang bagay na matagal na niyang inaasam.

"At kailan ba ako tumanggi sa iyo?" Tugon ng lalaki. Bahagya namang natawa si Epione habang hinihimas ang baba ni Claude. Nagpumiglas naman ang lalaki kaya't bahagyang hinila ng babae ang magkabilang pisngi nito upang siya'y mapaharap sa kaniya.

"Ngayong sumang-ayon na ang aking hari, bakit hindi natin gamitin ang kapangyarihan na mayroon ka?" Tila mapang-asar na wika ng babae habang hinihimas ang mukha ni Claude. Bahagya namang napangisi si Haring Dominico at saka tuluyan na ngang pumasok sa bulwagan.

"May alam ako," kaagad niyang nakuha ang atensyon ng lahat. "Naalala n'yo ba ang babaeng sumira ng pader ng Kruscia?" Nanlaki ang mata ni Aramis nang marinig niya iyon. Kusang nawala ang kulay lila sa kaniyang mga mata.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now