CHAPTER 73

253 16 0
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 73

Ngiting tagumpay naman akong ngumiti dahil mukhang lalaki ang kamay ng makita ko. Si sam

Pero ng humarap ako nawala lahat ng saya ko napalitan ng lungkot dahil si Lola Rica ito na nangingilid ang luha. Nanlumo naman akong humawak sa kamay n'ya kasabay naman non ang pag yakap n'ya kaya niyakap ko rin ito ng mahigpit.

"L-lola." Utal ko pang sambit habang hinahagod ang likod ko.

"Tahan na andito lang ako para sa'yo." Malambing na wika nito.

"Ang sakit-sakit na po, k-kasi nag uwi n s'ya nang babae, Lola." Hagulgol kong sabi.

"Pagod kana ba, iha?" Biglang tanong ni Lola Rica kaya napatigil ako.

"O-opo, pero hindi ko po kayang iwan s'ya." Sambit ko.

"Okay lang naman sa amin na bumitaw kana sa relasyon n'yo ni sam dahil yung kinakapitan mo matagal nang naka bitaw, ikaw nalang ang kumakapit sainyong dalawa, iha." May lungkot na wika ni lola kaya mas lalo akong napa hagulgol dahil tama s'ya naka bitaw na si sam

"Pero ang sakit-sakit po, hindi ko kaya." Sambit ko dito sabay dahan-dahan na napa upo sa sahig.

Lumuhod naman si Lola Rica sabay hawak sa mukha ko. "Tama na, iha, naawa na ako sa 'yo, pangako namin sa'yo kahit wala na kayo nang apo ko, Ikaw parin ang pinaka gusto naming naging kasintahan nang apo ko. Lumapit ka lang sa amin at kaagad ka naming tutulungan." Mahabang lintaya ni Lola Rica habang my mga luhang tumutulo na sa sahig.

Umiling-iling naman ako. "Hindi ko po kaya kasi biglaan naman po ata yung nangyari, hindi ko kaya, l-lola....." Hagulgol ko ng sobra sa huli.

Niyakap naman n'ya ako. "Tama na, iha, tama na." Sambit nito na medyo malakas ang boses.

"Lola, paano ako kaagad bibitaw kung ganon-ganon nalang yung dahilan n'ya, hindi man lang n'ya po ako pinakinggan." My pagka nginig na boses ko dahil sa pinipigilan kong hagulgol.

"Mas masasaktan ka lang, iha, sa malalaman mo pag pumayag s'yang umalis. Pinag-iisapan na n'ya iyon kaya sana bago mahuli ang lahat, mag kaayos na kayo." Makahulugang ani nito.

"Po? H-hindi n'ya po ako kayang iwan, k-kasi mahal n'ya pa ako, Lola, sadyang may sakit at galit lang s'ya sa akin." Hagulgol kopa lalo dahil sa sinabi ni Lola Rica.

"Wala tayong magagawa, iha, dahil disisyon n'ya 'yon." Sambit nito kaya todo iling ako.

"L-lola diba mag papaalam pa s'ya sa akin, alam kong sasabihin n'ya sa akin muna lahat nang disisyon n'ya bago n'ya ako iwan. Diba Lola? Diba?" Hirap ko ng sambit, napa hawak naman ako ng pasimple sa tyan ko dahil parang sumakit ito kaonti.

"Hindi ko alam, iha, pero sana sabihin n'ya sa iyo." Sambit ni Lola bago ako alalayan tumayo.

"Kelan po kaya s'ya aalis? May pag-asa pa naman po ako para mag paliwanag." Sambit ko.

"Hindi ako nakakasigurado, iha, pwedeng bukas o makalawa umalis na s'ya." Aniya ni Lola kaya mas lalong nanghina ako kaya napakapit ako sa balikat ni Lola.

Hindi n'ya kami pwedeng iwan ng anak n'ya, kaylangan ko s'ya, kami ng anak n'ya.

"Hindi, hindi pwede!" Sigaw ko sabay lakad sa kama, dumapa naman ako sabay hagulgol lalo ng iyak.

"I-iha." Hagulgol narin ni Lola Rica dahil sa awa.

"Iwan n'yo na po ako, Lola, pabayaan n'yo po akong mag luksa sa apo n'yo!" My pagka sigaw kong sambit.

Pansin ko naman na parang my nag lalakad na palabas ng kwarto ko kaya dahan-dahan akong tumagilid ng higa dahil ramdam kong sobrang sakit na bandang puson ko.

Niyakap ko naman kaagad yung dalawa kong tuhod sabay patong ng ulo ko doon.

"Y-yung, baby, ko." Bulong ko ng maalala kong nag dadalang tao ako.

TO BE CONTINUE........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now