POEM; ANONYMOUS

7 1 0
                                    

Pinagmasdan ang karilagan ng bukang-liwayway, at naisip kita. 

Aking nasilayan ang sinag ng araw na nakapasok sa silid, at naisip kita. 

Hinagkan ng umaga ang balat at binalot sa ma-init na yapos, at naisip kita.

Kahit saang parte ng mundo, 

sa bawat siglo, 

ikaw ang naiisip ko.

Kung sa ilalim ng lihim, ang puso'y nag-iisa. 

Hanggang sa pagtulog ng buwan at araw, sayo ako nakatuon. 

Saksi ang silid sa mga ngiting pinilit na ini-lihim, 

Saksi ang silid sa kung paano ipinikit ang mga mata sa kadahilanang alam kong wala akong pag-asa.

Hindi mo ba alam? Na sa bawat titig mo parang itong bituin na sumisiklab? Umabot na sa punto na sa unang titig mo pa lang napapa-iwas na ko. 

Paano ba 'to? 

Ano na gagawin ko? 

Paano itigil 'to?

Wala namang tayo pero parang natali na 'ko sayo. 

Na kahit pa ang layo mo, naririnig ko pa din mga hagikhik mo. 

Ilaw araw na ba? Ilang buwan at taon na ba? 

Ilang bagyo na yung dumaan,

pero naiisip pa din kita.

Ilang senyales pa ba ang hihingin? 

Kung ibibigay man lahat ng hiling, wala din naman ako balak aminin 

Para saan pa? 

Kung meron ka naman ng iba. 

Unwritten DraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon