"Tutulungan kitang mag-move on. Hindi ako papayag na mahal mo pa rin ang g'gong yun after what he did to you. Hindi kita kayang ipaubaya sa kanya. Hindi kita ibibigay sa kanya, Celine. Hinding-hindi. Akin ka lang, sakin ka lang, tandaan mo yan."

And he pressed his lips to mine. Nung una, banayad lang, pero lumalim ng lumalim ang halik niya, hanggang sa maglakbay na ang mga kamay niya sa buong katawan ko.

And here it is again, the sensation I've always want to feel with him.

Aaminin ko, naaadik na ako sa pakiramdam na to. At siya lang ang nakakapagbigay ng pakiramdam na ganito sakin.

We made love again, hanggang sa mapagod na ang mga katawan namin at kusa na siyang sumuko.

Wala man akong kasiguraduhan sa feelings ko para kay Shaun, hindi ko maiwasang umasa na balang araw, mamahalin niya rin ako. Sabi nga ni Patrice, kung hindi man siya mainlove sakin ngayon, gagawa ako ng paraan para mainlove siya sakin.

Napangiti ako.

Parang musika sa isipan ko ang binitawan niyang salita.

Hinding-hindi niya daw ako ibibigay kay James. Hinding-hindi.

I kissed him again before I finally closed my eyes.

Naramdaman ko na ang na yumakap na siya sakin bago kami tuluyang nanahimik.

"There ! Ang ganda-ganda mo lalo kapag nakangiti ka ! Look at you !" sabi pa sakin ng make-up artist ng matapos ang pagmi-make up sakin.

Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko namalayang, nakangiti na pala ako.

Gustong-gusto ko yung make-up sakin, natural make up lang. Hindi kulang, hindi rin makapal.

Sunod namang inayos ang buhok ko.

At yung huli, ang pagsusuot ko ng wedding gown.

Nagulat naman ako ng magsipasukan sila mommy at Patrice sa kwarto ng matapos ko ng maisuot ang wedding gown.

"Oh my God best ! Ang ganda-ganda moooo !" si Patrice sabay yakap sakin. Syempre, siya ang maid of honor ko.

"Princess ! Look at my princess, sobrang ganda !" sabi ni mommy.

Napangiti ako sa kanilang dalawa.

"If I know, bola lang yan." sabi ko at natawa ng bahagya.

Napanguso si Patrice.

"Best, sampal gusto mo ?! Ewan ko na lang kung hindi na mainlove sa yo si Jared my loves, niyan ! Grabe, laglag panga niya mamaya ! Mukha kang anghel sa lupa, eh !"

Si mommy, ngiting-ngiti sakin.

"Magiging misis na ang prinsesa ko. At tama ang best friend mo, hindi kami nambobola ni Patrice. You are such a lovely bride today, princess. I know Jared will take care of you, baby. Wag ka ng mag-alala, ha. He's such a good guy. I know he will never leave you."

Nagkatinginan kami ni Patrice. Ngumiti siya sakin.

Sana, tama si mommy. Sana, tama siya na hindi niya ako iiwan.

Dahil ako, hindi ko magagawa na iwan siya.

Napangiti na rin ako. Gusto kong maging masaya sa araw na to. Kailangan hindi ako nakasimangot. Araw ng kasal namin to ni Shaun.

"Tara na nga." yaya ko at lumabas na kami ng kwarto para pumunta ng simbahan.

***
JARED'S POV

You Are Mine (Published Under LIB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ