KASSANDRA ; USAD

19 2 0
                                    

KASSANDRA ; USAD

It's been a while since we've last spoken to each other. I could still remember the most minute details of our conversations and even the emotions I've felt during those times.

 My heart's eternally grateful for your existence, and I'm glad that we've managed to cross each other's paths

Unfortunately, we became too blissful about our friendship to the point that we became blinded by the ravaging future which lies ahead of us— or maybe it was only I who was blinded by such illusions. Now, I won't be asking you out to celebrate this day in your birthday.

Instead, I'm choosing to let you go. I will cherish the memories we've spent together, but I believe there is something more to life than what we have right now. 

May you find the true bliss of your hearts as you continue the journey of life. 

It is not a fairytale itself that full of happy endings; sometimes, it is a sad movie in which the only way for them to express their love is by letting each other go.

Biglang nagbalik sa aking isipan ang mga alaala na ginawa natin habang magkausap. Nagtatawanan na wari bang akala mo'y walang bukas. 

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naaalala ko ang mga ito ay pilit kong pinipigilan ang sarili ko, pagkabog ng puso yung paulit ulit kong nararamdaman; hindi dahil sa kape, hindi dahil sa kaba, maski ako hindi ko din alam. 

Isang taon na yung lumipas pero hanggang ngayon andito pa din.

Hindi ko maipaliwanag ang pag sakit, ang pag kirot, ang paltos na humahapdi sa tuwing nakikita ko ang kalangitan sa tuwing sasapit ang dapit-hapon. Wari bang isang banayad na pag-ihip ng simoy ng hangin at memorya mo kaagad ang aking naaalala. 

Mahilig ka sa mga ulap at gustong-gusto mong tumingala sa kalangitan pag sumasapit ang napaka-gandang araw hanggang sa unti-unting maglaho ang liwanag neto na siyang nagbibigay-liwanag sa mundong mong ginagalawan.

"Gabi sayo, umaga sa'kin. Pero yung liwanag ng mga mata mo umaabot hanggang dito."

Marahil nga na ang takipsilim ay nangyayari upang ipaalala sa akin ang katangahan noon. 

Tumitigil ang oras, tumitigil ang pag ikot ng bentilador, hindi marinig ang magandang musika, hindi marinig ang tinig ni ebe dancel. Tanging boses mo lang ang naririnig, tanging hagikhik mo lang ang umaalingawngaw. 

Sinadya ba ng tadhana na magtagpuan kita sa ganitong sitwasyon? Sinadya ba na hindi ako yung tao sa likod ng maskarang suot-suot?

Pinangunahan ng takot na mawala ang taong nasa paligid, kung natuto lang ako noon makiramdam, magbabago kaya? 

Magbigay-kahulugan sa mga munting bagay na wari bang mga pahiwatig ng lihim na pagtingin, tingin mo magbabago kaya?

Kung isinugal ba ang pangalan sa apoy na nagbabaga, hindi na ba ito hahantong sa mabigat na sitwasyon?

Naisip na, matagal ng naisip pero hindi ginawa. Pinilit itago ang sarili sa maskarang may kulay pula sa gitna, wari bang nasa isang palabas na nag aantay ng mapuno ng mga tao ang loob ng sinehan.

"uumpisahan ang palabas, papatayin ang ilaw, may credits sa dulo. At dun, tapos na."

Mag sisi-alisan ang mga tao, may kanya kanya silang punto; mga taong bitbit ang popcorn papalabas habang ikinikwento ang magandang pangyayare sa pinanood, ang iba naman lalabas na walang bitbit ngunit nababahidan sila ng galit, poot at pagkabigo.

Kung isinama ang pangalan sa unang parte ng palabas matatanggap niyo kaya? Lalabas pa din ba kayo na may bahid ng galit at pagkabigo? Kung isinugal ang pangalan sa unang parte ng pelikula magiging box-office kaya ito?

"Isinugal ko. hindi sa unang bahagi kundi sa buong parte ng peryodiko, nasa dulo ako, pero yung storya sa likod ng pangalan ko ay na sa buong durasyon ng kwento."

Mapaglaro ang tadhana. 

Nakipag laro ba? 

Pinaglaruan ba ko? 

O hinayaan kong paglaruan ako?

Sana maging masaya ka. 

Nawa'y mapatawad mo ang mga pagkukulang ko bilang isang kaibigan. Marahil, ngayon ay pinagtagpo at pinaglaruan ako ng tadhana. Ngunit, sana sa susunod na buhay, sa tamang pagkakataon na tayo magtagpo.

Maninigurado na sa unang parte ng pelikula, pangalan ko na ang nakasulat dito. 

Unwritten DraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon