CHAPTER 65

389 18 2
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 65

"Adi, gising...

"Not know, hon, inaantok pa ako." Walanggana kong wika sabay dapa.

"Adi, may dugo!" Sigaw nito habang tinatapik-tapik n'ya ako kaya napa balikwas ako nang upo.

"Anong nangyari? Bakit ka dinudugo?!" Taranta kong sabi habang tinitignan ang buong katawan ni mon pero maski sugat wala naman akong nakita.

"Hindi ako, Ikaw yung may dugo! Anong nangyari dyan sa likod mo bakit may dugo?" Sambit nito habang tinuturo yung likod ko.

Na realize ko naman yung nasa likod ko kung anong nangyari kaya huminga ako nang malalim. "Kanina lang toh, wag n'yo nang pansinin." Kalmado kong sabi.

Bigla naman akong hinampas ni Kianna. " Kuya obob kaba? Hindi ka naman pinanganak ka hapon pero ang obob mo! Kuya yung tahi mo dumudugo, pa'no kung maubusan ka nang dugo?" Sigaw nito habang namumula sa galit.

Napa hawak naman ako kung saan n'ya ako binatukan. "Hey, what the f*ck! I'm still older than you, kung maka badok ka!" Sigaw ko habang ginagalaw ang panga.

"I'm sorry, nakaka inis ka naman kasi kuya." Pag pipigil nito nang galit, tinitigan ko lang naman s'ya nang matalim sabay tuon Kay mon.

"Hon, Don't panic..." Sambit ko sabay hawak sa kamay n'ya.

"Adi, mag palit kana muna nang suot mo." Sabi naman nito kaya tumango nalang ako.

Nang makakuha si mon nang damit pansin ko na hindi parin  sila tumatalikod. "The heck, turn around, wag niyo akong tignan!" Irita kong sabi.

"Ang arte mo, okay lang 'yan." Sabi nila Kianna.

"I said trun aroun-pabayaan mona, adi... kilala mo naman sila eh." Sambit nito kaya Wala akong magawa.

Hinubaran naman na ako nang dahan-dahan ni mon habang nakatingin sila sa akin kaya parang gusto ko nalang sa banyo mag palit kasi hindi ako sanay na maraming naka tingin sa katawan ko.

"Laki nang biceps mo, tol..." Manghang Sabi ni zyron.

"shut up bro!"banas kong sabi habang pinupunasan ni mon yung likod ko.

"Totoo naman kasi, kuya" pag sang ayon ni Kianna.

"Tskk, kakainis!" Bulong ko, pansin ko naman na kinalabit ako ni mon kaya umurong ako kaonti.

"Lagi mo nalang silang inaaway, alam mo bang hindi maganda sa pamumuhay nang isang tao kapag may kaaway at hinanakit?" Mahinahon nitong wika habang patuloy parin ito sa ginagawa n'ya.

"Sorry.

Nang matapos na n'yang punasan yung likod ko na puno nang dugo binihisan n'ya na ako, sakto naman na may pumasok na doctor na lalaki na kung titignan mas matanda lang ito sa akin nang ilang taon.

"Good morning po, nasabi na po sa akin ni Sir Robert yung nangyari po sa likod n'yo kaya kung pwede ko po bng tignan iyang nasa likod mo para malaman po namin kung makaka uwi kana po Sir." Mahabang lintaya nito

"Yeah," sabay angat nang likod ko kaya tinitigan n'ya iyon.

"Baka dalawa o tatlong araw kapa po dito dahil nabuka yung iba n'yo pong tahi, ano po bang nangyari bakit na buka 'yan?" Sunod-sunod na sambit nito kaya napa tigil ako.

"Wala, basta bumuka lang s'ya." Pag sisinungaling ko dahil ang totoo non nangyari toh Nung binuhat ko si mon

"Ganon po ba, sa susunod po mag ingat nalang ho kayo sa kilos mabuti nalang hindi s'ya tuluyang bumuka." Pag papaalala nito.

"Okay, thanks." maikli kong turan, napa tingin naman ako sa tabi ko kung nasaan si mon pansin ko naman na tingin na tingin ito sa mukha nang lalaki kaya pasimple kong hinawakan yung hita n'ya kaya napa balik ito sa wisyo, tinignan naman n'ya saglit muna ito bago s'ya tuluyang tumingin sa akin kaya gigil na gigil na ako ngayon sa doctor na lalaki.

"You can go out now, bumalik ka nalang mamaya." I said with cold tone.

"Ahhh... ano yon, adi?" Wala pa sa sarili nitong sabi habang naka tingin parin sa doctor na naglalakad na palabas nang kwarto.

"Tskk, don't look with someone, lalo na sa lalaki, kagaya nung doctor gusto mona atang kainin eh!" May pagka bulong kong sabi.

"Sorry, ganda kasi nang pilikmata nung doctor, naka maskara." Wika nito kaya tinignan ko lang s'ya.

"Bakit maganda rin naman yung akin ahh... mas mahaba pa nga yung pilikmata ko don eh kahit walang maskara..." Sambit ko.

"Alam ko, basta trip ko lang tignan yung nasa doctor, bakit nag seselos ka?" Her teasingly said while she's laughing.

"Tskkk, bakit naman ako mag seselos don eh ang pangit n'ya, bakit may lahi ba sya? Eh mata ko nga walang katulad kulay green tapos s'ya black lang kaya bakit ako mag seselos?" Pinipigilan ko naman na hindi taasan yung boses ko baka kasi sabihin n'ya nag seselos talaga ako kahit totoo naman.

Pag papalit na nga lang ako sa pangit at babae kung pwede naman sa akin na pogi na nga loyal pa sa isa at higit sa lahat may lahi.

TO BE CONTINUE...........

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now