Kabanata 24

4 1 0
                                    

[24]: ANG IKATLONG SANGTWARYO








ㅤㅤ








ㅤㅤ
"JE T'AIME, Ellias." Napakunot naman ang noo ng lalaki sa mga sinambit ng dalaga. Pakiramdam niya'y alam niya ang wikang sinasabi nito subalit hindi niya matandaan kung saan niya narinig. Nang siya'y kakalas na sana, kaagad naman siyang niyakap nang mahigpit ng dalaga. Animo'y ayaw kumawala sa bisig ng lalaki.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I-isa lamang iyong pasasalamat na aking narinig noon," tugon ng babae. Naramdaman naman ni Ellias ang hininga ng dalaga sa kaniyang batok dahilan upang siya'y mapapikit.

"Hiraya, kung nais mo nang bumalik-"

"Nais kong manatili sa iyong tabi ngayon, Ellias." Kaagad na kumalas sa pagkakayakap si Hiraya subalit hinaplos niya rin kaagad ang mukha ni Ellias. Ngayo'y halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Ang kanilang mga mata'y nagtagpo at hindi na nila muling inalis ang tingin nila sa isa't-isa.

"Hiraya, kay ganda ng iyong mga mata," saad ni Ellias dahilan upang mapangiti ang dalaga.

"Gano'n rin ang sa iyo,"

Nang sabihin ito ni Hiraya, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lalaki at kaagad niyang siniil ng halik ang babae. Nabigla pa ito sa ginawa ng lalaki subalit kaagad din siyang tumugon sa halik nito.

Ilang minutong nagtagal ang kanilang halik hanggang sa kusa na lamang bumitaw si Hiraya. Nanlaki pa ang mata nilang dalawa at saka umiwas ng tingin sa isa't-isa.

"Paumanhin, hindi ko sinasadyang-" bago pa man matapos ang pagsasalita ni Ellias, bigla na lamang siyang niyakap ni Hiraya na nagdala ng pagkabigla sa kaniya.

"Sulitin natin ang oras, Ellias."

***

NANG muling bumangon ang araw, kaagad ding nagsimula ang kanilang paglalakbay. Mas maaga nagsimula ang kanilang paglalakad hindi kagaya noong mga nakaraang araw. Bago rin sila umalis sa kanilang pinagpahingaan, nag-ensayo na si Fauzeah para sa susunod niyang laban.

"Oo nga pala, kanina noong ako'y nagising, kababalik n'yo lamang. Saan kayo nanggaling?" Tanong ni Fauzeah. Bigla na lamang nasamid si Hiraya habang umiinom siya ng tubig. Bahagya namang umubo si Ellias sa katanungang iyon. Nagkatinginan naman si Fauzeah at si Aubriella na tila ba nagtataka sa reaksyon ng dalawa.

"N-nagpahangin lang kami, sinamahan lamang ako ni Ellias," tugon ni Hiraya habang inuubo lalo na't muntik na niyang maibuga ang tubig. Tumango-tango na lamang si Fauzeah kahit pa ramdam niya rin na may ibang ibig sabihin ang kanilang mga kilos.

Muli silang naglakbay ng tahimik habang pinapakinggan ang mga huni ng ibon at ang iba pang tunog na dala ng kagubatan. Subalit panay ang kanilang pag-inom dahil masyadong mataas ang araw ngayon at ang mga puno'y tila masisigla.

"Alam mo ba na sumisigla lamang ang mga puno't mga halaman sa Quever sa tuwing maligaya ang Featheria ng Bato?" Tanong bigla ni Aubriella kay Fauzeah habang nakatingin kay Ellias nang may ngiti sa labi. Napatingin din naman si Fauzeah sa kanilang direksyon at doon niya nakita sina Hiraya at Ellias na nag-uusap. Napataas naman ang kaniyang kilay nang masilayan niya ang kakaibang ngiti sa labi ng dalawa.

"Hay, kay swerte ng aking mga kasama, natagpuan na nila at alam na rin nila kung paano umibig," saad ni Aubriella at saka napailing-iling. Napabuntonghininga naman si Fauzeah roon.

"Minsa'y hindi rin puro ligaya ang dala ng pag-ibig. Kadalasa'y nauuwi lamang ang lahat sa unos," ani Fauzeah sabay pulot ng isang kahoy na kaniyang nakita habang sila'y naglalakad. Itinukod niya ito sa lupa upang maging gabay niya sa kanilang paglalakad dahil masakit na ang kaniyang paa.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now