Kabanata 7

10 3 0
                                    

[7] : ANG KASUNDUAN NG QUEVERIA AT MOLVESCA








ㅤㅤ








ㅤㅤ
ILANG minutong paglalakad pa ang kanilang ginawa bago nila masilayan ang isang kaharian sa dulo ng isang bayan. Hindi maiwasang mamangha ng mga Quever sa lugar na kanilang inaapakan sa mga oras na iyon. Ang malaking gusali ay isang bagay na kailanma'y hindi pa nila nasisilayan.

Kaagad silang pumasok sa loob ng bayan na iyon kung saan namataan ni Fauzeah ang hari na nakikipag-usap sa kaniyang mamamayan. Nanlaki ang kaniyang mata at kaagad na ngumiti. Ilang saglit pa'y napansin din siya ng lalaki kaya't dali-dali itong tumakbo sa kaniya.

Walang atubiling niyakap ni Aramis ang dalaga nang sila'y muling magkaharap. Niyakap din naman siya pabalik nito kahit pa nasa likuran niya lamang ang kaniyang mga magulang. Nanlaki ang mata ni Accius nang makita niya ito. Kaagad din namang kumalas sa pagkakayakap ang babae.

"Ama, si Aramis nga ho pala, siya po ang hari ng kahariang ito," pagpapakilala ng dalaga sa hari. Nanlaki naman ang mata nito at bahagyang yumuko sa presensya ni Accius.

"P-paumanhin ho, hindi ko ho kayo nakita kanina't nadala ho ako ng aking damdamin," paghingi niya ng tawad dahil sa pagyakap niya kay Fauzeah kani-kanina lamang. Bahagya namang natawa si Accius sa inasal nito.

"Ayos lamang iyon, mukhang magkasundo nga kayo ng aking anak," wika ng pinuno ng Quever at saka makahulugang tinignan ang kaniyang anak. Bahagya namang umiwas ng tingin si Fauzeah sapagkat ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"A-ano nga ho pala ang inyong sadya?"

"Nais naming makipagkalakalan sa inyong kaharian. Iyon ang sinabi sa amin ng aming anak at tiyak ko naman na mabuti ang iyong kalooban kaya't pumapayag na ako sa kalakalang ito." Nanlaki naman ang mata ni Fauzeah nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang ama. Nginitian lamang siya nito bago muling ibaling ang tingin sa haring kaharap nito.

"M-maraming salamat ho-"

"Hindi ko alam na may bisita ka pala," biglang sabi ng kung sino. Kaagad na lumingon ang apat sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nanlaki ang mata ni Imogen nang makita niya ang mukha ng lalaking nagsalita.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" Kaagad na tanong ni Haring Aramis sa lalaking iyon. Bahagya naman itong natawa nang makita niya na nakakunot ang noo ng kapwa niya hari.

"Nalaman ko lamang na may inaasahan ka pala kaya't kaagad kaming pumarito upang makita kung sino ang iyong bisita. Hindi ko lubos akalain na makakasundo mo ang mga nilalang na tila mitolohiya lamang sa atin," wika pa ni Haring Dominico at saka tinignan si Imogen. Kaagad namang umiwas ng tingin ang babae.

"Ano nga pala ang sadya nila sa 'yo?" Tanong naman ni Haring Desmond sa hari ng Molvesca. Napabuntonghininga naman ito at bahagyang tinignan si Fauzeah bago sagutin ang katanungang iyon.

"Nais nilang makipagkalakalan sa aking kaharian," saad ng lalaki. Napatango-tango naman ang hari ng Altamia habang tinitignan ang mga Quever na katabi lamang niya.

"Kung gayon, bakit hindi mo kami sinabihan? Hindi ba't kami'y kaalyado mo rin naman?" Tanong naman ni Haring Dominico.

"Sasabihin ko rin ito ngunit dumating sila nang hindi ko inaasahan. Paumanhin kung hindi ko naipalam sa inyo na ninais ng anak ng kanilang pinuno," tugon ni Haring Aramis. Nanatili pa ring balanse ang kaniyang emosyon kahit na marami siyang nais isiwalat ngayon sa harap ng dalawang hari.

'Kay galing niya sa pagkontrol ng kaniyang emosyon' saad ni Fauzeah sa kaniyang isipan.

"Kung nais nga nila na makipagkalakalan sa amin, maaari lamang na magkaroon din kami ng hati sa magiging kalakalan ninyo sapagkat sa aking kaharian galing ang materyales ng mahalaga n'yong produkto," tugon ni Haring Dominico.

The Prophecy Series #2 : Deck of QiverWhere stories live. Discover now