CHAPTER 12

291 13 0
                                    

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK"

Part 12

Nakatayo naman ako ng ilang minuto kaka isip kung tama ba ang hinala ko, dahil hindi ako naka pag tiis humarap ako kay sam.

"Sam Bakla kaba? Kanino to?" Nakapikit kong sabi sabay pakita ng isang dress, hindi kona kinuha yung iba dahil madami iyon.

"Idi*t! Mukha bakong nag so-soot nyan?! Umalis kana nga muna, imbis gumaling ako baka mas lalo pakong mabaliw. Dahil sayo! " Sigaw nya nginitian ko naman ito sabay balik ng dress kung saan ito kanina naka sabit.

"Ayy sorry kala ko sayo. "

"Tskk, Nilagay lang yan dyan ni mom, basta ewan ko, arghhh!" Sabay sigaw nito sa dulo sabay gulo ng buhok. Ha-luh nagwawala na naman sya.

"Ayy sorry po" sabay kamot ng ulo. Nakakahiya.

"Lumabas ka muna!" Sigaw nito kaya tumango nalang ako. Tapos narin naman ako mag linis kaya okay lang, tyaka...na gu-gutom narin ako.

Pag ka baba ko dumeretso ako sa dinning area ng mansyon, nakita ko naman sila na kumakain na ng dinner. Naka pang tulog naman na silang lahat. Naka uwi napala sila bakit hindi ko narinig yung ingay nila?.

"Good evening po" napatigil naman sila sa ginagawa nila dahil natuon iyon lahat sa akin.

"Ohh bakit ngayon ka lang iha? Naka half bath nalang kami" Sabi ni tita Marissa.

"Ang dami po kasing kalat sa kwarto nya kaya na tagalan po ako." Sabi ko sabay upo sa Isang bakanteng upuan.

"Ahh ganon ba"

"Opo"

Kumain naman na kami ng tahimik hanggang sa natapos na kaming kumain kaya nasa sala na kami nag papahinga lang saglit.

"Ayy beh!" Biglaang sabi nito.

"Ano yon?" Agaran kong sabi.

"Wala pala kaming na biling damit kasi pumunta kami sa company dahil my emergency." Napa laki naman ako ng mata.
"Pano ako makaka palit ng damit? "

"Hindi ka sya damit namin sayo masyadong maliit yung bewang mo" Sabi ni Kianna.

"Oo nga malaki sayo damit ko kasi medyo maliit ka" Sabi naman ni Catherine

"Lahat kami walang ka sya na damit sayo" sabay na sabi ni Raine at khezia.

"Hindi ako makaka tulog nang maayos pag hindi ako nag half bath" Maktol ko.

"Mas lalong hindi sa amin iha, pero ang alam ko my damit sa drawer ng anak ko nilagay ko don, nabili ko yon sa Gucci store ganda kasi kaso hindi kasya sa aming lahat kaya tinabi namin don, baka sayo iha kasya yon" napanganga naman ako sa sinabi ni tita Marissa.

"Ayy ayoko po non masyadong maikli" Nahihiya kong sabi.

"Aray!" Sabay hawak sa ulo ko dahil binatukan ako ni irine.

"B*bo kaya nga nighties dress na over the knee, aba malamang maikli yon!" Sigaw ni irine kaya sinamaan ko nalang ito ng tingin.

"Beh ang sakit non! Alam ko yon kasi grabing ikli naman non! Hindi ako nag so-soot ng mga dress, alam mo yon, depende nalang!" Sigaw ko napa nguso naman ito.

"Sorry napa lakas"

"Chee....."

"Pero be kung ako sayo mag suot ka nang dress, kasi perfect  body ka maganda ka kaso mukha kang lusyang minsan sa damit mo, try mo naman mag dress pag matutulog o kaya pag aalis ka kasi lagi ka nalang naka pants!" Sabi nito na parang nandidiri.

"Seryoso mukha nakong lusyang sa suot ko?" Taka kong sabi. Oh my gosh sayang ang ganda ko kung sasabihin lang ako ng lusyang dahil sa damit ko, akala ko ba naman maganda, hindi pala.

"Oo beh, dimo kasi pakinggan lahat ng sinasabi sayo ng mga tao pag lumalabas tayo" sabay tipa ulit nito sa cellphone. Tama nga sya kasi narinig ko narin na maganda daw ako kaso lusyang lang mag suot.

"Ahh sige po akyat na muna ako" Sabi ko, hindi pako nakaka tapak sa hagdan sumigaw sila Kianna.

"Baba ka dito mon! Mamaya pa kasi kami matutulog, maaga pa kasi" sigaw ni Kianna kaya tumingin ulit ako sa pwesto nila.

"Sige, wait lang"  sabay akyat kona ng tuluyan sa hagdanan. Nasa harap naman nako ng pinto ni sam kaya binuksan kona iyon, nakita ko naman syang kinakausap na naman ang sarili kaya pinabayaan ko nalang sya kaysa naman na magwala ulit. Dumeretso naman ako sa drawer kung saan ko kanina nakita yung dress.

Kinuha ko naman iyon sabay sarado ulit ng drawer, lalagpas na sana ako Kay sam ng biglang nag salita ito.

"Sino nag sabing kunin mo yan?" Malamig na boses nito.

Tinignan ko naman sya. "Sabi kasi ni Tita Marissa kunin ko daw yung dress sa drawer mo hindi daw kasi kasya sa kanilang lahat kaya try ko daw baka kasya sa akin" Mahabang turan ko kaya tumango sya.

"Kung ka kasya sayo e ang liit nyan, ang taba mo...HAHAHAHAHA" sabay halakhak nito na parang demonyo, tinarayan ko naman sya.

"Dimo sure, bahala ka" Pag mamaldita ko sabay labas na sa kwarto, naririnig ko naman sa hallway yung malakas nyang halakhak pero pinabayaan ko na iyon sabay pasok sa loob ng kwarto ko nang ilang araw. Pangatlong kwarto ako sa dulo habang si sam sa kabilang dulo din ng hallway, mag ka same lang kami ng floor.

Agad naman ako nag suot ng damit nang matapos akong maligo,  kulay red naman ito na nighties dress na kalahati ng hita ko kaya kitang kita ang makinis at maputi kong katawan. Nag lakad naman ako sa malaking salamin para tignan kung bagay ba sa akin.

Napanganga naman ako dahil hindi ko makilala ang sarili ko dahil first time ko lang mag lugay habang naka dress, Wala pakong make up neto pano pa kaya pag meron pa edi lag-lag panga sila.

Bumaba naman ka agad ako sabay upo sa mahabang sofa, ilang minuto lang napansin naman nila na nakababa nako, nakita ko naman ang pag ka bigla nila ng tignan nila akong lahat. Napakusot naman ng mata yung iba kaya tumawa ako.

"Chill ako lang toh" sabay flower pose.

"Gagi ang ganda mo" hangang sabi nila tita Marissa, Nerita.

"Ganda ng shape ng katawan mo beh lalo na yung d*de mo" Walang alinlangan na sabi ni irine

"Ang ganda mo be" sabi pa nila. Pati narin sila lola Rica.

"Grabi naman kayo parang kikiligin nako, pero thank you. Pero wala ba kayong parang balabal para kahit pa-paano hindi masyadong kita." nahihiya kong sabi.

"Wala e, hindi uso samin yon tyaka bagay naman sayo" Sabi ni Raine, tumango nalang ako sabay ayos ng dress ko.

Nag kwentuhan naman kami tungkol sa buhay ko pero na iba yung topic nung naalala bigla ng mom ni sam kung kamusta ito.

"Kamusta pala si sam?"

"Okay lang naman po sya tita, nakaka usap ko sya nang maayos, hindi nya narin po ako sinasaktan kahit lumagpas ako sa linya" Tumango tango naman silang lahat.

"Magandang balita yan iha" Sabi ni tita Nerita.

"Ayy...iha napa kain mona ba sya? Napa inom mo narin ba sya ng gamot?" Tanong ni tita Marissa kaya napa laki yung mata ko nang maalala kong hindi pa sya na kain. Nakalimutan ko syang pakainin dahil sa pag ka busy ko kakalinis, hindi din nya kasi sakin Pina alala kanina.

"Oo nga po pala nakalimutan ko" sabay madali kong pumunta sa kusina para kuhaan ng pag kain si sam. Nag ready naman ako ng tray ang laman non ay orange juice, tinola, at apple na hiwa na, nilagay ko naman muna iyon sa mahabang lamesa dahil kukunin ko muna yung gamot na iniinom ni sam sa Isang kabinet na nasa dulo.

Nang makuha ko iyon nilagay ko yon sa tray sabay lakad pa akyat. Hindi kona inintindi yung damit ko kahit kita pa ang hugis ng katawan ko basta ang nasa isip ko pakainin na sya ka agad.

Baka nalipasan na sya ng sobra, baka mapano sya.

TO BE CONTINUE.....

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now