Kabanata 9

8 3 0
                                    

[9] : ANG SYUDAD NG KRUSCIA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
MULING bumalik sa harap ng isang malaking pader ang tatlong hari. Subalit ang kanilang pinuntahan ngayon ay ang pader sa likuran ng Molvesca. Ngunit tila ang kanilang mga paa lamang ang kumikilos para sa kanila. Sa layo ng kanilang nalakad, saka lamang nila napansin na sila'y malapit na sa kinaroroonan ng pader. Hanggang sa mamataan nila ang isang pintuan mula rito. Ang kaninang nakatulala lamang na reaksyon ng mga hari ay unti-unting nawala.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Tanong ni Haring Desmond. Bahagya namang inalog ni Haring Dominico ang kaniyang ulo upang tila matauhan siya. Subalit ramdam niya ang kakaibang antok at lasap na lasap ng kaniyang pang-amoy ang amoy ng isang rosas. Bagay na tila pamilyar sa kaniya.

"Naaamoy n'yo ba iyon?" Tanong ng lalaki. Napakunot naman ang noo ni Haring Desmond nang marinig niya iyon kay Haring Dominico. Bahagya niya ring tinulak ang isang marka ng harang sa pader hanggang sa ito'y kusang gumukong patungo sa gilid ng pader. Dito tumambad sa kanila ang isang daanan.

"Wala, ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa hangin. Tila galing ito rito o 'di kaya'y sa malayo," tugon ni Haring Aramis sa kanila habang nakatingin sa ginagawa ni Haring Desmond.

"Ano naman kaya ang daanang ito?" Tanong na lang muli ni Haring Desmond. "Ito na kaya ang daanan patungo sa likod ng pader na ito?"

"Maaari," ani Haring Dominico.

"Kung gayon, atin itong tignan. Marahil ay may mga bagay na magbibigay sa atin ng kasagutan kapag tayo'y nagtungo rito," tugon naman ni Haring Desmond at nauna na ngang pumasok sa loob. Napansin niya rin kaagad ang hagdan pababa sa butas na ito.

"Sumunod na kayo kung nais n'yo," wika ng lalaki at saka dumiretso na pababa. Wala namang atubiling sumunod si Aramis dito ngunit ang kaniyang reaksyon ay nagpapahiwatig na tila wala rin ito sa kaniyang nais. Animo'y gumalaw lamang ang kaniyang mga paa sa nais ng iba.

Nang papasok na sana si Haring Dominico, napaisip siyang bigla. 'Pakiramdam ko'y pamilyar sa akin ang lugar na ito. Ito na nga kaya ang hinahanap ko sa mahabang panahon?'

'Ito na nga ba ang Kruscia?'

***

ILANG oras na ang lumipas simula nu'ng ito'y mangyari. Sa mga oras na iyon, nakabalik na sa Molvesca si Fauzeah subalit nagtataka siya sa ikinikilos ng mga tao dito. Base sa kanilang kasuotan, magkakaiba ang kanilang pinanggalingan. Napagtanto niya kaagad na nagpulong sa Molvesca ang mga verian mula sa dalawang kaharian.

'Ano'ng ginagawa nila rito?'

Itinaklob niya nang maayos ang kaniyang balabal at pilit na tinakpan ang kaniyang mukha upang walang makakilala sa kaniya. Nakisama rin siya sa maraming verian upang walang makapansin sa kaniyang presensya.

"Sigurado ba kayo na hindi pa nakakabalik ang tatlong hari?" Tanong ng isang verian na tila nilalamig sa kaniyang kausotan. Sa hinuha ni Fauzeah, isa itong Altamian.

"Siguradong sigurado kami, dito sila unang dadaan sapagkat sa likod lang din ng kaharian ang kanilang pinuntahan ngunit nang amin iyong tignan, wala na sila roon," tugon ng isang Molvescan.

'Likod ng kaharian? Sa malaking pader?' Tanong ni Fauzeah sa kaniyang sarili. Mas lalo pang nadagdagan ang kaniyang kaba nang tignan niya ang kaharian ng Molvesca at ang malaking pader sa likod nito. May kung ano'ng kumirot sa kaniyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. 'Ano'ng klaseng enerhiya ito?'

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverOnde histórias criam vida. Descubra agora