Kabanata 3

9 4 0
                                    

[3] : ANG KATOTOHANAN NG MOLVESCA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
KINABUKASAN, wala nang sinayang na oras si Fauzeah. Nang muli siyang balikan ng hari, nakahanda na kaagad ang dalaga. Maging ang mga gamit na nais niyang dalhin ay nakalagay na sa isang sisidlan.

"Nakatulog ka ba?" Tanong ng hari sa kaniya nang ito'y makarating. Ngumiti lang ang babae dito at saka tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Mahimbing ho ang aking tulog, maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito," tugon ni Fauzeah at bahagyang yumuko. Napangiti naman ang hari sa kaniyang sinabi.

"Wala iyon," tugon lang ng hari. "Oh siya, tara na?" Pag-aya nito sa kaniya. Ngumiti muli ang babae at saka tumango. Kaagad naman silang bumaba sa hagdan. Nang sila'y makababa, kaagad na bumungad kay Fauzeah ang liwanag. Nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata dahil sa pagkamangha. 'Ito ang unang araw ko sa kabilang isla. Hindi ko naman inakala na kay liwanag ng umaga rito'

"Normal lamang na okasyon ito, ano'ng ikinatutuwa ng iyong mga mata?" Tanong ni Aramis sa dalaga. Napangiti naman ito sa kaniya na tila may nais ikwento sa hari.

"Palaging madilim sa aming isla sapagkat puno ito ng mga malalaking halaman at ng hamog. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kaliwanag na umaga!" Nasisiyahang wika ng dalaga. Animo'y nais na nga niyang magtatatalon sa tuwa.

Napabuntonghininga naman ang hari at saka bahagyang inirapan ang dalaga. "Tara na, uunahin natin ang aking kaharian," saad ng lalaki at saka nauna nang naglakad. Nakangiting sumunod sa kaniya si Fauzeah.

"Oo nga ho pala, ano'ng lugar ito?" Tanong ng dalaga habang sinisipat-sipat ang paligid. Patuloy lang din sa paglalakad ang hari. Tila nais niya pang hindi sagutin ang katanungan ng dalaga subalit wala rin siyang magagawa sapagkat ninais niya na ipasyal ito.

"Ngayo'y nasa Ilsfa ka. Hindi pa ito ang kalahati ng kahariang ito at ito lamang ang parte na pinaka-malapit sa Molvesca kaya dito na rin kita dinala. Isang pasilyo lang ang ating lalakarin at mararating na natin ang Molvesca," tugon ng lalaki. Napatango-tango na lamang ang babae bilang tugon.

Ilang minuto pa silang naglakad bago nila marating ang dulo ng Ilsfa. Kanina pa sinisipat-sipat ni Fauzeah ang parteng iyon subalit pinipigilan niya rin ang kaniyang sarili na magkaroon ng kuryosidad sa mga tahanan at bentahan sa paligid sapagkat baka siya'y mawala.

Bago sila pumasok sa parte ng Molvesca, huminto sila sa tapat ng isang linya. Kunot noo naman itong pinagmasdan ni Fauzeah. "Ano ho itong linya na ito sa lupa?" Tanong ng dalaga habang nakatingin pa rin doon.

"Ito amg indikasyon na may harang sa pagitan ng Ilsfa at Molvesca. Hindi madaling malaman kung hanggang saan lamang ang bawat teritoryo kaya ito ang aming paraan," simpleng tugon ng hari. Kahit wala itong kaemo-emosyon sa kaniyang pagsasalita, naunawaan naman ito ng dalaga.

Ilang sandali pa'y nilagpasan na nila ang harang at kaagad na sinuong ang Molvesca. Nang ito'y kaniyang nakita, muling lumiwanag ang kaniyang mga mata. Tila isang panibagong lugar ang kaniyamg napuntahan. Ang ingay ng mga tao'y hindi magkamayaw. Puno ng iba't-ibang instrumento at kagamitan ang buong paligid.

Bawat pasilyo ay may kaniya-kaniyang estante. Lahat ito ay mayroong mga tindang kagamitan at ang mga nagbebenta nito'y mga Verian lamang. Kulay kayumanggi ang kanilang kasuotan at iba-iba ang disenyo nito. Ang kanilang mukha'y tila masaya kahit na sila'y may nadarama ring paghihirap lalo na't pahirapan ang bentahan ng mga kagamitan sa panahong iyon.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian," tila dismayadong wika ni Haring Aramis. Napansin naman ito ng dalaga kung kaya't napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin rito.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now