CHAPTER 8

296 13 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 8

"Ako nga po pala si monica Armstrong, twenty three years old" Pag papakilala ko.

"Ako pala si cathrine Buenavista"
"Ako si Raine salvaro"
"Kapatid pala ng aalagaan mo, kianna sarocha Aziviero "
"Ako naman pinsan ako ni samuel, khezia aziviero vior"

Pag papakilala nilang lahat.

"Masaya akong makilala kayong lahat" Sabi ko sabay naki shake hands isa isa sa mga babae, napatigil naman ako sabay tingin sa mga lalaki na mga asawa ata nila, ang gwa-gwapo nila lalo na naka ngiti sila.

"Kami pala si zyron Buenavista"
"Vincent salvaro"
"John vior"
"Kurt sarocha"

Sabay shake hand din saka nila. Napatigil naman ako sa mga matatanda na mag a-asawa.

"Hello po" kinakabahan ko pang sabi Napansin ko naman na ngumiti silang lahat.

"Ang ganda mo naman iha, ako nga pala si Marissa Aziviero ang ina ng aalagaan mo ito naman ang asawa ko si Robert Aziviero."  Pag papakilala din nito sa asawa.

"Eto pala ang lola at lolo namin, si lola Rica Aziviero sixty seven at lolo Roger Aziviero sixty nine." Sabi ni Kianna habang tinuturo yung mag asawa. Nginitian ko naman sila.

"Ako nga pala yung may ari ng hospital na pinag tra-trabahuhan mo, Nerita Aziviero Bautista at ang asawa kong si molina Bautista. Ako nga pala ang nag di-disiplina sa pamangkin kong si samuel tuwing nag wawala sya." Agad naman akong yumuko nang marinig kong sya ang my ari ng hospital na pinag tra-trabahuhan ko. Sya pala yung may ari hindi ako na inform.

"Magandang umaga po ma'am and Sir" Magalang kong bati dito. Bumati naman din ang mag asawa kaya umupo ulit ako.

"Masaya po akong makilala kayong lahat" Dagdag kopa habang naka upo.

"Piling ko bagay kayo ni kuya, twenty five na sya kaso baliw sya" my lungkot naman ang turan nito sa dulo kaya ngumiti ako."Edi hahantayin ko sya gumaling...ehe" sabay pabebe ko sa dulo nag apir naman kami ni irine habang natawa. Tumawa rin naman silang lahat na nandito.

"Tama ka dyan sis... HAHAHA"

"Habang may buhay my pag-asa" Dagdag kopa.

"Ma iba tayo sa usapan iha my naging jowa kana ba? " Tanong ni Lola Rica.

Mag sasalita na sana ako ng unahan ako ni irine. "Ayy lola walang jowa yan since birth, Wala ngang experience yan sa s*x" Nahiya naman ako bigla sa sinabi ni irine. Bunganga talaga.

"HAHAHA...birhen ka pa pala iha, sa ganda mong yan wala kang jowa?"

"Wa-wala po" Nahihiya kong sabi.

"Magandang balita yan iha" Sabi ng mama ni Kianna.

"Ahmm...anong oras napo kasi baka pwede ko pong makita yung aalagaan ko" Pag iiba ko sa usapan dahil mag ha-hapon na.

"Oo nga pala, halika sumama ka sa amin iha." Sabi ni  Mrs. Marissa. Sinundan ko naman sila habang yung iba nasa likod ko habang papa akyat, nasa kalahati palang kami sumakit ang paa ko dahil ang haba ng hagdanan. Dito ata ako mamamatay sa hingal.

"Wait lang po, hinihingal ako" nahihirapan kong sabi natawa naman silang lahat.

"Beh mema mo kaya mo yan, mamaya lalakad kapa ng mahaba papuntang kwarto ni kuya" Sabi nito. Tumayo naman ako nang tuwid sabay hakbang ulit.

Ilang minuto kaka akyat sa hagdanan ngayon nag lalakad na kami sa highway nang floor. Ang lawak at ang haba sure pag nag habulan kayo hindi ka mahahabol agad.

Kaka lakad ko hindi ko namalayan na andito na kami, tumigil naman silang lahat sa dalawahang pintuan, dahan-dahan naman binuksan yon sa puntong ito parang kinakabahan akong na e-excite.

Napanganga naman ako sa lawak ng kwarto, medyo madumi lang pero napaka laki nito na piling ko yung buong bahay namin tas sa kapit bahay, ganon sya kalaki tapos isa lang yung tao yung anak nilang baliw taray.

Nag lakad naman kami papasok napansin ko sa gilid yung Isang lalaki na naka tingin sa amin, nagulat naman ako my kadena ito sa Isang paa tas isa rin sa kamay, napatingin naman ako sa mukha nya na ikina gulat ko. Naka maskara?.

"Sya puba yung aalagaan ko?" Hanga kong sabi.

"Oo iha"

"Ang perfect naman ng body nya" Nabigla naman ako sa sinabi ko. Napaka tanga mo monica dapat sa isip mo lang yon. Nag tawanan naman sila habang yung lalaki na naka maskara nakatingin lang. Ang ganda ng mata nya kulay green halatang may lahi.

" Beh ngayon palang may pag nanasa kana" sabay kurot ni irine sa tagiliran ko kaya napa inda ako.

"Aray! Mali lang yon okay"

"Ano pong pangalan nya?" Tanong ko my binigay naman sa akin si ma'am Nerita na envelope, binuksan ko namna iyon. Nakita ko ang mga information ng binata. Samuel sarocha Aziviero, 25 years old, half thai aq and Filipino.

"Ayy taray naman po nang name nya ako kasi parang hindi pinag isipan" Sabay bigay ulit ng envelope Kay ma'am Nerita.

"Sure poba kayong baliw sya?"

"Yes iha, bakit?"

"Oo nga, bakit?" pag sang ayon nila.

"E....mas mukha pakong baliw dyan, damitan palang nya yung tindig nya pero bakit naka maskara sya? Pinag loloko nyo poba ako" Nag si tawanan naman silang lahat na ikina si mangot ko. Anong problema sa sinabi ko e totoo naman na mas mukha pakong baliw.

"Iha ilang years na syang may suot nyan simula nang ipa kita ko sakanya yan hindi nya na inalis yan kaya hanggang ngayon hindi namin alam ang mukha nya. " Natahimik naman ako.

"Ganon po ba, pero nakakatakot po sya alagaan baka sakalin nya lang ako ng ilang sigundo mapatay nya nako" kinakabahan kong sabi.

"Don't worry iha aakyat kami ka agad dito pag pinindot mo to" Sabay bigay ni ma'am Nerita ng Isang remote na maliit na yung gitna my bottom, kulay pula.

"Ahh sige po, maari napo kayong umalis" Sabi ko tumango naman sila.

"Sige iha, good luck sayo" Sabi nila tumango naman ako. Lumabas naman ka agad sila kaya sinarado ko na yung double door, hindi ko sya ni-lock para pag sinaktan nya ko papasok nalang sila dito.

Binaba ko naman sa sofa yung bag ko, sabay lakad papunta sa pwesto ng lalaki. Nakatingin naman ito sa akin na halatang galit.

Napatigil naman ako sa pag lapit sakanya nang may nakita akong pulang guhit.

"Ahmmm.... Hello po ako nga po pala yung bagong nurse mo" kinakabahan kong sabi, nagulat naman ako dahil may binato syang kutsara, naka ilag naman ako.

"Umalis ka dito! Parehas ka lang nila, masyadong mapag panggap na mabait pero pag nasa harap na nang hayop kong tita sipsip!" Sigaw nito sa malalim na boses, napa isip naman ako sa sinabi nito.

"W-wala po akong alam sa sinasabi nyo" Pag dedepensa ko.

"Sinungaling!" Sigaw pa nito lalo kaya umecho
yon sa loob ng kwarto. Nakakatakot sya.

"Sorry po sir pero yung mga sinasabi nyo hindi po ako ganon" sabay yuko ko nagulat naman ako ng makita kong lumagpas yung kalahating katawan ko sa linya, nang akmang lalayo nako may humatak sa tali ng buhok ko kaya napa lugay iyon napa inda naman ako sa sakit nang pag hila nya sa buhok ko dahil hinatak nya ko papasok sa pulang linya.

Katapusan kona ba?

Lord may pangarap pa po ako!

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now