FLORA ; MEMORIA

17 1 0
                                    

Isang litrato kung saan puno ito ng masasaya na alaala.

Mga ngiti na umaabot hanggang tenga, yung pagkislap ng 'yong mata, wari ba'y sinasabi na "mas masaya ako kapag masaya kayo."

Isang larawan lang ang mayroon ako sa aking pitaka, halos lahat puro resibo na nang biniling gamot sa botika. 

Pinagkakatitigan mabuti ang isang larawan, unti unti na kumukupas ang kulay tanda na may katagalan na ang papel na kanina ko pa hawak.

Tulala sa kawalan, madami na namang tanong ang nagsisilabasan.

Paano kapag nasa tabi mo ko nung mga panahon nahihirapan ka na?

Paano kapag pinili ko na hindi umalis?

Mananatili ako sa tabi mo, pero mananatili ka din kaya sa tabi ko?

Ang daming paano, ang daming tanong. May sagot pero ganon pa din... hindi ko maintindihan kung bakit?

Pinagkatitigan muli ang mga larawan na kanina pa hawak habang nakaupo sa balkonahe ng bahay. Parang dati ay makulay ang litrato, ngayon dumidilim na yung sa parte mo.

Mga ala-ala sa hapagkainan ang tumatak sa 'king isipan.

Napupuno ito noon ng tawanan,

Nakokompleto ang mga gamit na ilalagay sa hapag-kainan;

Apat na pares na kutsara at tinidor, apat na upuan, apat na baso

Ngayon tatlong pirasong plato na lang.

Sometimes I just want to run and hug you, tell you that I can't handle the pain anymore, I want to say these words to you. "Masakit na talaga, sobra sobra na 'yong sakit."

"I'm in pain please do hug me, please be with me, I don't want to be alone again, I just need you."

Those words stay in my mind. cause the truth is? I know you'll get hurt when you see me in pain so I will just keep it to myself. I don't want to see you crying,

I'm keeping it to myself cause all I want is to see happiness in you whenever I see you. cause you are my strength when I feel like I'm in the verge of giving up.

I still remember the night I woke up at 3am, I found myself crying, hurting and about to give up, I was ready to take my life. I was ready to end everything, to end the pain, I was ready to say goodbye to the world... because he won.

Then I remember you, you always remind me to pray when I'm hurt, when we need help, all we need is to call Him, and tell Him everything. It eases the pain, somehow. It's like your soul is there hugging me.

Kailan ko matatanggap na yung sakit na iniwan mo andito pa din. 

Kailan ko tatanggapin na sa bawat pag gising ko, sa bawat pag sapit ng ala-sais ng umaga wala ka sa piling ko.

"ang daming kong mga tanong..."

Pero ang pinagkaiba siguro ng tanong ko ngayon kumpara noon, ay eto alam ko na yung sagot.

Babalik ka pa ba? 

Mayayakap pa ba kita? 

Ilang taon na yung lumipas pero mga yakap mo pa din yung hinahanap-hanap ko.

Kung magkakaroon man ng himala at babalik ang iyong kaluluwa, tandaan mo na may babalikan ka pa.

Patuloy na maghihintay sa lamig ng hangin, na sumisimbolo sa 'yong pagyapos. Ipipikit ang mga mata at dadamhin ang sarap na dulot no'n. Miss kita, Ma.

Imposible man mangyare, pero araw-araw akong naghihintay sa pagbalik mo. 

Unwritten DraftΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα