Chapter 3

19 0 0
                                    

ANIM na buwan akong tulog at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANIM na buwan akong tulog at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo. Kaya gano'n nalang ang gulat at takot na naramdaman ko kanina nang masaksihan ko ang buong lugar na tila wala nang buhay.

Nakatakilod sa'kin ang lalaki habang naghuhugas siya ng mga pinaggamitan namin kanina sa pag-kain. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung saan magsisimula at kung anong itatawag ko sa kaniya. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

Nahihiya man, lakas-loob kong hiningi ang pangalan niya. "Ano palang pangalan mo?"

Huminto siya sandali sa paghuhugas saka humarap sa'kin at sumandal sa lababo. Pinunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang basahan na nasa gilid lang.

"Tawagin mo kong Lucas. Lucas Hale," pagpapakilala niya saka inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba o hindi pero ang sama ko naman kung hindi, kung tutuusin ako ang nagtanong ng pangalan niya. Sa huli'y tinanggap ko 'yon.

"Seth. Ako si Seth," pagpapakilala ko kahit wala pa naman akong naaalala kung Seth ba talaga ang pangalan ko. Ngunit 'yon ang nakita ko sa medical record ko sa ospital, maaaring 'yon nga ang pangalan ko.

Tumango-tango siya bago dahan-dahang tumalikod at bumalik sa ginagawa niya kanina. Parang hindi ako mapapanatag kapag hindi ko nalalaman ang mga sagot sa tanong ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit.

"Anong nangyari rito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang malapad niyang balikat.

"Marami. Nagkaroon ng economic crisis, global panic, radiation break. Unti-unting gumuho ang mundo nang magsimulang kumalat ang radiation waves sa bawat panig ng kontinente," paliwanag niya. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi niya. Radiation waves? Ano 'yon?

Narinig ko siyang tumawa nang mahina nang mapansin niya ang nakakuno't-noo kong mukha.

"Mas mabuting huwag muna natin siguro pag-usapan 'yan kasi kakagising mo lang galing sa mahabang pagtulog. Baka sumakit lang ang ulo mo." Naglakad siya papunta sa may sala nang bigla siyang mapahinto sa sinabi ko.

"Wala akong maalala." Tumingin siya sa kinaroroonan ko at hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil medyo madilim banda sa kinatatayuan niya.

"Tila nabura lahat ng alaala ko bago pa man ako napunta sa ospital na 'yon. Sa tuwing pinipilit kong makaalala, sumasakit lang ang ulo ko," paliwanag ko. Tahimik lang siya nang ilang minuto bago nagsalita ulit.

"Mas makakabuting 'wag mo munang pilitin ang 'yong sarili. Magpahinga ka nalang muna," suhestiyon niya. Naglakad siya papapunta sa kabilang dulo ng sala at umupo sa upuang kaharap ang mesang puno ng mga radyo at iba't-ibang wirings. Tila may inaayos siyang bagay na hindi ko mawari.

Tumayo ako at lumapit sa direksyon niya. Nanatili akong nakatayo sa likod niya habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa. Wala ako masyadong maintindihan sa mga pinaggagawa niya. Ang alam ko lang ay may inaayos siyang radyo at pawang nagbabaka sakaling may mahagip na signal.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon