TAYO; TANONG; PAGAL

46 1 0
                                    


"tingin mo kung babalik tayo sa umpisa may magbabago?"

Tumatakbo ang oras wari ba'y may humahabol.

Na saan ako? Na saan tayo? Ba't umabot sa ganito?

Bumalik sa simula, bitbit yung mga ala-ala na akala ko binitawan ko na.

Na saan ka? Na saan ako? Ba't tayo umabot dito?

"Pasensya na ha, sinubukan ko naman. Pero hindi talaga siguro magw-work yung ganitong set-up"

Okay ka, okay ako, okay tayo. Ang sarap ng siopao na binili mo sa 7-11 sa may kanto ng Ermita, sobrang tamis na hindi ko aakalain na bibitawan mo ang mga salitang kahit ampalaya hindi matutumbasan ng pait.

Babalik pa ba? May babalikan pa ba? Kung meron man, wala din naman ako kasiguraduhan kung may mag-babago.

Napaka bilis ng takbo ng oras, hindi ko 'to mahabol, nakakapagod. Hinihiling na sana huminto, pero gaya ng isang libong tanong. Kung hihinto man ang oras may mag-babago ba?

Panibagong araw, panibagong gabi, nagsisimula ng uminit ang panahon, sunod-makalawa tag-lamig na. Mag hahanap na ang mga tao ng jacket para uminit kahit papaano ang pakiramdam nila.

Panibagong hapon na naman, gigising araw-araw na parang walang bago, May buwan, may araw, may mga ibon na humuhuni kapag gising mo ng alas-kwatro ng madaling draw. Paulit-ulit, walang bago. Ikaw pa din.

Mga gabi na hindi ikaw ang katabi, mga unan na dapat ikaw ang nandon.

Na saan ka? Na saan ako? Ba't ako na lang mag-isa sa kwartong 'to?

Tulala, nakakabinging katahimikan ang namamayani sa loob na silid, malayo ang tingin, malalim ang iniisip. Ako na lang mag isa ulit, hindi alam kung bakit? Masakit yung paltos, namumukod tangi yung nararamdamang hapdi, hindi maipaliwanag yung mga luhang nagu-unahan sa magkabilang pisngi.

Na saan ka? Na saan ako? Ba't ako na lang andito?

Sa isang relasyon paano mo nga ba masasabing dapat ka ng bumitaw? Kapag ba hindi ka na masaya? O kapag lamang na yung sakit kaysa sa saya?

"I love you so much"

Taliwas ang mga katagang binibitawan, kung mahal mo bakit mo iniwan?

Unti unti ng lumalabo, daan-daa na mga tanong ang nalulukot. Umaabot na sa katapusang wala man lang konklusyon.

Paano tayo babalik, kung sa una wala naman tayo nasimulan.

Na saan ako? Ba't ako lang nandito? Umalis ka na ba? Ba't di ko alam, ba't wala man lang paalam?

Ang daming mga tanong na kailangan ng kasagutan, malulunod na ako sa kakaisip sa mga "bakit"

Bakit hinayaan? Bakit iniwan? Bakit umalis? Saan ako nagkulang? Saan din ako sumobra?

Bakit di sinabi una pa lang? Edi sana nagawan ng paraan. May iba na ba? Kung oo, ano yung ginawa niya na hindi ko nagawa?

Napaso sa tubig na mainit, hindi namalayan na puno na ang tasa. Tinikman ang kape, nalukot ang mukha sa kadahilanang wala ng lasa.

Kapeng mainit na masasayang lang kasi mapakla.

Itatapon ba? O reremedyuhan? Kapag nilagyan ng asukal tatamis ba? may mag babago ba? 



AUTHOR'S NOTE:

Happy Pride Month everyone!!! 

- DARK

Unwritten DraftWhere stories live. Discover now