SPARK; FINE

13 1 0
                                    

Apat na mga sulok ang naka dinig 

Apat na mga sulok ang naka saksi

Sa apat na sulok na yaon, isang tao lang 

isang tao lang 

ang may dahilan. 

Tatlong letra lang binitawan mo, pero yung dibdib ko kumabog ng husto. Ano nga bang katumbas ng mga letra na 'yon? - 'Happy New Year' na pinaiksi? 

Ilang beses gumulong sa kama, 

ilang beses na paghampas sa unan ang ginawa, 

gaano kalakas ang pag-tili't pag sigaw. 

Hindi na matantya ang mga bawat sandali nung nabasa ang iyong pag-bati. Expected naman e, bagong taon, ano nga ba naman ang sasabihin sa isang kaibigan - kundi 'maligayang bagong taon' lang din naman. 

Wala namang ibig sabihin pero binigyan ng kahulugan, wari ba'y parang tumama sa lotto sa sobrang saya, muntikan ng magiba ang bahay sa mga pag talon na ginawa. 

Hindi naman sa naghahabol, kasi umpisa pa lang wala namang hahabulin. 

Hindi naman sa umaasa, kasi umpisa pa lang naman hindi ka naman nag paasa. 

Pag pasensyahan mo na itong mga kathang isip na aking ginawa. 

Nag hihinay-hinay lang naman ako, pero hindi maiwasan tanungin kung may ibig-sabihin din ba lahat ng ginagawa mo? 

I've been wanting to tell you this, 

I've been wanting to confess my feelings, pero paano? 

Ang daming mga what if's ang nagsisilabasan. 

Hindi naman sa naghahangad ng 'tyansa' pero yung takot na baka mawala ka, hindi ko kaya. 

Sa malayo na nga lang kita pinagmamasdan tapos magiging mas malayo ka pa dahil lang sa isang pag-amin na ginawa?

"Should I take a risk? Kung susugal ba 'ko, anong kasiguraduhan na hindi ka lalayo?"

Mahaba na ba yung dalawang taon? 

Pag-hanga pa din ba ang tawag kung ganito katagal na kita pinagmamasdan sa malayuan? 

I admire her eyes, 

I admire her smile, 

I just love the way she makes me feel butterflies. 

No one feels like you. 

The way you talk, 

you walk and,

 your weirdness still makes me happy up until now. 

Siguro okay na 'ko na  nakikita ka sa malayo.

"I've been appreciating you for 2 years already - give me until the end of this year, kapag wala talaga, then that's it. I'm done."

This was the last words I have drop last month. 

Kaso wala e, ang lakas mo, simpleng pag-view lang sa mga stories ko napapangiti mo na ko na akala mo ba asong ulol na ulol sa 'yo. 

Ilan pa kayang bituin yung bibilangin ko? 

Siguro tama nga yung Ben&Ben, sa dami kong gustong sabihin sayo, wag na lang muna siguro. 

Mag-aantay na lang ako sa hangin na tangayin lahat lahat ng 'to. 

The most painful part of loving you in silence is seeing you fall for someone else. 

Sa sobrang tagal ng hangin na dumating, nasasaksihan na kitang sumasaya sa iba. 

And that sucks 

so bad. 



Unwritten DraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon