Chapter 14

11 2 0
                                    


HINDI ko alam kung sasabihin ko ba kay Lucas ang narinig ko sa radyo kagabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI ko alam kung sasabihin ko ba kay Lucas ang narinig ko sa radyo kagabi. Ngunit hindi kasi ako sigurado kung boses ba talaga ng tao 'yong narinig ko o baka guni-guni ko lang. Minsan ko na siyang nakitang seryoso sa pagkulikot sa mga radyong 'yon at ayoko naman siyang paasahin sa bagay na hindi naman ako sigurado kung nangyari nga ba o imahinasyon ko lang.

Masakit ang umasa sa bagay na akala mo ay totoo ngunit hindi pala.

Sa huli ay mas pinili kong itikom nalang muna ang bibig at huwag sabihin ang kung ano man ang narinig ko na walang kasiguraduhan. Tahimik lang akong nakaupo sa lupa habang pinapanood si Lucas sa pagsisibak ng kahoy. Maliwanag ang paligid ngunit hindi pa rin ganoon kasikat ang araw dahil sa makulimlim na kalangitan.

Nasa tabi ko naman si Spot na mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay hinahagod ko ang ulo niya at agad namang gumagalaw ang buntot niya senyales na nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano katahimik ang mundo kapag walang mga tao. Kung gaano ito kapayapa at walang anumang mga senyales ng ingay, pagaaway, kahirapan, o ano pa man. Magaan sa loob ngunit sa kabilang dako ay...nakakapanibago rin isipin.

Tumayo ako nang maisipan kong ipagluto nalang siya ng almusal. Kadalasan kasi siya ang mas maagang nagigising kaysa sa akin kaya sa tuwing nagigising ako ay may nakahain ng almusal sa mesa. Ngayon lang ata siya hindi nakapagluto ng maaga dahil naubusan ng kahoy kaya dali-dali siyang nagsibak ng kahoy nang maabutan ko siya kanina.

"Maghahanda lang ako ng lulutuin natin ngayon sa almusal," paalam ko sa kaniya. Pansamantala siyang huminto sa pagsisibak at hinihingal na tumingin sa'kin.

"Huwag na ako na–"

"Lucas, hindi ako pilay o imbalido na kailangan mong akuin lahat ng trabaho rito. Hayaan mo rin akong tulungan ka," diretso ko sa kaniya at hindi naman siya agad nakasagot. Parang pinipigilan niyang mapangiti. Agad kumunot ang noo ko dahil sa tingin niya.

"Anong klaseng tingin 'yan?" taka kong tanong. Mas pinigilan niya ang matawa o ngumiti.

"Wala, oo na. Ikaw na po magluluto," ngiti-ngiti niyang sambit bago bumalik sa pagsisibak. Inirapan ko lang siya bago naglakad papunta sa likod ng bahay para dumiretso sa hardin at mamitas ng gulay na puwedeng lutuin. Pagkakita ko sa mga malulusog na talong na nakalambitin sa bawat estante ng mga kahoy na itinayo para sa mga ito ay hindi ko maiwasang matakam. Parang gusto ko ulit mag-ulam ng talong.

Pinitas ko na lahat ng puwede kong pitasin at panay ngiti ako sa tuwing malalaki at malulusog na talong ang mahahawakan ko. Napaisip ulit ako sa mga tinuran sa'kin ni Lucas.

Gan'to rin kaya kalaki at kalusog ang—

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Napaubo ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses niya sa may bandang likuran ko. Aksidente ko pang nabitawan ang hawak-hawak kong malusog na talong. Bakit kasi hindi ko man lang napansin na paparating pala siya. Kainis. Dali-dali ko ulit itong pinulot at natatarantang itinabi katabi ng iba ko pang napitas.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now