Chapter 6

7 1 0
                                    


MATAAS ang sikat ng araw at masigla pa sa umaga ang mga taong dumadaan sa bawat sulok ng kalye ng siyudad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MATAAS ang sikat ng araw at masigla pa sa umaga ang mga taong dumadaan sa bawat sulok ng kalye ng siyudad. Tinawag bigla ako ng isa sa mga kaibigan ko habang nakatayo kami sa may bangketa.

"Seth, ayaw mo bang sumama sa'min?" Alok nito. Ngumiti lang ako sa kanila at umiling. Sabado kasi ngayon at napagpasiyahan nilang gumala at gumimik sa kung saan. Gustuhin ko man, wala akong sapat na pera para ipanggala at sumabay sa kanila. Sapat lang 'to sa budget ko kaya tumanggi ako sa alok nila.

"Kayo nalang muna, may kailangan pa akong puntahan eh. Mauna na muna ako," paalam ko sa kanila. Napansin ko pa ang pasimpleng pag-irap sa isa mga kaibigan ko pero hindi ko na 'yon pinansin.

Naglakad na ako papalayo sa kanila at dumiretso sa lugar na isa sa nakasanayan ko na. Pagtingin ko pa lang sa harap ng shop nila ay napangiti agad ako dahil mukhang marami ang kustomer nila ngayong araw.

Pagkapasok ko palang ay tumunog agad ang pamilyar na tunog ng maliit na bell na nakasabit sa ibabaw ng kanilang pintuan hudyat na may bagong kustomer na pumasok. Napatingin agad silang lahat sa pagpasok ko.

"Seth hijo," tawag agad ni Kuya Brando sa'kin, ang may-ari ng barber shop na 'to. Binati rin ako ng iba niyang kasamang barbero na kilala ko na rin dahil sa dalas kong magpagupit dito.

"Kuya Brando lakas ng kita natin ngayon ah," ngiti kong bungad sa kanila. Lahat kasi ng kasamahan niya ay may kustomer na ginugupitan maliban sa kaniya na bakante ang upuan. Ngumiti naman siya pabalik sa'kin.

"Dumating ka kasi," biro niya pa. Umiling lang ako saka sumabay sa pagtawa niya. Kuwarenta anyos na si Kuya Brando at sa kaniya ang puwesto ng barber shop na 'to na madalas ding pinupuntahan ng mga gustong magpagupit ng buhok. Malaki ang espasyo sa loob at malamig dahil sa airconditioner na nakakabit sa dulo ng silid. Meron itong mahigit sampung upuan, tigli-lima sa magkabilang gilid ng silid.

"Ilang buwan na rin po akong hindi nakapagpagupit. Sobrang haba na po ng buhok ko kaya hindi ko na talaga matiis," natatawa kong sabi kay Kuya na agad namang tumayo sa upuang kinauupuan niya at iginaya akong umupo roon.

"Hulaan ko, makati na naman sa bunbunan mo 'yan," aniya. Natawa naman ako.

"Sinabi mo pa po," at pati na rin ang ibang kustomer at barbero na nakikinig ay natawa na rin sa usapan namin. Tumingin ako sa kabilang hilera ng upuan pero hindi 'yon puno ng kustomer. Tanging dalawa lang ang meron habang ang isa sa pinakadulo na tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo.

Sinimulan na akong gupitan ni Kuya Brando at hindi na niya kailangan magtanong sa kung anong nais kong style sa buhok dahil alam na niya ang lagi kong sagot.

"Fringe po, hanggang sa ibabaw lang ng kilay 'yong putol."

Hindi ako nabagot habang ginugupitan ako ni Kuya Brando kasi hindi siya nauubusan ng mga kuwentong barbero. Kahit 'yong ibang kasamahan niya ay nakikisali na rin sa usapan kaya ang ingay namin sa loob. Hindi nagtagal ay natapos din si Kuya Brando.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now