Kabanata 18

11 3 0
                                    

[18]: ANG PAGLALAKBAY SA GUBAT QUEVER








ㅤㅤ








ㅤㅤ

LUMIPAD muli sa himpapawid ang tatlong featherian. Sa mga oras na iyon, muling nadama ng hangin ang presensya ng mga tagapagtanggol ng Polyverian subalit ramdam nila ang kakulangan nito. Sandali munang lumapag sa dalampasigan ng Quevaria si Sophronia. Nagtungo siya kaagad sa isang bato na kung saan may tanim na kaisa-isang bulaklak.

Pinitas niya ang isang dilaw na tulip na nakatanim sa gilid ng bato. Pinagmasdan niya muli ito nang may ngiti sa kaniyang labi. Bumalik sa kaniyang isipan ang araw ng una nitong pamumunga. Ibinigay kaagad ni Claude sa kaniya ang bulaklak.

"Para sa iyo iyan, aking binibini," wika ni Claude sa kaniya.

"Talaga? Ano ang okasyon?" Tanong naman ni Sophronia.

"Wala naman, nais ko lamang na ikaw ang makatanggap ng una nitong bunga," tugon niya sabay turo sa isang maliit na damo sa tabi ng bato na kaniyang kinauupuan. Napairap naman si Sophronia rito.

"Tigilan muna ako sa iyong pambobola, Claude!"

"At bakit naman kita bobolahin?"

Lahat ng iyon ay alaala na lamang sa kaniya.

Napapikit na lamang si Sophronia at saka muling lumipad sa himpapawid. Rinig sa buong Polyverian ang tinig na kanilang nililikha habang sila'y lumilipad sa langit. Ibinuhos nila ang abo ni Claude sa buong karagatan ng Quever upang maging kasama pa rin nila ang lalaki sa bawat paglalakbay na kanilang tatahakin.

'Paumanhin kung hindi ko man lang naipakita ang aking pagmamahal sa iyo noong ikaw ay nariyan pa. Bilang pasasalamat sa lahat ng iyong nagawa para sa akin, aabangan ko ang laban ni Fauzeah' saad ni Sophronia sa kaniyang isipan habang hawak-hawak ang dilaw na tulip na simbolo ng kanilang pagmamahalan.ㅤㅤ

***

NANG matapos ang kanilang seremonya, kaagad silang bumalik sa tore. Doon, nag-aantay si Fauzeah habang ito'y nakaupo sa sahig ng tore na gawa rin sa bato. Ilang sandali pa'y nakalapag na rin sa tore ang tatlong featherian. Bakas sa kanilang mukha ang kalungkutan subalit kinakailangan muna nilang itago ang lahat ng kanilang hinanakit upang makausad din ang Polyverian.

"Tapos na ang seremonya, simulan na natin ang iyong misyon," kaagad na saad ni Sophronia at saka nagtungo sa harap ng malaking sitro. Kaagad namang tumayo si Fauzeah at saka sumunod sa babae.

"Bago ang lahat, bakit ako ang sinasabi nilang itinakda?" Tanong kaagad ng dalaga. "Bakit pinapalabas ni Epione na ako ang nagdala ng unos sa Polyverian? Maaaring tama, ngunit nagtataka pa rin ako."

"Kung malalaman mo lamang kaagad amg dahilan, para saan pa ang misyon mo?" Tanong ni Sophronia.

"Ngunit wala akong kaalam-alam sa kung ano ang parte ko sa propesiyang ito," mahinahong tugon ni Fauzeah. Ngunit bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon na malaman ang totoo.

"Malalaman mo lamang ito kapag naglakbay ka sa kagubatan ng Quever. Doon, may anim na kasulatan na nakatago sa bawat sangtwaryo. Ang mga ito'y ginawa ng iyong ninuno upang purihin ang gawi ng mga featherian. Doon, inilagay namin ang aming mga kaalaman patungkol sa propesiya. Anim ang nakakalat na sangtwaryo sa buong kagubatan ng Quevaria," tugon ng featherian sa kaniya.

"Ano naman ang kalakip ng mga kasulatang ito?"

"Ang mga kasulatang ito ay ang parte ng mga nalalaman ng bawat featherian patungkol sa propesiya. Ngunit walang kahit sino ang makakabasa o makakaalam ng mga nakalathala rito. Tanging ikaw lamang at kaming mga featherian ang may karapatang basahin ang mga nakasulat doon," paliwanag ng babae.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Where stories live. Discover now