CHAPTER 16

328 14 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 16

7:05 am palang na gising nako dahil sa alarm ng cellphone ko, pinatay ko naman yon sabay upo, sumandal naman ako sa head board ng kama.

Ilang minuto akong ganon ang pwesto bago ko na pag disisyon na tumayo papuntang banyo. "Maka ligo na nga" sabi ko sabay kuha ng tuwalya sa loob ng drawer. Sa super laki kasi ng banyo my drawer na malaki.

Binuksan ko naman ka agad yung shower ng banyo sabay naligo. Ilang oras akong nasa loob dahil ganon talaga ako maligo sobrang tagal. Nag suot naman ako ng nurse na damit, nag tali naman ako ng pusod, nung naka tali nako nilagay ko na yung puting headban na laging sinu-suot ng mga nurse na my tatak na logo ng hospital. Lumabas naman ka agad nang matapos nako.

Bumaba naman ako para mag breakfast na. Nakita ko naman yung mga babae na nag bre-break fast, umupo naman ako sa tabi ni khezia.

"Nasaan yung mga asawa nyo?" Tanong ko.

"Tulog pa" sabay sabay na sabi nila.

"Ahhh... okay" maikli kong tugon sabay kuha ng tinapay.

"Ano bang kape mo? Pag titimpla ka ni manang." Sabi ni Kianna. Nahihiya ako kaso inalok ako bawal daw tumanggi sa grasya kaya sige na nga.

"Greatest white nalang" nahihiya kong tugon. Gosh nurse lang ako dito pero para akong madam. Nag timpla naman ka agad si Manang Linda.

Habang kumakain ng tinapay nag salita si irine.
"Beh...mabuti nalang maayos na si Sam."

"Oo nga e, pero pino-problema ko kung pano ko sasabihin kay tita Nerita na kukunin ko yung susi ng kadena nya. " Nag taka naman sila.

"Diba binigay sayo ni tita yung susi? " Sabi ni Kianna.

"Hindi. Susi lang yon ng pinto" Sabi ko tumango naman sila.

"Pero bakit mo kukunin?" Sabi ni Raine.

"Sabi nya kasi kahapon ilang araw na daw syang hindi na liligo. Ang lagkit na daw nya." Mahabang turan ko.

"Mema naman ni kuya, kahit hindi na sya maligo ma bango yon, kunyari pa sya gusto ka lang nyang saktan" halata naman na naga-galit ito sa kapatid.

"Bakit ba galit ka sa kuya mo? "

"Hindi ako galit,ang problema kasi kay kuya mapanakit sya kaya walang nag ta-tagal na nurse sakanya. Ikaw palang pero parang piling ko sa-saktan ka nya ulit, kaya walang duda kung paprusahan sya ni tita dahil sanay na kami...hindi na kami na aawa"  Napa kagat naman ako sa ilalim ng labi. Hindi ko na sasabihin yung sinabi ni Sam sa akin ka gabi dahil alam kong hindi sila maniniwala. Baka sabihin pa nila nahawa nako kay Sam.

"Ahhh...bahala na" sabi ko sabay tayo, pero hindi pako nakaka layo nag salita sila.

"Beh.... hindi mopa tapos yung kinakain mo!"

"Ahhmm...wala nakong gana...gagawa nalang ako ng breakfast ni Sam." Sumangayon naman sila kahit na naguguluhan.

Saglit lang naman ako nag prefer ng breakfast, ngayon andito nako sa harap ng pinto ni Sam. Bubuksan palang yung pinto.

Binaba ko naman yung tray muna para mabuksan ko yung pinto, nang mabuksan ko nakita ko syang naka higa sa kama, pumasok naman ka agad ako ng mabuhat kona yung tray, nilagay ko naman ito sa lamesa na my gulong, ginilid ko naman muna ito.

Tinaggal ko naman muna yung kumot nya. "Ahmm...Sir samuel gising na" Sabi ko habang tinatapik sya sa braso.

"Leave!"

Nagulat naman ako sa pag sigaw nya kaya napa urong ako, sakto naman na nag mulat na sya ng mata.

"I'm sorry, ganon talaga ako pag umaga, ewan ko kung bakit" malungkot na sabi nito tumango nalang sabay alalay sakanya pa upo. Sadyang tinatanggi lang nyang wala na syang sakit sa isip pero sa isip na nakapalibot sakanya meron talaga, dahil kung simpleng tao ka hindi ka mag wawala o sisigaw ng walang dahilan.

"Sir... breakfast napo kayo para maka inom kana nang gamot" Sabi ko dito sabay ayos sa harapan nya ng lamesa, kinuha naman nya yung kutsara.

"Nag breakfast kana?"

"Opo"

"Good to know" pinag patuloy naman nya yung pag nguya nya kaya napaka tahimik narin ako habang nakatingin sakanya.

Habang nakatingin ako sakanya na balik ako sa wisyo dahil narinig ko ang boses nya.

"Ano po yon Sir?"

Pumayag ba si tita?" Sabi nito habang nakain, na gets ko naman ka agad yung sinasabi nya.

"Sa mga kaibigan at kapatid nyo palang po, wala po kasi sila umagang umaga palang dahil my inasikaso." Mahaba kong sambit dito.

"Haysttt, d*mn hot!"

"Baka maya-maya naman po nandyan na sila ulit" nagulat naman ako dahil hinawakan nya ang kamay ko sabay tingin sa akin.

"Please lagkit na lagkit na kasi ako, tyaka nababahuan narin ako sa sarili ako kaylangan kong maligo. I promise hindi kita sasaktan"

"Gagawa ako nang paraan.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now