CHAPTER 26

310 12 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 26

"Ano pa bang pag uusapan natin? Ang pag kaka tanda ko wala tayong dapat pag uusapan. " Wala sa wisyo kong sabi, nagulat naman ako nang mag salita ito.

"Kung sa tingin mo wala pwes nag kakamali ka." Sabi nito sa malalim na boses.

Pumiglas naman ako sa pag kakahawak nya sa kamay ko. "Pwede ba umalis kana! Pag katapos mo'kong pa alisin tapos ngayon andito ka? Hinding hindi na'ko babalik!" Sabi ko dito habang naka simangot, nakatingin lang naman silang lahat sa amin.

"I'm sorry. " Maikling sabi nito kaya tinaasan ko s'ya nang isang kilay.

"Hindi ko kaylangan nang sorry mo." Sabay ta'yo ko para umakyat sana kaso napatigil ako sa sinabi n'ya.

"Then, come back to me." Napa kuyom naman ako sa sinabi nito.

"Bumalik kana ulit sa akin, alagaan moko kahit magaling na'ko." Dagdag pa nito sabay luhod nito sa harapan ko, niyakap naman nya yung bewang ko sabay subsob nito sa tyan ko.

"Please hindi ko talaga kaya, pinilit ko naman na hindi ka ma-miss kaso ayaw nang isip ko." May pag ka piyok na sabi nito.

"Tumayo ka d'yan. Hindi na nga ko babalik doon, bukas babalik na'ko sa hospital may bago na'kong aalagaan." Paliwanag ko dito umiling naman ito sabay higpit pa lalo nang yakap sa bewang ko.

"Hindi ako papayag, ipapasara ko 'yon pag ka tapak mo palang sa kwarto non!." Nang gagalaiting sabi nito.

"Bakit ba ang tigas mo?! Tyaka bakit mo ipapasara yon? Baliw ka na ba?!" Sunod-sunod na tanong ko.

Inangat naman n'ya yung ulo n'ya kaya nag ka titigan kami. "Sabihin mona lahat nang gusto mong sabihin, pero once na sinabi ko sinabi ko." Malamig na sabi nito. Kinabahan naman ako bigla dahil kita sa mata nya na hindi talaga sya nag bibiro.

Tumingin naman ako Kay Tita Nerita. "T-tita Nerita hindi nya po p-pwedeng gawin 'yon, d-diba?." Utal kong sabi.

"Wala akong magagawa dahil pag mamay'ari iyon nang magulang n'ya, pinahawak lang sa akin iyon kahit tanong mopa Kay melen." Paliwanag ni Tita Nerita.

"Hindi parin ako sasama sayo, kahit anong gawin mo!" Pag mamatigas ko.

"Don't challenge me, hon... kung ako sa'yo sumama kana sa akin." Malalim na boses nito habang pansin sa mata n'ya na naka simangot na ito.

"Ayoko n'ga sabi, ayoko na bumalik sa'yo, 'yun na ang disisyon ko." Sigaw ko, pansin ko naman sakanilang lahat ang pag ka putla ewan ko kung bakit.

"How dare you! You're the only girl who rejected my offer. Punong puno nako sa'yo kung patayin kaya kita ngayon?!" Galit na sabi nito pero naka yakap parin s'ya.

"Edi patayin mo, sinong tinakot mo? Pero bago mo gawin yon lumayo ka sa akin, lumayo ka sa pag kaka yakap sa'kin." Lakas loob kong sabi habang.

"F*ck, hon..." Sigaw nito.

"Lumayo ka, aalis na'ko pupunta na'ko sa hospital kukunin ko na yung mga kaylangan kong kunin. Mag aaply na lang ako sa iba." Sabi ko dito habang pilit na tinutulak ito.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo s'ya. "Okay fine, umalis kana." Sabi nito kaya nag lakad ako papuntang pinto. Na buksan ko naman na iyon pero hindi pako nakaka tapak sumigaw ito na'kina kaba ko.

"Pero once na tumapak ka d'yan wala kanang mahahanap na trabaho, sa'kin ka parin babalik kaya kung ako sayo ngayon palang na walang gulo sumama kana sa akin! Hon... I'm begging you." Sigaw nito kaya sure maririnig ito nang kapitbahay.

"Nakaka inis ka sammmmm!" Sigaw ko sabay padabog na sinara ulit yung pinto, nag lakad naman ako sa pwesto nya sabay pinag hahampas yung dibdib nya.

"I hate you!" Sigaw ko habang todo na nilalakasan ang pag hampas sakanya pero s'ya nakatayo lang pinapabayaan ako.

"Hurt me until you lose your anger towards me." Sabi n'ya sa'kin habang ako napa luhod nalang sa panghihina.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" On viuen les histories. Descobreix ara