CHAPTER 55

336 14 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 55

Ilang oras na kaming nakatayo ni sam kaya pansin kong nanghihina na s'ya.

"Ang tagal naman nila! Sam, tatawag na'ko ng ambulansya." Natataranta kong sambit.

Yumuko naman s'ya kaya yung baba n'ya naka  patong sa akin. "Stay here." Maikling turan nito. Hanga rin ako kay sam kasi kahit wala na s'yang lakas nakayanan n'ya parin tumayo ng ilang oras habang naka yakap sa akin.

Ilang minuto lang hindi na umiimik si sam kaya todo iyak na'ko. Lagi nalang ba ganto? Tuwing my trahedya laging huli na yung mga ambulansya at pulis!.

Nasaan na sila?

Nagkaroon naman ako ng lakas ng loob dahil  naka rinig na kami ng mga ingay ng ambulansya at mga pulis.

"K-kayanin mo,samm.., meron ng ambulansya." Hikbi kong sabi, hindi naman s'ya tumugon doon kaya kinakabahan narin ako.

"Kuya! Monica!" Mga sigawan nila.

"T-tulong andito kami sa kusina!" Nakarinig naman ako ng mga ingay ng mga yapak kung nasaan kami ni sam, sakto naman na lumabas na yung mga kasambahay kaya inalalayan sila ng mga nurse doon.

Nang akmang kukunin na'ko ng mga andon ng hindi nila ako mahatak kasi super higpit ng yakap ni sam, ilang minuto naman nila akong hinahatak kaso hindi talaga nila ako ma alis sa bisig ni sam.

"Kuya, kami ito." Sambit ni Kianna tinapik-tapik naman n'ya ang kuya n'ya, mga ilang sigundo lang naramdaman ko na lumuwag yung pag kaka-yakap n'ya kaya nakuha ako ng mga nurse sakto naman na pag kakuha sa akin bumagsak s'ya mabuti nalang nasalo ka agad.

"I check n'yo s'ya! Kaya ko pa!" Sigaw n'ya, agad naman akong lumapit saknya

"Hindi na kaylangan, adi, kasi maski isang galos wala, ang alalahanin mo yung kondisyon mo." Alala kong sabi.

"Are you sure?"

"Opo" tumango naman s'ya kaya lumayo na'ko sa kanya para malagay na s'ya sa stretcher.

Habang naka sunod kay sam habang buhat s'ya napatingin ako sa paligid dahil ang daming mga bangkay, bigla naman akong napa isip kung bakit nila ako gustong kunin kaya lumapit ako kay Tita Marissa.

"Tita, bakit nila ako gustong kunin? Ano bang atraso ko sakanila?" Naiiyak kong turan.

"Stop crying iha, baka marinig ka ni sam baka biglang bumangon 'yon. Kaaway 'yon ng company namin, gusto kanilang kunin para isuko ni sam lahat ng pag mamay-ari n'ya." Mahabang paliwanag ni Tita.

"Pero wag kang mag alala dahil nahuli na sila ng mga pulis." Dagdag ni Tita, pumasok naman na sila sa van na itim napansin ko naman na my tatlo pang van kaya sure akong mga bodyguard 'yon.

Nang akmang papasok na ako sa van ng pigilan nila ako. "Dun ka sa ambulansya kung nasaan si sam, baka hanapin ka n'ya. Pupunta muna kami sa pulis station." Sambit nila Kianna, wala naman ako nagawa kaya nag lakad na'ko patungo sa ambulansya pero ng akmang papasok na'ko ng pigilan na naman ako ng isang nurse na kung titignan ay kaidaran ko lang.

"D'yan lang kayo ma'am, hindi po kayo pwede dito, maliban sa akin." Maarteng sambit nito.

"Pero sabi nila Tita dito daw ako." Mahinahon kong sabi.

"Sorry pero hindi pwede." Sabay tulak sa akin, pansin ko naman na lahat nang nandito naka tingin na sa amin.

Mas lalo naman nakuha lahat ng atensyon ng biglang sumigaw si sam. "Papasukin mo ang asawa ko! Kaylangan ko s'ya dito!" Umalingaw-ngaw naman yung sigaw ni sam kaya rinig na iyon ng lahat.

"S-sorry po, hindi na mauulit." Utal nitong sambit, pansin ko naman na nahihiya na ito kaya agad na'kong pumasok sa ambulansya para maka pasok narin s'ya, sinarado naman n'ya yung pinto ng ambulansya.

"Balak mo pa atang ulitin yung ginawa mo sa asawa ko! Ibaon ko kaya sa'yo yung isang bala na nasa likod ko?! Kanda matay-matay na nga ako para lang hindi s'ya masugatan, tapos tinulak mo!" Pag mamaldito ni sam sa babaeng nurse, naka yuko naman yung nurse habang kaharap ko.

"Pasensya na po talaga." Mahinhin na sabi nito.

"Sorry? Anong magagawa nang sorry mo kung masugatan s'ya?!" Sigaw n'ya, ng akmang hahawakan n'ya yung babae ng pigilan ko s'ya.

Pati ba naman babae pinapatulan ni sam arggg sa lagay nyang un nakikipag talo pa sya immortal ba sya?

TO BE CONTINUE.......

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now