Kabanata 13

12 3 0
                                    

[13] : ANG KASUNDUAN








ㅤㅤ








ㅤㅤ
SA mahabang panahon, ang kaharian ng Kruscia ay tumindig sa likod ng kay laking pader. Malayo sa sibilisasyon na alam ng karamihan. Dahil dito, ang tanging bagay na kanilang nahasa ay ang kanilang kaalaman at lakas sa pakikipaglaban.

Habang ginagawa nila ang mga bagay na magpapalakas sa kanilang kaharian, inaantay din nila ang pagkawasak ng malaking pader na humaharang sa kanila. Sa pamumuno ng kanilang tinitingalang reyna, ibinigay niya ang isang propesiya na tumatatak sa isip ng bawat Escias. Isang propesiya na mas magpapalakas pa sa kanilang simpleng kaharian.

"Kasabay ng pagkawasak ng pader ay ang pagpasok ng tatlong hari sa ating kampo. Sa kanilang pagpasok, tayo'y magdiriwang. Ating igunita sa mundo na kaya nating ipalasap sa kanila ang kaguluhang ibinuhos nila sa atin. Muli, ang Kruscia'y babangon!"

Sa mga katagang ito, nabulag ang karamihan. Bawat araw, trabaho ang kanilang inatupag. Ngunit sa pagpatak ng gabi, isang madilim at kaakit-akit na pista ang iginugunita---Ang pista ng begær.

Sa pistang ito, bawat nilalang sa Kruscia ay maaaring makasama ang babae o lalaki na kanilang matitipuhan sa gabing iyon. Kahit pa ito'y nakakasakit o hindi nais ng kabilang panig. Bagay na alam nilang pagbabawalan ng mundo sa labas ng pader na nasa harapan nila.

Ngunit, lahat nga ba ng verian ay ninanais ang pistang ito? O may isa sa kanila na ikinamumuhi ang isang bagay na nagpapaliwanag sa kanilang kultura?

"Ano sa tingin mo, Esme?" Namulat na lamang sa katotohanan ang dalaga nang tanungin siya ng kaniyang kapatid. Saka niya lamang napagtanto na sila'y nasa harap ng isang mesa habang siya'y nakaupo sa gilid. Sa kaniyang kanan nama'y nakatayo ang tatlong hari.

"P-paumanhin, hindi ko naintindihan ang ating usapan, kapatid," tugon niya kay Epione kasama ng simpleng ngiti sa kaniyang labi. Nginitian naman siya nito pabalik at saka muling pinaliwanag ang bawat pangyayari.

"Ngunit ngayong tapos na iyon, hindi ba't mas maganda na iparamdam natin sa kanila ang gabi ng Kruscia?" Tanong ng kaniyang kapatid. Napangiti naman ang babae sa kaniya at saka tumango. Napansin niya kaagad ang isang lalaki na tila nagtataka sa desisyon ni Epione. Taka niyang tinignan ito subalit nawala rin iyon nang makilala niya kung sino ito.

Iniwas niya kaagad ang kaniyang tingin sa lalaki at saka ibinaling ang tingin niya sa isang hari na ngayo'y nakatingin sa kaniya. Ang mga mata nito'y kay talim, animo'y may nais itong sabihin sa dalaga. Kaagad niyang napagtanto na mas malaki pa ang hinahangad ng lalaki kaysa sa kaniyang inaakala.

Nais niyang tanggihan ang kaniyang kapatid sa tuwing sasapit ang pagdedesisyon tungkol sa pistang ito. Subalit, habang tinitignan niya ang babae, ang tangi niyang nadarama ay awa at pagkamangha. 'Kailanma'y hindi ninais ni Epione na mamuhay sa ganitong paraan subalit hanggang ngayon, itinatayo niya pa rin ang kaniyang sarili para sa paniniwala na kailangan niyang tuparin ang propesiya'

Sa kaniyang narinig mula sa silid kung saan nakapaloob ang trono ni Epione, alam niya na may kakayahan ang isang nilalang na baguhin ang kanilang propesiya. 'Ngunit bakit kailangan pa nilang umakto sa kung ano ang ipinakita sa kanila? Bakit kailangan nilang tumawid sa tulay na kung saan lahat ay may sagot na bago pa man ito maitanong?

Bumalik uli ang dalaga sa reyalidad at saka muling tinignan ang hari na kanina pa nakatingin sa kaniya. Basang-basa niya ang isipan nito at iyon ang bagay na hindi niya nais makita. Hindi ito puno ng mga bagay na nais nitong gawin sa kaniya, kundi puno ito ng masasayang alaala na hinahanapan niya ng paraan upang kalimutan.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Where stories live. Discover now