Chapter 11

11 2 0
                                    

MARIRINIG ang bawat pagtama ng butil ng ulan sa bintana nang magising ako sa lamig ng madaling araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MARIRINIG ang bawat pagtama ng butil ng ulan sa bintana nang magising ako sa lamig ng madaling araw. Napabangon ako at pagtingin ko ay bumubuhos ang malakas na ulan sa labas. Dahan-dahan akong napatayo habang humihikab at naglakad papalapit sa bintana. Pagtingin ko sa labas ay kita ang basang bangketa at iilang mga taong naglalakad sa ilalim ng kani-kanilang mga basang payong.

Makulimlim ang langit at walang bakas ng papasikat na araw. Sumisilay din ang pangilan-ngilang pagkidlat buhat ng masamang panahon. Napabuntong hininga ako kasabay nang pagyakap ko sa sarili kong mga bisig. Naramdaman ko ang matinding lamig galing sa labas kahit nakasarado naman ang bintana.

"Wala pa bang memo? Babagyuhin na lahat-lahat, may klase pa rin kami," hindi ko maiwasang reklamo sa kawalan. Napakamot ako sa buhok ko dahil kailangan ko pa ring maghanda para sa pagpasok. Kainis.

Lumapit ako sa maliit na mesang nasa gilid lang ng kama ko para kunin ang cellphone kong may kalumaan na rin. Nagbabaka sakaling may memo na inilabas at hindi ko na kailangan pang pumasok.

Ngunit wala.

Wala akong nagawa kun'di kunin ang tuwalya't pumasok sa banyo para maligo. Baka magkasakit pa ako kung pumasok ako nang walang ligo, mahirap na. Ilang oras pa ang ginugol ko sa pakikipagtitigan sa timbang puno ng napakalamig na tubig. Hindi ko alam kung kailan ang tamang oras para kunin ang tabo at buhusan ang sarili ko ng tubig nang magising ako sa katotohanang kailangan ko nang kumilos at baka maiwan pa ako ng tren at ma-late sa klase.

Sa huli ay wala akong nagawa kun'di ang indahin ang lamig ng tubig. Mabilis pa sa alas kuwatro akong natapos bago lumabas at magbihis ng susuotin. Siguro naman papapasukin pa rin kami kahit hindi nakasuot ng uniporme, ulan naman. Nagsuot lang ako ng itim na jogging pants at puting t-shirt na binalot ko sa makapal kong itim na jacket. Lumapit ako sa salamin na nakasabit sa dingding at saka tiningnan ang sariling repleksiyon.

"Kyut mo ah," puri ko sa sarili ko dahil gustong-gusto ko tingnan ang sarili kong bagong ligo dahil nasusuklay ko ang basa kong buhok patalikod. Kapag kasi natuyo na 'to ay hindi maiwasang tawagin akong hapon o koreano ng mga kaklase ko o kakilala ko dahil sa bagsak na bagsak kong buhok na kapag sobrang haba na ay halos natatakpan na ang mga mata ko.

Naghanda na agad ako ng agahan ko. Nagprito lang ako ng hotdog na siyang babaunin ko na rin para may maidadahilan na ako sa mga kaibigan ko kapag mang-aaya na naman silang kumain sa mamahaling resto. Wala akong badyet para sa mga gan'yan-gan'yan. Tinitipid ko nga lang ang kakaunting suweldo ko galing sa pinapasukan kong maliit na kainan.

Nagtimpla rin ako ng mainit na kape na siyang kukumpleto sa malamig na umaga. Alas singko pa lang naman ng madaling araw kaya may mahabang oras pa ako para maghanda. Habang kumakain ay paminsan-minsan kong ni-rereview ang mga notes ko na itinuro sa'min nung nakaraang araw. Binasa ko rin ulit 'yong sagot ko sa assignment namin sa isang subject na siyang klase ko ngayong umaga.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon