Kabanata 20

6 3 0
                                    

[20]: ANG DALAWANG MUKHA NG PROPESIYA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
"ANG aking ina...isa siyang featherian, hindi ba?" Tanong ni Fauzeah sa tatlong featherian na kasama niya. Nanlaki naman ang mata ng tatlo nang marinig nila iyon sa kaniya.

"S-sino ang sinasabi mo na iyong ina?" Tanong kaagad ni Aubriella sa kaniya. Napabuntonghininga naman si Fauzeah nang mapagtanto niya na hindi alam ng mga featherian kung sino ang kaniyang ina.

"Hindi n'yo pala alam ang aking pinanggalingan, maging kung sino ang nagsilang sa akin. Ngunit bakit ako pa rin ang narito sa paglalakbay na ito?" Tanong ng dalaga at saka muling hinarap ang tatlo. Napakunot ang noo ni Fauzeah nang makita niya ang pagkabigla sa kanilang mukha. Para bang may ideya na sila sa kung sino ang kaniyang ina. Mas lalo lamang nadagdagan ang kaniyang katanungan tungkol sa kaniyang katauhan.

"A-ano'ng mayroon sa aking mga sinambit para ipakita n'yo sa akin ang inyong pagkabigla?" Tanong ng dalaga sa tatlo. Nagkatinginan naman ang mga ito na tila ba may alam sila na hindi alam ng dalaga.

"Tila hindi lamang ako ang may itinago sa paglalakbay na ito," bigla namang sambit ni Hiraya. Sinamaan naman kaagad siya ng tingin ng tatlo kung kaya't itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang hudyat ng pagsuko.

"Sagutin mo muna ang aming katanungan, sino ang iyong ina?" Tanong muli ni Ellias sa dalaga. Habang kinakalap ng kaniyang utak ang kasagutan, ramdam niya ang pagbigat ng kaniyang puso na tila ba pumipigil sa kaniya sa pagsabi ng katotohanan.

'Ayoko pang malaman ang totoo.'

"Kalimutan n'yo muna ito, may mas mahalaga pang bagay na kailangan nating tapusin," wika bigla ng dalaga. Nauna na muli siyang maglakad at hindi na naghintay pa sa apat lalo na't alam niya na kahit hindi sila sumunod, matatagpuan din siya ng mga ito.

Nagkatinginan muli ang tatlong featherian na muling binabasa ang nais sabihin ng isa't-isa. "Kilala ko na ngayon kung sino ang kaniyang ina. Subalit, nagdesisyon na kaagad siya na hindi alamin ang katotohanan."

"Nakakatakot naman kasi talaga ang totoo. Kaya't kahit may pagkakataon tayo na alamin ito, hindi natin iyon magagawa. Ayaw nating masira ang kaisa-isang bagay na nagpapagaan ng ating loob. Marahil iyon ang nais niyang iwasan.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya bago kayo nakarating rito subalit pakiramdam ko'y doon nanggaling ang takot niya sa katotohanan. Marahil ay nasasaktan pa rin siya't natatakot na baka ito na ang huling beses na gagaan ang kaniyang loob sa kaniyang ina. Hindi natin iyon alam, hindi ba?" Mahabang litanya ni Hiraya.

Hindi naman nakasagot kaagad ang tatlo sa sinabi ng dalaga. Bawat katagang kaniyang ibinigkas ay tila isang kutsilyo rin na tumama sa kanila. Subalit mas lalo rin nilang naintindihan ang nangyayari ngayon.

"Ano ba ang nangyari kay Fauzeah?" Tanong naman ni Ellias kay Sophronia.

"Isa itong bagay na hindi ko kayang sabihin nang basta-basta lamang. Subalit sabihin na lang natin na naranasan na niyang malaman ang katotohanan sa bagay na hindi niya inaasahan," tugon lamang ni Sophronia at saka nauna na rin sa tatlo.

"Tama siya, may mas mahalaga pang bagay kaysa sa maliit na problema sa kung sino man ang kaniyang ina. Ngunit kung tama man ang ating hinala, tiyak akong kasusuklaman niya ang toreng hinahangaan niya," saad pa ni Sophronia bago tuluyang umalis sa lugar.

Kahit pa nagtataka, hindi na nagsalita pa ang dalawa at kaagad na rin silang naglakad. Sumunod na lamang si Hiraya sa kanila pagkatapos niya itong irapan. At muli na silang nagsimula sa paglalakbay patungo sa ikalawang sangtwaryo.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ