LISTEN ; SAIL

10 1 0
                                    

Kaliwa't kanan ang ingay na naririnig, puso kong kanina pa nayayanig. Hindi ko alam kung dala ba ng kaba o baka sa lamig. 

Pero baka nga, baka nga kaba 'to. Tangina kikitain kita matapos kong umamin sayo. 

Namamawis na yung mga kamay, hindi naman first time 'to pero parang inaagnas na ko. 

Nakailang mura na ba ang nabanggit? 

Naka ilang lunok ng laway na ba sabay pumikit?

Naka ilang higop na ba ko sa kape kong mapait?  

Pwede pa bang umatras? Pwede bang sabihing 'uwi na ko, wag ka ng lumabas?' Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na namalayan ang oras. Ala-sais na ng gabi pero naririto pa din ako sa tabi, aantayin ka kahit mamutla pa itong labi. Hindi naman na ako umaasa, pero tingin ko parang bumabalik na naman ako sa umpisa. 

Muling isinuyod ng tingin ang buong silid, naglalakihan ng mga ngiti ang i-ilan, yung iba hindi maipinta ang itsura sa kadahilanang  abala sila sa mga binabasa nila, meron naman mga bagong pasok galing sa labas, init na init wari ba'y akala mo nasa sauna kung makapaypay. 

Sa bawat taong papasok sa pintuan, ang siyang pag tibok ng malakas ng puso ko. Parang dagundong ng busina ng tren sa sobrang lakas. 

Mag iisip na naman kung paano tuldukan 'to, sinubukan ko naman tuldukan noong isang araw, pero siguro after neto wala na, tapos na. Nabigay na niya yung dapat na ibibigay niya, wala ng unfinished business saming dalawa. Wala ng rason para kausapin pa siya, wala ng rason para biruin at singilin yung matagal ko ng gustong i-regalo niya. 

Siguro ganon nga talaga 'no. I'll treasure every moment, after netong gabing 'to, wala na. Tapos na. Alam kong tapos na. Hindi na patuloy na aasa, gaya nga ng sabi niya, hindi na muling magpapa-uto. Hindi na magpapadala sa mga mensahe niyang hindi mawari kung sadya ba o biro. 

Pero ang hirap din ng ganito. Wala namang kayo pero parang huminto yung mundo ko. Malabo din namang sabihin na infatuated ka doon sa tao, siguro tama nga din talaga yung sabi ng  kaibigan ko. 

Kung sana hindi pinatagal, 

kung sana sa umpisa umiwas na lang, 

kung sana hindi pinagdiinan yung sarili sa makitid na daan, 

edi sana wala akong problemang pinag-iisipan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwritten DraftWhere stories live. Discover now