CHAPTER 19

304 13 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 19

Kinabahan naman ako dahil narinig ko na yung yapak nya papalapit sa pwesto ko kaya todo urong ako sa head board nang kama, kumapit naman ko don para kung sakaling hatakin nya ko may pang kakapitan ako.

"Come here." Malamig na tono nito.

Umiling naman ako. "Ayoko"

"I said come here!" Nagulat naman ako nang biglang hatakin nya yung paa ko kaya nabitawan ko yung head board.

"Saamm!" Sigaw ko sa pangalan nya dahil binuhat nya ko paharap kaya napa kapit ako sa balikat nya, umupo naman ito kaya nasa lap nya nako, nag katitigan naman kami.

"Sino nag sabi sayo na magmura ka?" Halata naman dito na galit sya nag titimpi lang.

"Ako, bakit?" Walang alinlangan na sabi ko. Tapang tapangan lang tayo kahit takot nako sakanya ngayon.

*Pak*

Tunog nang pag sampal ni samuel sa bibig ko kaya maski ako nagulat. Naiiyak naman akong tumingin sakanya.

"Ba-bakit mo ginawa yon?" Nanginginig na sabi ko habang nangingilid na yung luha ko habang sya walang emosyon na nakatingin lang sa akin. Hindi manlang sya naawa?.
Ayoko sa lahat yung may nagmumura sa harap ko! Lalo na pag babae!" Malamig na tono nito habang tinatapik lang nya na parang pinapatulog na bata yung legs ko.

"E...bakit kaylangan manakit?"

"Napilitan lang akong saktan ka, para madala ka, bakit may balak kapa bang mag mura ulit?!" Halata naman dito na parang nag babanta sya. Umiling naman ako.

"Good." Maikling tugon nito. Napaka seryoso nya ngayon, nakaka asar!.

"Bitawan mo na nga ko." Sabi ko sabay alis nang kamay nya sa binti ko.

"Wag nalang tayo mag usap para hindi ako maka pag mura!" Sigaw ko tumayo naman ito.

"Kung matitiis moko" naka ngising sabi nito. Napansin ko naman na nag poposas sya nang sarili nya. Nakakaawa sya kasi sa super sabay nya na sya narin mismo nag poposas sasarili nya.

"Oo kaya ko! Bakit anong akala mo sa akin hindi ko kaya?!" Hindi naman ito sumagot. Ang sama nang ugali nya pag galit.

"Bahala ka sa buhay mo! Mag hanap kana nang bago mong nurse!" Sigaw ko dito sabay binato yung sapatos sa gilid, tumama naman yon sa hita nya pero wala parin syang pake.

"Aalis ka? Iiwan mo talaga ako? Sabi mo kaylangan mo nang pera."

"Ano naman ngayon, basta babalik nako sa hospital ayaw nakitang alagaan!" Pag sisinungaling ko pero ang totoo hindi lang ko mag papakita sakanya.

*Bogshh!*

Kalabog nang pinto dahil doon ko nalang binuhos lahat nang galit ko sakanya, padabog naman akong bumababa sa hagdanan.

Pag kababa ko nakita ko sila nakatingin sa akin, narinig ata nila yung galabog nang pinto kanina.

"Nangyari sayo beh?" Tanong ni lira.

"Si samuel hinampas ako sa bibig!" Sabay upo.

"Huh? Bakit naman? May ginawa kang mali no?" Sabi bigla ni Kianna. Tumango naman ako.

"Mom! Si Sam bumalik na sa dati, magaling na sya!" Masayang sabi nito.
"Hindi pa tayo nakaka sigurado dyan, pero ang masasabi ko lang pagaling na sya nang pagaling dahil bumabalik na sya sa dati" Halata naman din kay Tita Nerita na masaya sya.
"Galing mo talaga mag alaga teh" Sabi ni irine nag apir naman kami.
"Pero ma iba lang bakit ka nya sinampal, ang alam ko kasi nananampal lang yon pag nagmura ka, galit kasi si kuya sa mga babaeng nag mumura, pangit daw kasi sa mga babae yon." Mahabang paliwanag ni Kianna, sumangayon naman silang lahat. Tama nga ayaw nya na nag mumura pero bahala sya.
"Nagmura kasi ako habang nag dadamit sya sa banyo tapos nung nasa harap kona sya hinampas nya bigla yung bibig ko" pag susumbong ko. Hindi kona sinabi na nasa lap nya ko non baka mamaya mag ingay pa.
"Uyy...gag* ka wala naba ang iniingatan mong kayamanan?" Sigaw ni irine agad ko naman syang binatukan.
"Hoyy hindi no! Gosh..." Sabi ko nag piece sign naman ito.
"Ayy akala ko may nangyari na" sabi bigla ni Lola Rica kaya napalaki yung mata ko.
"Oo nga eh" sabay na sabi ni tita Nerita at ni Tita Marissa.
Luh?
"Ahmmm sakit nang labi ko sa hampas nya, nakakainis sya! Ayy sabihin nyo nga po pala sakanya pag hinanap nya ko, bumalik nako sa hospital."
"Huh? Bakit?" Tanong naman nila.
"Nanggigigil ako sakanya kaya hindi ko po muna sya aalagaan hanggang bukas. Okay lang po ba" tumango naman si tita Marissa.
"Sige iha, sasabihin nalang namin" sabi pa ni Tita Nerita.
"Namamaga be yung bibig mo napalakas ata yung hampas" nag alalang aabi nila.
"Ahh wala yan" Sabi ko sabay hawak sa labi ko.

Mag hapon naman kaming nag kwentuhan kahit nasa hapag kainan kami nag kwe-kwentuhan kami kaya sobrang saya nang  buong bahay dahil sa ingay. Nasa sala naman kami ngayon nanonood nang k-drama.

Natapos na yung k-drama kaya nag tanong ako nang oras dahil napansin ko din na madilim dilim na.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Beh sa ating mag ka-kaibigan wala tayong lahing mga bobo, ayun oh..." Turo nya sa ding Nakita ko naman don yung malalaki orasan. 8:25 pm na.

Nag prepare naman ako nang pagkain nya nang mabilisan sabay lagay sa lamesa.

"Hindi pa pala kumakain si sam, irine baka naman" Sabi ko dito agad naman nyang kinuha yon.

"Sama kami!" Sigaw bigla nilang lahat.

"Sige" walang alinlangan na sabi ni irine sabay akyat nilang lahat kaya ako nalang ang nandito sa sala.

Kinuha ko naman yung coke sa ibabaw ng lamesa, bubuksan kona sana yung coke nang biglang naka rinig ako nang malakas na sigaw.

Nagwawala na sya, dahil ba sa akin?

Puntahan ko kaya sya?

Mga katagang nasa utak ko nang oras nato.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now