ESTRANGHERA

4 1 0
                                    

Ilang araw na bang tulala? Ilang araw pinag-iisipan ang mga sandaling dapat hindi ko na lang ginawa. 

Alas dos na ng madaling araw, pero para kong nabibingi sa katahimikan na kung saan ako nakahiga, hindi mawari kung dala ba ng kaba, pighati, sakit, at lapnos, sa kadahilanang hindi ako maka-kalma.

Ilang taon na ba 'to itinago? Ilang taon na bang pinagmamasdan ka lang sa malayo? Pang ilang beses ko  pa bang mararanasan yung ganito? Malapit tayo sa isa't isa, pero parang ang layo mo.

Lumipas ang araw, buwan, at taon, umamin na 'ko. Sa wakas naka-amin na 'ko, ikakatuwa ko ba 'to? Ngayong alam mo na yung totoong nararamdaman ko. 

Pero ayun nga, pa-paano? 

Kung sa bawat tipa ng mga daliri sa telepono, sumasagi sa isip na malabong magkaroon ng ikaw at ako.  

Dumungaw sa bintana ng coffee shop at muling pinagmasdan ang kahabaan ng rotonda, napaka haba ng pila ng mga sasakyan, mga bus, jeep at mga motorsiklong kaniya kaniyang busina para maka takas sa siksikan ng trapiko,  Inabot na naman ng gabi, nagkakape na naman sa isang tabi, habang nag iisip ng mga katagang hindi pwedeng isantabi. 

Saan ka? 

Kung aayain kaya kita papayag ka ba?

Naglalaban pa ang mga boses sa utak ko kung dapat bang ipadala pa yung mensahe ko. 

Tangina naman, 


ang hirap ng ganito. 


Unwritten DraftWhere stories live. Discover now