CHAPTER 29

312 14 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 29

"Mon buksan mo'to. D'yan muna si Sam sa kwarto mo hindi kasi kas'ya sa kama!" Sigaw ni tita sa labas ng kwarto ko.

"Luh.... tita naman e, tabi nalang po sila ni kuya nop!" Sabay padyak ko sa kama. Kakainis naman, dito pa s'ya matutulog e... sobrang laki naman ng mga kama, sobra pa nga kung tutuusin tapos sa sabihin hindi kas'ya?!.

"Isa monica, ngayong gabi lang naman."  Sabi ni tita sabay katok ulit nito.

"Pero tita hindi ka ba nag da-dalawang isip na itabi sa akin yan? Akala ko ba sabi mo bawal na my kasama ako na lalaki kasi baka galawin ako?!" Paliwanag ko na halatang na iinis dahil sa boses ko.

"Dati yon, isa monica pag 'to nag tatlo kalimutan mo ng tita mo'ko!" Sigaw ni tita kaya walang alinlangan na tumayo ako, kanda dapa naman ako papuntang pinto.

"Tita grabi ka naman, nakaka tampo kana Tita kasi ang alam ko mag kakampi tayo." Sabay nguso ko dito na parang bata, pansin ko naman sa likod si Sam na seryoso lang naka tingin sa akin, tinarayan ko naman ito at tinuon ko ulit yung sarili ko kay Tita Jane.

"Ako naman talaga kakampi mo... ka pag sa kuya mo lang 'yon pero sa iba syempre sila." Nakangiting sabi ni Tita na ikina laglag panga ko.

Luh?

"Tita naman... ayoko s'yang katabi!" Maktol ko.

"As if naman na gusto rin kita katabi." Malamig na boses nito. Ang alam ko pumunta s'ya dito para suyuin ako pero bakit parang baliktad na, s'ya pa yung galit.

"Tskkk... umuwi kana kasi, wala ka namang gagawin dito." Pag iiba ko sa usapan, sakit kasi ng sinabi n'ya kahit simpleng bagay lang.

"Buhay nga naman ng kabataan ngayon, Sige na matulog na kayo... good night." Sabi ni tita tinapik naman n'ya ko sa braso bago sya umalis sa harap ng kwarto ko, nakatayo lang naman si Sam habang naka pamulsa sa short n'ya tinaasan ko naman muna ito ng kilay bago ako tumalikod sa kanya, agad naman akong humiga sa kama sabay taklob ng kumot, naka deretso naman akong higa. Habang naka pikit nakarinig ako ng pag sarado ng pinto. Naka pasok na s'ya.

"Ano ba?! Umalis ka d'yan, ang laki-laki ng kama diba?! Kas'yang kas'ya tayo kahit tatlo pa kaya umalis ka sa 'taas ko Samuel sarochaaa!" Inis kong sabi, sinigaw ko naman yung buong pangalan n'ya habang tinutulak s'ya pa alis sa itaas ko.

Nagulat na nga lang ako kasi biglang my bumuka sa dalawang hita ko habang naka kumot ako e... naramdaman ko naman na my humiga sa itaas ko na mainit na nakaka ginhawa.

"Pag bigyan mo muna ako, gusto ko lang na dito ako mag pahinga, gusto ko ikaw yung mag aalaga sa akin habang my sakit ako." Mahabang lintaya nito, pansin ko naman na wala itong lakas.

"Kaya pala kinampihan ka ni tita kasi nilalagnat ka." Masayang sabi ko. Yes akala ko si sam na talaga kinampihan n'ya, ako parin pala sadyang kinampihan lang n'ya si sam kasi nilalagnat s'ya.

"Kahit wala naman akong lagnat ako talaga kinampihan n'ya, hindi nga nila alam na nilalagnat ako." Halata naman na nilalamig ito kaya dahan-dahan ko naman kinapa yung nuo at leeg n'ya. Grabi ang init n'ya sobra... hindi ako maka paniwala na kayanan n'ya yung mataas na lagnat.

"Uyyy.... hala ang taas ng lagnat mo baka mapa'no ka. Huyy kinakabahan na'ko sa lagnat mo." Taranta kong sabi.

"Shhh... don't mind me okay, I'm fine, ang kaylangan ko lang para gumaling ako ay ikaw kaya pag bigyan mona ako sa position na'to." Sabi nito sabay siksik sa legg ko, kaya kahit nangangalay na ang aking binti sa pag ka buka dahil nasa gitna ko s'ya pinabayaan ko nalang iyon dahil mas inintindi ko yung lagnat si sam

Ilang minuto naman akong nakatingin sa kisame dahil hinantay ko talaga s'yang matulog, ramdam ko naman yung mga malalim n'yang hinga.

"Sam gising kapa ba?" Tanong ko kahit alam kong hindi na ito sasagot.

Pero mali ako ng akala dahil ginalaw n'ya yung ulo n'ya. "Yeah.... nakapikit lang ako nag papahinga..." Baritonong boses nito sabay hawak nya sa binti ko, inangat naman n'ya ko kaya naramdaman ko na yung  headboard ng kama, tinignan naman n'ya ko kaya nag ka titigan kami. "Hinihintay kang mag salita." Dagdag pa nito.

"Ganon, bukas pag magaling kana umuwi na kayo, aalis na'ko bukas." Pag iiba ko sa usapan na ikina gulat n'ya.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Donde viven las historias. Descúbrelo ahora