Pag-ampo ; Unang Apak

25 1 0
                                    

Pag-ampo ; Unang Apak

Ikaw yung pahinga ko sa nakakapagod kong mundo, 

ikaw yung katahimikan sa maingay kong mundo. 

Pero sa paglipas ng panahon, ay naiintindihan ko na. Na ang himig na iyong dala, ay nagdulot lamang ng sakit sa pusong gala.

Isinarado ang pinto, umupo sa bangko. Naiwang nakatulala, mga busina ng bus at motor ang umaalingawngaw sa silid, dama ang pag yanig ng mga bintana dahil sa papalapit na tren, mga hangin na tumatama sa balat, mga boses ng mga tao na dumadaan na wari'y hindi namamalat.

Wala na, tinapos na, tapos na. Tinapos niya na.

I always told myself that if fates really into the both of us we will meet in the near future. Pero siguro okay na din 'to, malayo ka, malaya ka, masaya ka sa kaniya, hahayaan ko pa bang ipagkait sayo 'yon.

Miss kita, na-mimiss kita, lahat lahat miss ko na.

I miss the pout on your lips whenever I say no to you taking cute pictures of us. You knew how much I hate pictures, but you also knew I hate seeing you sad, so I always gave in. I miss falling asleep beside you at night and wake up and still beside you. I'd always say I hated it, but deep down we both know I'm a liar for saying that.

Yung breakfast in bed, na may kasamang matamis na halik which always led to us spending half of the day na yakap kita, yakap mo ko, hawak kita sa mga braso ko habang sinusuklay ko yung buhok mo, hanggang sa makatulog ka at tititigan kita hanggang sa magising ka at sasabihin kong "tara, dinner na tayo."

I miss you; I miss us. I miss how things used to be. But sometimes things just don't go our way. And that's why I had to let you go.

Congratulations on your wedding, btw. I hope he makes you happy, happy than I ever could.  

"tell me you don't want me to leave." I whispered, letting out a shaky breath to prevent the tears from escaping. "look me in the eyes and say I'm enough for you. For us."

That was the last straw before everything shattered to irreparable pieces. Alam ko naman na matatapos at magtatapos na. Alam ko naman na pasuko at susuko ka na, pero hinayaan ko lang. Inilaban ko pa akala ko kasi kaya pa, pinagsiksikan ko sarili ko akala ko kasi kasya pa, gaya ng ginagawa ng konduktor sa terminal ng jeep sa cubao. "oh, kasya pa, isa pa, kaya pa yan oh."

Anong nangyare? Paano nangyare? Alam ko naman na matatapos na, alam kong tatapusin mo na, pero di ko alam kung bakit. How bad were things that it led to all of this? How bad were things that the person I called "my home" be the very cause of this misery?

"Look me in the eyes and say I'm enough for you. For us." Mahabang katahimikan ang namayani sa silid, wari ba'y akala mo nasa loob ka ng museyo kung saan tanging mga yapak lang ng tao ang naririnig mo. 

Sa loob ng museyo, puno ng mga obra na hindi mo mapinta kung anong nilalarawan neto, hindi alam ng mga bisita ang storya sa likod ng magagandang sining na nakasabit sa pader. Katahimikan, tahimik ang mga tao, tahimik ka, tahimik ako habang inaantay ang sagot sa katanungan ko.

Sa katahimikang namayani alam ko na, nakuha ko na ang sagot sa tanong na kanina ko pa inaantay. 

 Gaya lang din ng mga tao sa loob na museyo, sa paulit ulit na pag-titig sa mga obra na nasa pader, mga tao na kumukuha ng litrato dahil sa ganda ng dating neto, pa-unti unti, unti-unti na nilang nakukuha ang storya sa likod ng naglalakihang parisukat na nakakabit sa pader. 

Madaming tanong, pero walang sagot. 

Madaming teorya, pero walang paliwanag. 

Madaming naguluhan, pero walang nag klaro. 

Tanging interpretasyon mo lang ang mananaig, 

.

.

.

.

.

ang pag-intindi mo sa mga parisukat na larawan ang importante


-DARK

Unwritten DraftWhere stories live. Discover now