CHAPTER 70

252 12 1
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 70

"Sure kaba, iha, na gusto mong tiisin lahat-lahat, kahit sobrang sakit na?" Sambit ni Lola Rica habang nakayakap ko ito sa akin.

Umiling naman ako. "Ang hirap po Lola na iwan s'ya, mahal na mahal ko po ang apo n'yo!" Pansin ko naman na tumulo na yung luha n'ya sa buhok ko kaya mas lalo kong binaon yung sarili ko sa kaniya.

Inalalayan naman nila akong lahat maka pasok sa Isang kwarto sa third floor dahil nakasarado lahat nang pinto sa second floor kung saan floor si sam.

Lahat naman sila pumalibot sa akin. "Ang tapang mo, girl!" Manghang Sabi ni irin kaya niyakap ko ito.

"Shhh.... okay lang 'yan, andito naman ako best friend ko, please wag ka nang umiyak kasi naiiyak na din ako dahil yung kaibigan ko nasasaktan." Sabi nito habang sinusuklayan ang buhok ko gamit ang mga daliri n'ya.

"Ang sakit-sakit, parang kinamumuhian n'ya na ako."

"Simula palang 'yan ni kuya, ngayon palang parang alam ko na yung magiging kilos n'ya nararamdaman ko. Dahil bukas ihanda mo ang sarili mo kasi mag dadala 'yun nang babae dito." Sambit ni Kianna na mas lalong nagpa sikip nang dibdib ko.

Please wag n'yang gawin iyon dahil hindi ko kakayanin.

"Mag pahinga kana ,beh... kaylangan mong makakuha nang lakas para bukas dahil mas masakit pa yung nararamdaman mong sakit kumpara ngayon." Sambit ni Kianna na sinang ayunan nila kaya humiga na ako kahit umiiyak ako.

Lahat naman sila tinapik ako sa balikat bago sila naka labas nang kwarto ko.

Naka bukas naman yung ilaw sa pinto kaya sa pwesto ko madilim kaya kahit umiiyak ako walang makakakita.

Habang umiiyak ako rinig ko sa ibaba na parang may nagwawala kaya alam kona kung sino iyon. Si sam kaya maslalo akong naiiyak.

Ang sakit kasi parehas kaming nag durusa pero mas masakit sa akin dahil wala akong alam sa sinasabu n'ya.

"S-sana pinakinggan mo ako, edi sana ako parin, masaya parin tayo kasi mag kakaanak na tayo." hirap kong wika, hinawakan ko naman yung tyan ko na wala pang umbok.

"Baby p-parang hindi ko na kayang sabihin pa sa papa mo na buntis ako, dinala kita, baka mas lalo n'ya lang akong kamuhian, baka bigla ka n'yang itakwil kasi piling ko nasa isip n'ya sa lalaki ko ito." Hikbi kong sabi.

"Ayokong marinig galing sa kanya na hindi ka n'ya anak. Tanggap ko naman lahat nang sasabihin n'ya sa akin pero kung madadamay ka, hindi ko kaya baby. Kaya behave lang muna tayo, hmmm, wag mong pahirapan si mama sa paglilihi," Pag kausap ko sa anak ko habang hinimas ang tyan, pinunasan ko naman yung mga luha ko na kumalat na sa pisngi ko

"Wag mo munang paglihian si papa mo, pwedeng sa pagkain nalang." Pakikiusap ko dito kahit alam kong hindi n'ya iyon maririnig.

"Kakayanin pa ni mama, baby, lalaban tayo hanggang sa mapagod si mama, okay." Bulong ko, naramdaman ko naman na parang inaantok na ako kaya inayos ko ulit yung kumot dahil na gulo.

Humikab naman ako sabay tapik nang mahina s tyan ko. "Good night, baby ko, pahinga na tayo kasi bukas masasaktan nanaman si mama. Lalabanan ulit ni mama." Huling lintaya ko bago ako tuluyang pumikit at maka tulog.

TO BE CONTINUE.........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now