CHAPTER 63

279 17 0
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 63

Pinalit ko naman ulit yung pwesto nang plato namain kaya nasa akin na yung banana cake. "Yan na, kumain kana para maka pahinga na tayo, ang aga-aga pa." Mahinahon kong wika.

"Ayoko na nga!" Sabay urong na nito nang lamesa.

Kinuha ko naman yung kutsara sa cake sabay pinasubo sa kanya yung mocha cake, sinubo naman n'ya iyon sabay nguya habang may ngiti sa labi.

"Gusto mo lang pala subuan, pinapa stress mo pa ako." Sabay kagat sa ibabang labi.

"Ehhh, gusto ko lang, bakit ba?" Pagpapa baby nito kaya sinubuan ko ulit s'ya hanggang sa naubos na ito.

"inumin mo na yung choco latte mo." Sabay bigay sa kanya.

Umiling naman ito. "Ayoko. "

"Wag mong sabihin na papainumin pa kita?!" Sabi ko, umiling naman ito habang naka pout sabay kuha nang choco latte, inubos ko naman na muna yung banana cake t'yaka ko niligpit yung mga plato nilagay ko sa lababo dito sa loob nang kwarto dito sa hospital.

"Adi, pakuha nga nang tubig." Pag uutos n'ya habang kumukuha ako nang tissue para ipang punas sa lamesa, kaya parang gusto ko s'yang batuhin.

"Hon, pasyente ako, hindi utusan mo! Kung sino pa yung naka discharge yun pa gumagawa nang dapat ginagawa mo!" Inis kong sabi.

"E-eto na nga ehhh..." utal na sabi nito, na realize ko naman yung sinabi ko kaya nilapitan ko s'ya, hinawakan ko naman s'ya sa balikat. "Umupo ka nalang, ako na po ma'am." Sambit ko naparang katulong.

"Hindi na, ako nalang, nahiya naman ako." Pansin ko naman na papatak nanaman yung luha n'ya.

Hindi pa s'ya nakaka lagpas sa akin binuhat ko naman s'ya pa harap. "I'm sorry, para walang away habang nag aayos ako bubuhatin nalang kita." Mahinahon kong wika, nag salin naman na ako ng tubig at binigay ko naman ka agad iyon kay mon

Hinatak ko naman na yung lamesa na may gulong nilagay ko iyon sa pinaglagyan non kanina habang si mon patuloy lang sa pag inom.

Nang matapos na ako sa pag aayos nang kinalat namin umupo ako sa kama kaya nasa lap ko na s'ya.

"Hon, tulog na tayo, pwedeng palagay ulit nang dextrose ko." Pakikisuyo ko kaya tumango ito sabay binaba yung baso sa lamesa katabi nang kama.

Hinatak naman ni mon yung mahabang bakal na digulong kung nasaan naka sabit yung dextrose ko sabay ayos nito, nang maayos n'ya na kinuha n'ya yung karayom sabay kuha nang kamay ko na naka patong sa kama.

Napatigil naman ito nang makita n'ya yung kamay ko. "Nag vi-violet na yung kamay mo, adi." Taranta nitong wika kaya tinapik ko s'ya sa bewang gamit yung isang kamay ko.

"Calm down, okay lang ako, sige na ilagay mona." Sabi ko dito habang naka ngiti para hindi na s'ya mag alala.

"Pero, adi." Nag da-dalawang isip nitong sabi.

"Sige na kung ayaw mo ako nalang gagawa." Nang akmang kukunin ko na sa kamay n'ya nilayo n'ya iyon.

"Ako na." Sabi nito kaya tumigil ako sa pag kuha, pansin ko naman na pumikit ito sabay hinga nang malalim, pag dilat n'ya tinurok n'ya na iyon kaya napa pikit ako sa sakit.

"Okay kalang, adi?" Pag aalalang sabi nito kaya nag mulat ako nang mata.

Tumango naman ako. "Of course, I'm fine." Pag lalakas loob kong sabi kahit masakit.

Tumayo naman ako sabay pinahiga na si mon, nang akmang lalakad na ako sa kabilang side nang kama hinawakan n'ya yung pulsuhan ko.

Nilingon ko naman s'ya. "Why?"

Tumayo naman ito sa pagkakahiga. "Pwedeng pa tingin nang mukha mo?" Naka ngiti nitong sabi.

"Hindi pwede, matulog kana." Pilit ko naman s'yang pinapahiga pero ang tigas nang ulo n'ya.

"Dali na kasi." Pag pupumilit n'ya.

"Sleep!" Inis kong sabi.

"Please..." Parang batang wika nito sabay yakap sa akin, inangat naman n'ya yung mukha n'ya kaya nakita ko yung mata n'ya parang nag tutubig.

"Why do you want to look at my face?" Tanong ko.

"Wala lang, basta gusto ko lang, Dali na saglit lang naman eh." Sabay nguso nito kaya binuhat ko s'ya sabay hatak nang dextrose ko, umupo naman ako sa isang upuan na di ikot sabay pinaharap ko iyon sa ding-din dahil pag sa kama n'ya ako titignan baka may makakita.

Tinanggal ko naman na yung maskara ko sabay pikit. Natatakot akong makarinig nang sasabihin ni mon sa mukha ko.

Hinawakan ko naman yung hawakan nang upuan, hinigpitan ko naman yung pagkaka hawak doon, habang hinahatay yung sasabihin ni mon.

"Ang gwapo mo talaga, para kalang panaginip pwede din na k-pop sa sobrang pogi mo." Manghang Sabi ni mon na nag padilat sa akin nang mata. Tama ba yung narinig ko? Hindi n'ya ako nilait.

"Ang gwapo mo, wala kang katulad, adi, gawa na kaya tayo nang baby?" Walang alinlangan na sabi nito kaya namilog naman yung mata ko.

"Are you serious? Dito sa hospital?" Hindi maka paniwalang sabi ko.

"Oo, bakit anong masama don?"

"Ewan ko sayo, nasa hospital tayo baka magising sila." Sabay tapik sa butt n'ya.

"Edi tahimik nating gawin." May sigla nitong sabi habang naka ngisi.

"Ang lakas-lakas nang ungol mo, ayokong may makarinig non, ako lang dapat, kaya hindi." Madidiin kong wika sabay ayos ko nang dextrose dahil nasagi.

Pagka tingin ko ulit kay mon ang lapit na nung mukha n'ya sa mukha ko kaya isang galaw pa n'ya mag hahalikan na kami. "Ang gwapo mo, seryoso lang, Dali na, gawa na tayo." Sabi nito sabay hawak sa dib-dib ko papuntang leeg ko .

"Stop, hon." Sabay hawak sa pulsuhan n'ya.

"tskkk, ako na nga nag aaya ayaw mo pa." Walang gana nitong sabi, hinawakan naman n'ya yung pilikmata ko gamit yung isa n'yang kamay.

"I said stop!" Pa sigaw kong sabi kaya tumigil ito sa pag hawak.

"Ang damot mo naman, pahawak na nga lang nang pilikmata mo ehh, ayaw mo na ngang gumawa tayo nang baby." Ngumuso naman ito kaya dinampian ko s'ya nang halik sabay bitaw ko sa pagkaka hawak sa pulsuhan n'ya kaya todo hawak s'ya sa mga parte nang mukha ko lalo na sa pilikmata.

"T'yaka nalang tayo gumawa pag naka uwi na tayo." Sabi ko dito kaya tumango lang ito dahil busy sa pag tingin sa mukha ko habang hawak yung kilay kong mag ka salubong

TO BE CONTINUE...........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now