Kabanata 25

8 3 0
                                    

[25]: ANG PAGSASALO NG MGA ALAALA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
"ANG baraha ng Qiver." Nanlaki ang mata ni Fauzeah nang ito'y kaniyang marinig. Pakiramdam niya'y alam niya mismo ang sinasaad ng babae ngunit alam niya rin sa kaniyang sarili na hindi niya pa ito naririnig.

"Pakiramdam mo ba'y konektado ka rito?" Tanong bigla ni Ellias. Kaagad namang tumango si Fauzeah bilang pagsang-ayon. Muli ring nagkatinginan ang dalawang featherian.

"Kay bilis ng takbo ng propesiya, ano ang nangyayari?" Tanong muli ni Aubriella sa kaniyang sarili.

"Claude."

Kaagad namang napalingon ang apat kay Sophronia nang ito'y magsalita. Ilang sandali pa'y may tumulong luha mula sa kaniyang mata. Animo'y nagtatangis na estatwa.

"Claude."

Sa ikalawang beses niyang pagbanggit sa ngalan ng Featheria ng oras, may kasunod na itong paghikbi. Subalit nakatingin pa rin ito sa kawalan.

"C-claude."

Nanlaki ang mata ni Aubriella nang mapagtanto niya ang nais ipahiwatig ni Sophronia. Muling bumalik sa kaniyang alaala ang mga sakripisyo ni Claude para sa kanila. 'Hindi maaari, hindi ito maaari!'

"Ano'ng mayro'n at bakit ganiyan ang iyong reaksyon?" Tanong naman sa kaniya ni Ellias. Napapikit muna si Aubriella bago muling harapin ang lalaki.

"Sa nakaraang mga taon, ang aming ginagawa ay baguhin nang bahagya ang propesiya. Ninakaw namin ang ibon ng Altamia upang ang kahariang ito'y bumagsak, gumawa rin kami ng gulo sa pagitan ng Quevaria at Molvesca nang sa gayo'y ang pagbabalik ng Kruscia ay hindi makaapekto sa buhay ng itinakda. Subalit kahit ano'ng gawin namin, ipapakita't ipapakita pa rin ng mga nakatataas ang iyong kapalaran sa inyong Punong Maestro.

"Ngunit sa pagkakataong ito, may malaking pagbabago na kailanma'y hindi namin inaasahan. Ang iyong kapalara'y miserable, ngunit ngayong tinitignan ko ang iyong mga mata, ibang-iba ito kaysa sa ipinahiwatig sa amin ng mga nakatataas. At pakiramdam ko'y ang pagbabagong iyon ay nanggaling sa pagsasakripisyo ni Claude para sa amin," mahabang pahayag ni Aubriella. Kitang-kita sa ekspresyon ni Ellias at ni Fauzeah ang kaniyang pagkabigla.

"Ibig mo bang sabihin na ang aking kapalara'y nagbago?" Tanong ni Fauzeah. "Ngunit imposible naman yata na ang kasalukuyan ay magbago dahil lamang sa simpleng sakripi-"

"Hindi dapat mamamatay si Claude base sa ipinakita sa aming propesiya," tugon ni Ellias. "Tandaan mo rin na hindi dapat nasa libro si Epione, ngunit bigla na lamang lumitaw ang kaniyang ngalan."

"Kung gayon, may karapatan at kakayahan ang bawat nilalang ng Polyverian para baguhin ang kanilang kapalaran?" Tanong bigla ni Hiraya.

"Ang akala namin noong una ay hindi ito posible, subalit may mali. Hindi ko maunawaan kung ano, ngunit ramdam namin na may mali. Nakikita n'yo rin ito sa aming mga kasulatan, alam namin na mayroong isang nilalang na bumabago sa kasalukuyan. Si Epione ang nasa isip namin noong una ngunit dahil sa napagtanto namin ngayon lamang, tiyak na ako na hindi siya ang may kagagawan ng lahat," pahayag ni Aubriella.

"Hindi ba't ang isang libro'y nakasulat na nang buo at wala ng panahon para baguhin pa ang nilalaman nito?" Tanong ni Hiraya.

"Ang lahat ng bagay ay may posibilidad, kung kaya't kahit isa man lang sa amin ay may alam sa paraan ng pagbabago ng mga salita rito. Ngunit bilang tagapangalaga ng Polyverian, hindi namin kayang baguhin ang kapalaran ng bawat isa," tugon ni Aubriella sa kaniya.

"Kahit gaano pa ka-miserable ang buhay na mayroon ang isang verian?" Tanong ni Hiraya. Bakas sa kaniyang boses ang pagkalalim ng katanungang iyon. Animo'y tumatagos ito sa kaibuturan ng kaniyang puso.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant