CHAPTER 56

287 13 0
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 56

"Tumigil ka nga, SAM! Babae yung punapatulan mo!" Suway ko.

Binaba naman n'ya yung kamay n'ya. "I don't care." Mahinahon na nitong sambit, pansin ko naman na nanghihina ito pero pilit n'yang inabot yung kamay ko. Kanina balak nya pang saktan yung babae tapos ngayon nanghihina na na s'ya?.

Ibubuka ko naman na sana yung bibig ko para suwayin s'ya pero naunahan n'ya ko. "Pampalakas lang, nanghihina na ako." Sambit nito, pansin ko naman sa nurse na nakatingin lang ito sa amin na animoy nag pipigil na hindi tumuli. Kanina ang taray tapos ngayon kinikilig?!.

"Sweet n'yo naman po." Bulong sa akin ng nurse.

"Hehe... Hindi naman." Pag tanggi ko.

Mabilis naman kaming naka punta sa hospital, napansin ko naman sa bintana na my mga news reporters kaya sigurado ako kukuha sila ng statement sa nangyari, sure din ako na nabalitaan narin ito sa buong mundo kanina pa dahil doon palang sa mansion my mga reporters, pero mas dumami lang ngayon.

Binaba naman na si sam sa ambulansya kaya sumunod ako, pansin ko naman na hinaharang ng mga bodyguard yung mga dagsang tao.

"Hanggang dito nalang po kayo, ma'am." Sambit ng isang nurse habang naka hawak sa kamay ko kaya tumigil ako sabay tingin kay sam hanggang sa mawala s'ya sa paningin ko, umupo naman ako sa mahabang upuan dahil piling ko nawawalan na ako ng lakas.

Ilang oras akong nag hintay bago ako nakarinig ng mga ingay nila Kianna.

"Beh!" Mga sigaw nila kaya napalingon ako sa entrance ng hospital, nakita ko naman sila na nag lalakad papunta sa pwesto ko.

"Kamusta na sya?" Mga tanong nila.

"Nasa loob parin sya hintayin nlng natin ang doctor sana maging maayos yung operation"kabado kong sambit.

Binigyan naman nila ako ng kape at donut kaya kinain ko na iyon dahil nagugutom narin ako.

"Beh, ang swerte mo kanina kasi naharangan ka ni kuya, alam mo bang hindi namin akalain na gagawin ni kuya 'yon." Pag salita n'ya sa katahimikan.

"Oo nga, pasalamat ako andon si sam kung hindi baka nakuha na ako o namatay na." Pigil na iyak ko.

"Kamusta po yung mga lalaking sumalakay sa amin?" Dagdag ko pa.

"Nasa kulungan na sila, sure pag gising ni kuya uutusan n'ya na ipapatay lahat 'yon, kaya monica wag kang mag taka kung mabalitaan mong patay na lahat iyon." Sambit ni Tita Marissa sa akin na ikina kuyom ng kamao ko.

"Bakit ganon tita? Hindi naman kaylangan na ipapatay n'ya pa kasi nasa prisinto na sila." Naaawa kong sambit.

"Wala kaming magagawa iha, pero hindi pa naman natin sure kung gagawin n'ya iyon." Tango lang naman ang tugon ko at pinag patuloy nalang ang kinakain ko.

Ilang oras na kaming nag hihintay nang maka rinig kami ng sigaw ng isang babae.

"Nasaan si samuel?! Kaylangan n'ya ako ngayon!" Sambit nito na ikina tigil ng mundo ko. Bakit andito s'ya? Ang alam ko ayaw ni sam na makita s'ya. Sambit ko sa aking isipan

Pero pa'no kung isang araw mawala na yung pag mamahal sa akin ni sam babalik pa kaya s'ya sa babae n'yang si athina?.

TO BE CONTINUED.....

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin