MAYARI AT TALA

23 2 0
                                    




Sa bawat barahang papaikutin sa mesang 'to

Sa bawat baryang kukunin ko sa bulsa ko

Naaalala ko kung paano ako sumugal sa larong ito

Sa laro na baka ako ang talo.

"How can I trust your words if you broke your promises several times?"

This makes me realize that people either come to give us a lesson or to give us a reward of a lifetime. But when the right person comes, in an unexpected moment, in a place where you're doomed in the darkness, in a situation when your 'what ifs' and hopes are deranging you, it will open up another path, wherein the right person is waiting you there holding a lamp to lend it with you.

Siguro yung pinaka mahirap na parte ng break up is coming to terms with the fact that they can just walk away and you become like strangers again.

'After everything you've shared, the time you've both invested, the bond that you had.'

Hindi naman lahat ng yan masasayang e, magiging memorya na lang lahat ng 'yon, na kahit pa na burahin mo lahat ng mga litrato sa telepono, yung pakiramdam, yung mga alaala, yung mga ngiti sa t'wing masarap ang ulam, yung mga halakhak, yung mga plano at masinsinan na pag uusap - kapag ipinikit ang mga mata lahat ng 'yon babalik at maaalaala.

"sa pagkakataong muling umikot pabalik ang oras...

Hahawakan kita...

raramdamin kita...

hihilahin kita...

Nang maramdaman mong di ka nag iisa sa sariling mundo na ginawa ko,"

"Pinahalagahan ko yung tao ng sobra." hanggang sa hindi ko na namalayan nauubos na pala ako. Kailangan ng bumitaw, di na masaya, di na maganda, pasakit na nang pasakit, parehas na kaming nasisira sa kapipilit naming kumapit pa, wari ba'y kami ay nasa isang laro ng 'tug of war', kung sino unang bumitaw yun yung talo.

Hindi yung pagtatapos yung masakit e, hindi 'yung last few words na binitawan, hindi rin 'yung last time na yumakap sa kanya. Hindi yung huling halik. Hindi yung pagtatapos e. Paghalo-haluin man lahat lahat ng 'yan, walang wala dun sa hirap habang naghihintay na tapusin na niya.

Sa totoo lang, naramdaman ko namang matatapos na bago pa tuluyang natapos. Pinatagal lang, pinahaba yung proseso, pinaganda pa yung storya, inayos yung plot, nirevised, nag proofread, pero kung babalik balikan ang bawat pahina... nakakasawa, paulit ulit na lang. Na-ulit na naman.

"Hindi ko alam saan nagkamali pero baka sadyang mali na talaga sa umpisa pa lang."

Pabago-bago yung season, hindi mo alam kung tag-ulan ba o kung tag-init. Parang tayo, akala ko ba ikaw at ako, pero ba't mag-isa na nating tinatahak yung dulo?

Tapos na ba?

Wala na ba?

Mananatiling na lang bang alaala ang pinagsamahan nating dalawa?

Babalik ka pa ba?

Kasi kung hindi, pipilitin na tanggapin hanggang sa mga emosyon ay hindi na ko magiging alipin.

"Bakit parang ang bilis ng recovery mo? Bakit parang hindi ka naman umiyak?" Kung umiyak man, bakit parang hindi na baha-baha ng luha ang naipon? Siguro - dahil - baka kasi nga I've seen this film before? Nangyare na. Praktisado na.

Na sanay na paulit ulit nasasaktan, paulit ulit na umaasa, ang daming "akala", puro "siya na talaga", parating "the one" ultimo "big one" na banggit na.

Napagod na, napagod na punasan ng paulit ulit yung mga luha, iba-iba naman yung palabas na pinapanood pero bakit parang alam ko na kung ano mangyayari.

Babalik na naman ako sa paulit-ulit na tanong; "...nag kulang ba ko o sumobra? napilitan nga lang ba? sinadya o nagkataon lang?"

Once a certain relationship ended, may isa tlagang magsa-suffer ng matagal. Nandun yung lahat ng bakit, yung lahat ng what if's. Mapapagtanto mo lahat lahat, na at the end of the day maswerte kayo for meeting a certain person na kahit hindi man ninyo nakasama hanggang dulo, naging parte naman ng masayang simula ng relasyon na parehong nabuo at binuo.

"yung iba iniwan, yung iba naiwan sadya man o hindi, tao man o panahon, lahat tayo may kailangan palayain." it's just a simple line back then, but now it hits different. Because that's life. Sometimes letting go of someone is necessary for us to go on. sadya man o hindi, lahat tayo kailangan palayain.

This time walang masasakit na salita, walang paghihiganti, hindi aapaw ang apoy sa baso, hindi mamumula sa sobrang galit.  'Everyday, I will still choose na hindi ako magiging ganon.'

And I hope na kung dumadaan o dadaan man kayo sa parehong bagay na pinagdadaanan ko, sana mas piliin niyo rin na maging mabuti.

We may have all the right to be mad. Maybe lashing out could make us feel better. Maybe they deserve whatever is coming their way. But just because they hurt us doesn't mean we have to hurt them back.


Natalo ako.


Natalo tayo.


Pero wala namang nananalo nang hindi pumupusta, diba?

Malaki mang parte ng buhay ang ipinuhunan sa sugal na 'yun, walang pag-aalinlangan pa ring sasabihin na it was all worth it.

As expected; parating masakit sa dulo. For the most part, naging masaya din naman ako.

Huwag mag-alala, patuloy ko pa din na hihilinging kung hindi ngayon, sana sa susunod na habang buhay ako pa rin.

Hindi siguro natin oras...

pero sana,

Kung dumating na,

Kapag oras na.

Sana maging pwede pa, luna.


---- ...in the middle of the night.


- DARK.

Unwritten DraftWhere stories live. Discover now