CHAPTER 7

297 13 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 7

Maaga naman akong na gising dahil sa alarm ko. Agad naman akong naligo, nang matapos nako maligo nag bihis nako, nag light make up naman ako tyaka nag pa bango.

Inayos ko naman muna yung kama ko dahil napa ka gulo na akala mo binagyo.

"Good morning, alis nako!" Sigaw ko habang pababa.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bahay ng biglang sumigaw si tita.

"Monica mag almusal muna tayo! " Sigaw ni tita kaya napa tampal ako sa nuo. Oo nga pala nakalimutan ko.

"Ayy oo nga po pala." Sabay lakad kona papuntang kusina. Nakita ko naman si kuya nop natawa. Yan na naman sya.

"Bobo mo naman...HAHAHA!"  Sabay tawa nito ng malakas.

"Nakalimutan ko lang. " Pag dadahilan ko pero patuloy parin syang natawa kaya walang alin na sinabunutan ko sya kaya napa tigil ito kaka-tawa napalitan ng inda.

"ARAY! joke lang." Namimilipit na sigaw nito habang ako tuwang tuwang na sina sabunutan sya. Yes sa ilang years namin nag aaway na gawa ko narin to.

"Tigilan nyo nga yan nasa harap kayo ng hapag kainan, hindi ba kayo nahihiya?!" Nang gagaliiti na sigaw ni tita kaya napa bitaw ako sa buhok nya sabay takbo sa upuan ko sabay kuha ng kanin.

Tahimik naman kaming kumakain tatlo pero yung tinginan namin ni kuya nop mag lalabanan.

"Mamaya ka sakin!" Sabi nito habang walang boses dinilaan ko naman sya kaso nagulat kami ng biglang kinutusan kaming dalawa ni tita Jane.

"ARAY!" inda naming dalawa ni kuya nop Ilang years akong inalagaan ni tita ngayon nya lang ako na sapok. Ang sakit.

"Tigilan nyo yan di lang yan aabutin nyo sakin lalo kana nop! " Banas na sabi ni tita natahimik naman kami ni kuya nop.

Hanggang sa natapos kaming kumain hindi kami nag ingay o nag away ni kuya nop kasi sobrang sakit ng sapok ni tita ngayon nasa labas na kami ng pinto.

"Babye." Sabay yakap ko sakanila.

"Baon mo para hindi ka magutom. Balitaan mo din kami kung maayos lang ang pag trato sayo ng mga yon." Tumango naman ako.

"Opo tita, thank you po pala sa baon.Sabi ko sabay yakap ulit kay Tita. Nag katinginan naman kami ni kuya nop 

"Ingat ka don, chat moko pag uuwi kana, su-sunduin kita sa harap ng village ng pinag tra-trabahuhan mo. " Ngumiti naman muna ako bago bumitaw sa pag kaka yakap kay tita, nilapitan ko naman si kuya nop.

"Opo kuya" Sabay halik nito sa nuo ko.

"Gusto moba hatid kita don?" Umiling naman ka agad ako.

"Hindi na kuya, malapit lang naman tyaka baka ma-late ka" Ngumiti naman ito sabay bulsa ng kamay.

"Haystt, Sige ingat ka wag mong kalimutan na chat ako pag uuwi kana." Sabi nito kaya nag lakad nako pa labas ng gate sakto naman na my dumaang taxi. Sakto, simula kasi ngayon taxi na ang sasakyan ko dahil yun lang ang pwedeng pumasok sa village masyado daw kasing mahigpit.

"Kuya sa Village of Aziviero nga po" Magalang ko sabi pag ka pasok ko palang ng taxi nakita ko naman sa mirror yung mata nya na parang lumaki.

"Ma'am sure kapo ba? Private property po yon" napansin ko naman na kinakabahan ito.

"Bakit po? Ano po bang problema kung private property?" Taka kong tanong.

"Yung village na yon ang kinakatakutan ng buong philipinas ma'am kahit presidente kasi po my biglang tututukan ka ng maraming mga security guard. Hindi nyo po ba yon alam. " Mahabang lintaya nito napa lunok naman ako sa sariling laway.  Super yaman pala nila, parang ayoko nalang tumuloy mahal kopa buhay ko.

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now