Kabanata 5

9 4 0
                                    

[5] : HINDI INAASAHANG DAMDAMIN








ㅤㅤ








ㅤㅤ
ILANG oras pang nag-usap ng dalawa sa bulwagan. Hindi lamang patungkol sa Molvesca ang naging laman ng kanilang usapan, maging ang kanilang kaalaman sa iba't-ibang bagay. Kasama rin dito ang mga bagay na nangyayari sa Quevaria. Pareho rin nilang pinagsaluhan ang tsaa na gawa ng hari.

"Ibahin naman natin ang usapan. Kung iyong nais, maaari kang magtanong ng kahit ano, kahit pa personal ito o simpleng katanungan lamang," saad ng dalaga sa lalaki. Napakunot naman ang noo nito habang inilalapag ang tasa sa mesa na nasa tapat niya.

"Sigurado ka ba riyan?"

"Oo, saka isa pa, personal ang aking katanungan kanina. Isipin mo na lamang na ito'y magiging ganti mo sa akin," tugon ng dalaga. Napatingala naman ang hari na para bang ito'y nag-iisip ng katanungan. Bahagya pa siyang uminom ng tsaa bago niya ito sabihin.

"Dahil ito rin ang iyong katanungan kanina, itatanong ko rin kung may iniibig na ba ang anak ng pinuno ng Quevaria?" Tanong ng lalaki. Bahagya namang natawa ang dalaga sa katanungan sa kaniya ng hari. Animo'y isa itong biro sa kaniya.

"Imposible, hindi ko alam ang pakiramdam kung paano umibig," simpleng tugon ng dalaga. Nanlaki naman ang mata ng lalaki upang ipahayag ang kaniyang pagkabigla sa tugon ng dalaga.

"Ngunit base sa iyong sinambit kanina, ang akala ko'y may iniibig ka na," saad naman ng hari. "Sa iyong pananalita kasi'y tila alam mo na ang lahat."

"Base lang din iyon sa aking obserbasyon tungkol sa 'yo. Pero ang katotohana'y wala akong kaalam-alam sa pag-ibig na iyan," ani Fauzeah. napatango-tango naman ang hari bilang tugon. Ilang segundo munang tumahimik ang paligid bago muling magsalita ang hari.

"Kung sakali lamang na bigyan ka ng pagkakataon na umibig, pagbibigyan mo ba ang iyong nadarama?" Tanong bigla ng hari. Napakunot naman ang noo ng dalaga dahil sa mga sinambit nito.

"Bakit mo natanong?"

"Isa lamang itong katanungan na nais kong mabigyan ng kasagutan," katwiran ng hari kahit pa para rin sa sarili niyang kuryosidad ang isasagot ni Fauzeah. 'Bakit sa dinami-rami ng aking itatanong, ito pa ang aking naisip?'

Habang iniisip ng hari kung bakit niya iyon naitanong, napaisip naman ang dalaga sa katanungang sinambit nito kani-kanina lamang. Ngunit dahil roon, bahagyang natahimik ang paligid. Hindi naman naiwasan ng hari ang pagtitig sa dalaga. Natauhan na lamang siya nang ito'y magsalita. "Sa tingin ko'y susubukan ko ito kung natitipuhan ko ang nilalang na aking iibigin."

"Kung gayon, ano'ng tipo mo sa isang lalaki?" Tanong muli ni Haring Aramis.

"Sa tingin ko ay 'yung may paninindigan at may malaking katapatan sa bagay na kaniyang ginagawa," tugon naman ng dalaga sa kaniya. Umiwas naman ng tingin ang hari sapagkat nadarama niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. 'Ano ba itong ginagawa ko?'

"Bakit ka nakatingin riyan?" Tanong ng dalaga nang mapansin niya ang kinikilos nito.

"Wala iyon, m-may nakita lamang akong isang libro na hinahanap ko," pagdadahilan ng lalaki. Napangiwi naman ang dalaga sa sinabi nito. 'May napansin nanaman ako sa lalaking ito'

"May nais ka bang sabihin sa akin?" Prankang tanong ng dalaga sa hari na ikinabigla naman nito. Nanlaki pa ang mata ng hari dahil sa mga salitang binitawan ng babae.

"P-paano mo naman iyan nasabi?" Tanong din nito sa babae. Ngunit napansin kaagad nito na ito'y nangangatwiran. 'Hindi niya ba nababasa ang aking mga kinililos?'

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now