Chapter 8

10 1 0
                                    


DUMAAN ang mga araw at unti-unti na akong nasasanay na kasama si Lucas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DUMAAN ang mga araw at unti-unti na akong nasasanay na kasama si Lucas. Minsan tumutulong ako sa pagsisibak ng kahoy at pagluluto. Unti-unti na ring umaamo si Spot sa presensya ko. Kumuha rin ako ng iilang mga libro sa bookstore ng mall na gusto kong basahin.

Medyo makulimlim pa rin ang panahon at hindi gaano sumisikat ang araw. Kasalukuyan akong nakaupo sa rocking chair na nasa balkonahe sa harap ng bahay. May binabasa akong libro nang mapatingin ako kay Lucas na ngayon ay pawisan dahil sa kakalaro kay Spot. Hinahagis niya ang frisbee sa malayo na agad namang hahabulin at sasaluhin ni Spot gamit ang kaniyang bibig.

Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang humanga sa angkig kisig ni Lucas. Hindi man siya ganoon ka maskulado pero may kung ano sa katawan niyang kayang pumukaw sa atensyon ng kahit sino. Kita ko kung paano tumutulo ang mumunting butil na pawis mula sa kaniyang noo papunta sa gilid ng kaniyang mukha pababa sa kaniyang leeg. Bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya agad kong ibinalik ang mata ko sa librong binabasa ko.

Hindi ko alam ba't gan'to ang nararamdaman ko. Hindi ko mawari pero pamilyar. May nararamdaman akong kung ano sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila nun, may parang bumubulong sa isipan ko na bawal ito.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin na nakalapit na pala si Lucas sa'kin.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya habang nakasandal sa harang ng balkonahe. Dahil sa matinding gulat ay aksidente kong nahulog ang libro ko sa sahig kaya agad ko 'tong pinulot kasabay nun ang pagtingin ko sa kaniyang katawan na ngayon ay bumabakat sa basa at manipis niyang sando. Napailing ako at inalis ang kung ano mang nasa isip ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

"B-busog pa naman ako. Siguro maliligo nalang muna ako," suhestiyon ko at dahan-dahan naman siyang tumango habang nagtatakang nakatingin sa'kin dahil sa inaasta ko. Pumasok na ako sa loob at agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis na pagtibok ng puso ko na para bang galing sa isang karera. Huminga muna ako ng malalim saka naglakad papasok sa silid para kumuha ng maisusuot.

Isa 'to sa nakalimutan ko-ang kumuha ng sarili kong mga damit sa mall. Ayoko namang habang buhay na gumamit sa mga damit ni Lucas. Kumuha nalang ako ng iilang pares ng kaniyang damit saka dumiretso na sa loob ng banyo. Ngunit pagbukas ko ng shower ay wala nang tubig na lumabas. Walang tubig. Kailangan pa rin bang magbayad para magkatubig dito? Lumabas ako at sinubukang buksan ang gripo sa bathtub pati na rin ang sa lababo pero wala.

Napasapo ako sa mukha ko dahil sa inis. Ibinalot ko ang tuwalya sa'king beywang bago naglakad palabas at tinawag si Lucas. Nadatnan ko siyang kasulukuyang naghahanda ng mga plato't kutsara sa kusina. Lumingon siya sa'kin at nakita ko ang bahagyang pagtigil niya. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"Bakit?" Taka kong tanong dahil sa inaasta niya. Tumaas ang tingin niya at parang naiilang na tumingin sa'kin. Napakamot siya sa kaniyang batok at ngumiti nang bahagya.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now