CHAPTER 60

420 17 2
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 60

"Sa super tagal na nitong hospital may ganto pala, paano mo nalaman na pwedeng ihiga yung sofa?" Sabi ni tita.

"Sinabi lang din sa akin nang secretary ni dad na pinalitan daw lahat nang sofa. Kaya pala pinatulog n'yo si monnn doon!" Sabay turo ko kung saan kanina naka pwesto si mon. "Kasi hindi n'yo alam na pwede maging higaan yung sofa!" Sambit ko, pansin ko naman na gumalaw si mon kaya tinignan ko yung susunod n'yang kilos.

Napatigil naman ko sa pag hinga nang biglang yakapin ako ni mon mga ilang sigundo lang hindi na ito gumagalaw dahil mahimbing na s'yang natutulog kaya tumingin ako sakanilang na may kahulugan kaya ka agad akong nilapitan ni mom para ibalik yung dex cross ko sa kamay, yung iba naman nag aayos na nang sofa para maka higa narin sila.

Mga ilang minuto lang tinignan ko yung pwesto nila, yung isang sofa puro babae yung nakahiga yung sa isa naman puro lalaki habang kami ni mon kaming dalawa lang yung nasa hospital bed na king size.

Tinignan ko naman si mon nang ilang minuto hanggang sa nakaramdam ako nang antok kaya sumiksik ako sa leeg n'ya, dahan-dahan ko naman niyakap si mon

"Sam gising na, umaga na, nagugutom na'ko." Sabi nito habang tinatapik ako.

"What time is it?" Antok ko pang sabi.

"3 am nakasimangot naman ako.

"Umaga ba 'yan? Three palang nang madaling araw!" Sabi ko.

"Oo kasi lagpas na nang twelve kaya umaga na, Dali na kasi gumising kana nagugutom na ako!" Pangungulit n'ya.

"Bahala ka d'yan." Sabay tagilid ko nang higa.

"Adiii dali naaa!" May pag kainis nitong sambit pero sinawalang bahala ko s'ya dahil inaantok pa talaga ako.

"Hindi ka parin ba gigising? Tangina naman." Bulong namura n'ya sa dulo na sakto lang para marinig ko.

"Say one more bad word, I'll slap you hard!" May pag babanta ko.

Nagulat naman ako nang biglang hinampas ako nito sa braso. "Wala akong pake sa'yo, hindi mo ako matatakot ngayon." Mataray nitong sabi kaya parang gusto kong mag tago sa likod nila mom kaso tulog sila.

"What the hell it's your problem?!" Banas kong sabi.

"Nagugutom ako." Naiiyak nitong sabi.

"What the f*ck, hon, nagugutom ka lang naiiyak ka?" Naka simangot kong sabi.

"Ewan ko! Basta nagugutom ako, bilhan mo na kasi ako." Irita nitong sabi.

"Meron naman sa ref." Saad ko naman, tinaasan naman n'ya ko nang kilay kaya napalunok nalang ako sa sariling laway. Anong problema nito? Bakit ang tapang-tapang!.

"Ayoko nang mga pagkain na 'yon, Adi, ang papangit nang mga lasa tinikman ko isa-isa!" Maktol n'ya, pansin ko naman na umiiyak na s'ya kaya umupo na ako.

"Hindi ako pwedeng bumili! Pasyente ako dito, dapat ikaw yung bumili, tapat lang naman nang hospital yung coffee shop!" Sabi ko dito pansin ko naman na mas lalo itong nag simangot.

"Bumili kana kasi, ayoko nang coffe, gusto ko nang cake na yung flavor banana, tapos yung iniinom mong choco." Napanganga naman ako sa sinabi n'ya.

"Tangina saan ako kukuha nang gusto mo? Hon, ginagago mo ba ako? Dahil lang sa cake na yung flavor banana, ginising mo ako?" Gigil kong sabi dito, inambahan ko naman s'ya nang suntok.

"Malamang sa bilihan. " Pilosopong sabi nito.

"Yung choco nalang, hon." Sabi ko dito.

"Basta yun ang gusto ko." Sabay cross arm nito.

"Ayoko mag hihintay pa ako na magawa yung gusto mong cake, ang tagal non, alam mo naman na kaka-opera  ko lang tapos pa lalabasin mo na ako?" Maktol kong sabi.

"D-dali na kasi, Adi..." Hikbi nitong sabi kaya wala akong nagawa tinanggal ko yung dex cross ko ulit.

Pinunasan ko naman yung luha n'ya. "Shhh... stop crying, bibilhin kona." Sabi ko dito kaya napa ngiti ito ka agad.

Niyakap naman n'ya ko nang mahigpit. "Hehe.... talaga? Advance thank you." Masayang sabi nito kaya niyakap ko nalang s'ya pabalik kahit may taka sa mga inaasal n'ya.

"Hon, para ka namang buntis sa mga kilos mo. Kakainis mamamaga na'tong kamay ko kaka- tanggal nang dex cross." Maktol ko pa, nang akmang iiyak nanaman s'ya tumayo na ako.

"Wait me here." malamig kong turan, tango naman s'ya nang tango habang naka ngiti kaya bago ako tuluyang umalis hinalikan ko s'ya. Hindi na ako nag palit nang damit dahil katabi lang naman nang coffee shop yung bilihan nang cake.

Andito naman na ako ngayon sa hallway nang hospital naka simangot dahil inaantok pa talaga ako, dagdag mo pa yung masamang pakiramdam ko. Kakaasar! Lakas nang topak nang babaeng 'yon ngayong araw!.

TO BE CONTINUE.........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now