Chapter 4

9 0 0
                                    


NAGISING ako dahil sa ingay na galing sa labas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAGISING ako dahil sa ingay na galing sa labas. Parang may nagsisibak ng kahoy. Pagtingin ko sa labas ay sumisikat na ang araw ngunit ang ulap ay ganoon pa rin, makulimlim at kulay abo na parang nagbabadyang umulan. Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid pero wala akong nakitang sapin o kumot na ginamit ni Lucas sa pagtulog. Wala ring unan na katabi sa kamang hinihigaan ko.

Saan siya natulog?

Agad na akong nag-ayos ng higaan at nagpasiyang pumunta sa palikuran. May isang pintuan akong nakita sa may bandang dulo ng k'warto. Nagbabaka sakali akong 'yon ang palikuran kaya tumayo na ako at dumiretso roon. Pagkapasok ko palang ay hindi nga ako nagkakamali. Hindi naman ito kalakihan pero maganda at sosyal ang pagkakadisenyo ng mga kagamitan, hindi mo aakalaing may gan'tong palikuran sa isang simpleng kabina na 'to.

May bathtub sa gitna, sa kanang parte naman ang parang maliit na compartment kung saan ang inidoro at ang papasok sa shower na may harang na sliding door na gawa sa salamin. Sa kaliwa ay ang katamtamang laki na salamin at lababo. May mga kabinet din sa dingding para lagayan ng mga kagamitan. Hindi gaya sa labas, gawa sa semento ang sahig sa parteng 'to.

Naglakad ako papalapit sa salamin at hindi ko maiwasang mahiya nang makita ko ang itsura ko. Mukha akong mas matanda kay Lucas ng sampung taon. Kailangan kong gupitin ang buhok at bigote ko. Pero paano? Mukhang walang sapat na kagamitan si Lucas dito. Nagtingin-tingin ako sa mga kabinet at may nahanap akong parang foam soap na ginagamit sa mukha kapag nagsh-shave ng bigote.

Kinuha ko 'yon at naghanap ng pangshave. May nahanap akong maliit at matalim na blade na puwede kong gamitin pang-shave. Naghilamos muna ako ng mukha bago nagsimulang lagyan ng foam soap ang may parte ng bibig ko at nagsimulang magshave gamit ang blade.

Kalahating oras din ata ang tagal ko bago natapos kasi ang kapal na talaga ng bigote ko. Pagkatapos kong maghilamos ng tubig ay hindi ko maiwasang manibago sa mukha ko. Sobrang linis ko na tingnan, maliban sa mataas at makapal ko pa ring buhok.

May katangusan din naman ang ilong ko pero hindi gaya ng kay Lucas. Medyo maputi rin ang balat ko kaysa sa kaniya na moreno. May itsura rin pala ako kung hindi lang ako na-coma. Napaisip ako, may mga nagkagusto rin kaya sa'kin nung hindi pa ako na-coma? Natawa ako sa sarili kong iniisip nang mapagpasiyahan kong maligo nalang dahil ang bantot ko na sigurado.

Ngunit napagtanto kong wala akong sariling damit mula panloob hanggang panlabas. Maaari naman siguro akong gumamit pansamantala sa mga damit ni Lucas? Hindi naman siguro siya magagalit di ba? Nahihiya akong magtanong kaya lumabas nalang muna ako roon at nagtingin-tingin sa mga kabinet niya sa k'warto kung saan nakalagay ang mga damit niya. Pinili ko 'yong mga nasa ilalim kasi alam kong 'yon 'yong mga hindi niya masyado naisusuot. Kumuha lang ako ng isang pares ng itim na kamiseta at shorts, pati na rin ng boxer na hindi ko alam kung kakasya sa'kin. Mas may kalakihan kasi ang ang katawan ni Lucas kaysa sa'kin, pero puwede na 'to.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now