Kabanata 10

10 3 0
                                    

[10] : HUDYAT NG SIMULA









ㅤㅤ








ㅤㅤ
HINDI maiwasan ni Fazueah na magkaroon ng pagtataka dahil sa itinuran ng babae. Napuno ng katanungan ang kaniyang isipan na kanina pa nag-uumapaw sa rebelasyon na kaniyang nakikita. 'Bakit niya ako kilala?'

"S-sino ka? Bakit mo alam ang aking ngalan?" Tanong kaagad niya sa babae.

"Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga'y alam ko na kung kanino nagsimula ang unos." Bahagya niyang sinulayapan si Haring Dominico bago muling tignan si Fauzeah. "Salamat sa pag-sira mo sa pader, ngayo'y mapapasa-akin na ang Polyverian," mariin niyang sabi. Nanlaki naman ang mata ni Fauzeah nang marinig niya ang lahat ng iyon. 'Mapasakanya? Ang Polyverian?'

"Ano'ng ibig mong sabihin?!" Pasigaw na tanong ni Fauzeah.

"Ano pa nga ba ang ibig kong sabihin maliban sa nais ko ang Polyverian?" Tanong naman ng babae habang suot ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.

'Ito ba ang kutob na nadarama ko kanina? Siya ba ang dahilan ng takot na aking nadarama ngayon?'

'Ngunit kung ako ma'y takot, bakit ako nakatayo sa kanilang harapan? Bakit ako narito? Bakit hindi ako tumatakbo?'

Sinipat-sipat muna ni Fauzeah ang paligid ng babae at doon niya napagtanto ang kakaibang aura sa mga mata ng dalawang hari, maliban kay Haring Dominico na tila ninanais pa na mapunta sa tabi ng babae.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Ibigay mo na sa akin ang aking ninanais," wika muli ng babae. Napakunot naman ang noo ni Fauzeah nang marinig niya ito. Narinig niya naman ang iba't-ibang protesta ng mga verian na ngayo'y nasaksihan ang pagkawasak ng pader.

"Kung magsasanib pwersa man kayo, hindi kami papayag! Ibalik n'yo sa amin ang aming mga hari!" Sigaw ng isa sa mga verian. Sumang-ayon lang din sa kaniya ang kapwa niya mga verian.

"Iyan ang isang bagay na hindi ko hahayaang mangyari." Hinaplos niya nang bahagya ang baba ni Haring Aramis upang makaharap ito sa kaniya. Hanggang sa bigla na lamang niya itong halikan. Ramdam muli ni Fauzeah ang kirot sa kaniyang damdamin. Ngunit para sa kaniya'y hindi ito ang oras para isipin niya ang kaniyang sarili.

"Oh ano pang hinihintay mo, unos ng Polyverian? Sirain mo na ang mundo mo." Napakuyom na lamang ang kamay ni Fauzeah sa kaniyang narinig. 'Ano'ng ibig niyang sabihin?!'

"Hindi ko alam ang iyong winiwika! Ngunit hindi ibig sabihin nito'y hahayaan kitang makaapak sa iba pang lupain ng Polyverian!" Nanlaki naman ang mata ng babae nang sabihin iyon ni Fauzeah. Tila ba nangyari ang isang bagay na hindi niya inaasahan.

"Paano'ng hindi? Ikaw ang kaisa-isang nilalang na itinakdang wawasak sa ating mundo! Bakit hindi ka sumusunod sa akin?!"

"Dahil mas kilala ko ang aking sarili at kahit ano pa ang pangalang nakasukbit sa akin, hinding-hindi ko hahayaan na may mapahamak na kahit isang nilalang sa lupaing ito!" Sigaw ni Fauzeah. Subalit imbis na mabigla, natawa naman ang babae na ipinagtaka muli ni Fauzeah.

"Kahit pa ang kapalit nito'y pagkawalay mo sa iyong minamahal?" Tanong nito. Nanlaki naman ang mata ni Fauzeah kasabay ng paglakas ng tibok ng kaniyang puso. Hindi ito isang kaba lamang, ito'y paulit-ulit na saksak sa kaniyang puso. 'Gusto ko siyang piliin'

'Subalit hindi kakayanin ng aking puso na makitang masira ang mundong ito nang dahil lang sa pagpili ko sa aking sariling pagnanais'

"Hindi importante ngayon ang aking nadarama! Kung nais mo man na makatapak sa lupaing ito..." Kinuha ni Fauzeah ang kaniyang espada sa kaniyang tagiliran. "....kalabanin mo ako!"

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant