Chapter 13

9 2 0
                                    


NAKAKAHIYA, ang tanga-tanga mo talaga Seth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKAKAHIYA, ang tanga-tanga mo talaga Seth.

Kanina pa ako rito sa bubong at mabuti nalang hindi mainit dahil natatakpan ng makulimlim na ulap ang araw ngunit sa kabila nun ay makikita pa rin ang magandang sinag nito na papalubog sa likod ng kabukiran sa malayo. Hindi naman ako nabigo at bahagyang kumalma ang hiya at kabang naramdaman ko kanina dahil sa ganda ng tanawin dito sa itaas. Tama nga si Lucas, maganda rito tambayan kapag may bumabagabag sa isipan mo o kapag gusto mong magpahangin.

Bumalik ulit sa isipan ko lahat ng nangyari kanina. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon? Hindi ko man lang inisip, pa'no kung mali pala ang hinala ko. Ngayon na mali nga ako, parang kinakain ako ng buo ng matinding kahihiyan. Hindi ko alam kung may maihaharap pa ba akong mukha kay Lucas. Kami nalang dalawa ang natitira sa mundo ngunit pakiramdam ko'y maraming nakasaksi sa mga ginawa ko at hindi ko kaya ang kahihiyang hatid nito.

"Ayos ka lang?"

Bahagya akong nagulat nang makita ko si Lucas na nakasilip sa dulo ng bubong at tanging ulo niya lang ang makikita. Kalahati ng katawan niya ay nananatili pang nasa hagdan. Hinahangin nang bahagya ang makapal at kulot nitong buhok.

Bigla akong nag-iwas ng tingin at hindi umimik. Gusto ko sanang mapag-isa. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin matapos ang nangyari kanina. Itinuon ko ang atensyon ko sa bubong na tila ba ito ang pinaka-interesadong bagay sa buong mundo. 

Narinig ko siyang tuluyang umakyat at dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko. Hindi ako gumalaw o lumingon man lang nang tumabi siya ng upo sa'kin. Ilang metro lang ang layo naming dalawa sa isa't-isa. Tahimik lang kaming nakatingin sa papalubog na sinag ng araw sa malayo habang umiihip ang malamig na simoy ng hangin.

"May naalala ka ba?" pagbabasag niya sa katahimikan. Sasabihin ko bang wala? Sa huli, umiling lang ako.

"Ayos lang 'yan. Mas mabuting hayaan mo nalang siguro na kusang bumalik ang mga alaala mo," aniya ngunit hindi pa rin ako umiimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"At saka, 'yong nangyari kanina...naiintindihan kita," dugtong niya para dahan-dahan akong mapatingin sa kaniya. Muling nagtama ang aming mga mata at wala akong ibang makita kun'di sensiridad sa kaniyang mukha.

"Alam kong hindi madali ang makalimot sa lahat ng alaala sa buhay mo. Kung sa tingin mo'y makakatulong 'yon para maibalik mo ang lahat, gagawin mo talaga," tumingin siyang muli sa harapan.

"Walang taong nanaising makalimot sa kaniyang buhay kung alam niya sa sarili niyang minsan din siyang sumaya."

Tumingin ako muli sa buong tanawin at malapit nang magtakip-silim. Iniisip ko lahat ng sinasabi ni Lucas at hindi ko alam kung anong nais niyang  iparating sa'kin.

"Ayos lang sa'kin 'yon Seth. Kalimutan nalang natin lahat ng nangyari ngayong araw at saka, hindi na bago sa'kin 'yon," sambit niya sa'kin at muli kaming nagkatinginan. Kunot-noo lang akong nakatingin sa kaniya. Gusto kong itanong kung ibig ba niyang sabihin ay maraming beses na siyang nakipaghalikan kanino man ngunit ayokong isipin niya na may interes ako sa mga nakaraan niya. Binigyan ko lang siya ng pagtango bago ibinalik ang atensyon ko sa paligid.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now