CHAPTER 24

327 17 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 24

"Psttt, Sam. " tawag ko dito, pero nakaka dalawang hakbang palang ako nang biglang sumigaw ulit sya.

"I said get out!"

"Bakit ka naninigaw? Edi sorry, hindi naman ako nahihiya sa pag lagay mo sadyang natatakot lang ako kay kuya." Sabi ko dito pero hindi sya umimik.

"Huy"

"Get out, umalis kana lang ulit hindi na kita kailangan!." Sabi nito na nag pa sikip sa dibdib ko. Ang sakit naman nya, hinanap hanap nya ko nung wala ako tapos ngayon pinaaalis nya nako nang tuluyan.

"O-okay ingat ka nalang dito" naiiyak kong sabi sabay talikod.

Agad naman akong bumaba kung nasaan sila.

"Uyy beh nangyari?" Alalang sabi ni lira sabay yakap sa akin.

"Inaway nya ko." Sabi ko dito.

"Ano ba kasing ginawa mo? Bakit ka nya inaway?." Tanong nito kaya tinignan ko sya.

"Nilagyan nya kasi ako nang chikinini kaya nagalit ako tapos yon nagalit din sya baka daw kinakahiya ko yung nilagay nya." Paliwanag ko todo tango naman sya.

"Hayaan mo muna sya, wag ka muna mag trabaho." Sabi ni irine pero agad akong umiling.

"Hindi na talaga, babalik nako sa hospital sya narin naman nag sabi din na umalis nako" napatayo naman silang lahat.

"Huy!"
"Wag beh!"
"Luh!"

Mga samot saring sigaw nila.

"Yon napo yung disisyon ko, sorry po" Sabi ko sabay kuha nang bag na katabi ni irine.

Agad naman akong nag tipa sa cellphone ko para mag commute, ilang minuto lang may motor na tumigil sa harap nang mansion kaya agad akong nag lakad, binigyan naman ako ni manong nang helmet.

"Okay napo ba kayo ma'am?." Tanong nito.

"Opo" maikling tugon ko, umandar naman na iyon, pero habang papalayo yung motor naririnig ko yung sigaw nila.

"Ingat ka!"
"Balik ka dito beh!"
"Wag ka nang umalis iha!"

Mga sigaw nila tinignan ko lang naman sila hanggang sa napakalayo na namin ni kuya driver sa mansion, ilang minuto nasa gate na kami nang village, hinarangan naman kami nang mga guard.

"Uuwi na po kayo ma'am?" Sabi nang Isang guard.

Tumango naman ako. "Opo kuya, babalik napo ako sa pinag tra-trabahuhan ko." Paliwanag ko pa.

"Ganon poba, ingat po kayo." Sabi nang mataas na ranggo dito sa mga bantay, binuksan naman nila yung gate pero nagulat ako lahat sila habang papalabas yung motor inangat nila yung baril nila na parang nag bibigay galang, kumaway kaway naman ako sakanila hanggang sa lumiko na yung motor.

Ilang oras na yung byahe sa wakas andito nako sa tapat nang bahay, agad naman kong tinulungan ni kuya rider bumaba sya narin nag tanggal nang helmet sa akin.

"Thank you kuya, eto po yung bayad sayo narin po yung sobra." Sabay abot ko nang buong 500 pesos kita ko naman sa mata nya na ngumiti ito.

"Sige po ma'am, thank you po talaga." Sabi nito tango lang naman yung ginawa ko bago ito umalis, lumapit naman ko sa gate namin.

*Ding Dong*

Tunog nang doorbell namin narinig ko naman may mabibigat na hakbang kaya si kuya Nop yon na tumatakbo.

"Hello kuya!" Sigaw ko pag ka bukas palang nang gate, niyakap naman nya ko ka agad.

"Mabuti naman bumalik ka, halos mag t-two months ka nang hindi umuuwi, na miss ka namin ni mama." Habang Turan nito habang naka yakap parin sya.

"Miss ko narin kayo." Sabi ko sabay bitaw sa pag kaka yakap.

" Sakto naghahanda si mama kasi death anniversary nila  Tita, tito pala ngayon, na alala mo ba yon?" Napalaki naman yung mata ko.

"Oo nga pala nakalimutan ko. Halikana pasok na tayo" Sabi ko sabay hatak kay kuya, Nakita ko naman na sinipa ni kuya yung gate kaya nasarado yon.

"Monicaa!" Sigaw ni tita sabay yakap sa akin.

"Tita, I miss you po." Sabi ko.

"Mabuti andito kana, halika kain na tayo. " Aya na ni tita umupo naman kami ni kuya kung saan kami naka upo.

Natapos na kaming kumain kaya  nag liligpit ako nang mga plato si kuya nop naman biglang tumingin sa akin, pero agad din syang yumuko pero dahil may ka chat sya pero bigla nyang binitawan yung hawak nyang cellphone sabay tingin ulit sa akin.

"Hoy gag* kang babaita ka bakit may chikinini ka?!" Galit na sabi ni Kuya Nop napa tingin naman ka agad si Tita sa akin.

"Kuya kumalma ka. " Sabi ko dito dahil tumayo ito papuntang dereksyon ko.

"Ikaw nawala ka lang nang higit dalawang buwan may jowa kana!" Sabay pingot ni kuya Nop kaya napa inda ako.

"Kuya aray, wait lang mag papaliwanag naman talaga ako." Namimilipit kong sabi dito.

"Sige anong ipapaliwanag mo?! " Sabay bitaw sa akin.

"Wag tayo dito mag usap doon tayo sa sala." Sabi ni Tita kaya nag lakad kami.

Ngayon naka upo kaming tatlo, sila kuya at tita nakasimangot habang ako kinakabahan.

"K-kasi kuya ano po yung inaalagaan ko sya gumawa nito." Sabi ko sabay yuko.

"Gag* pala yun eh! " Sabi ni kuya.

"Wait lang kasi kuya, tapos ngayon kasi magaling na sya dahil sa galing ko. " Sabi ko.

Nag explain naman ako sakanila kaya wala na silang nagawa kaya huminahon na si kuya dahil malaki narin naman daw ako Sabi ni tita.

"Ano kamusta ka? Dito kana ba?" Tanong ni kuya.

"Opo"

"Good" nagulat naman ako nang biglang hinampas ako ni kuya.

"Ikaw huh,

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now