Chapter 10

8 2 0
                                    


"KAILANGAN mo lang patamaan ang tatlong lata na 'to," inalagay ni Lucas ang bawat soda ilang metro ang layo sa isa't-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KAILANGAN mo lang patamaan ang tatlong lata na 'to," inalagay ni Lucas ang bawat soda ilang metro ang layo sa isa't-isa. Lumapit siya sa'kin saka pumwesto sa tabi ko. Suot-suot niya ulit ang cap niyang kulay berde. Hindi halata sa kaniyang mahilig siya sa mga kulay berde. Kaya siguro mas pinili niya ring dito sa gubat tumira.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na patag na parte ng gubat hindi malayo sa cabin. Hindi rin gaano kataas ang mga talahib sa parteng 'to kaya't napagdesisyunan naming tama ang lugar na 'to para mag-ensayo.

Itinuon ko ang atensyon ko sa sniper gun na hawak ko. Itinutok ko ang mata ko sa telescopic glass nito at sinubukang puntiryahin ang unang latang nakatayo sa kaliwa. Ilang segundo ang nilaan ko at nang sigurado na ako sa target ay kinasa ko ang trigger na naglikha nang malakas na putok sa buong paligid. May narinig din akong mga nagsiliparang ibon hindi malayo sa'min.

Pagtingin ko sa lata ay napangiwi ako. Hindi man lang ito umusog ng kahit konti. Sinubukan ko ulit sa ikalawang pagkakataon. Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagpupuntirya sa lata. Kinasa ko ulit ang baril at muling nagpaputok. Tiningnan ko ulit ang lata pero hindi pa rin natamaan. Akmang magpapaputok ulit ako nang mabilis akong pinigilan ni Lucas.

"Hep hep! Sinasayang mo ang bala mo," saway niya. Inikutan ko siya ng mata. "Kaya nga nag-eensayo diba?" Sarkastiko kong tugon.

"Oo nga pero hindi gan'yan—dapa," bigla niyang utos. Hindi ko naman agad naintindihan ang sinabi niya.

"Ano?"

"Dapa, dumapa ka," ulit niya saka naunang dumapa sa lupa. Sinunod ko ang ginawa niya at dumapa sa lupa. Nakatuon lang ang mga mata ko sa susunod niyang gagawin. Ipinuwesto niya ng maayos ang sniper gun na agad ko namang sinunod.

"Mali 'yan," suway niya nang binalingan ako ng tingin. Hindi ko naman alam kung alin ang mali sa ginagawa ko. Magsi-sight ulit sana ako nang sinuway niya ulit ako.

"Hindi kasi gan'yan, teka nga muna," mukhang nagsisimula na siyang maasar base sa tono ng pananalita niya. Lumuhod siya saka umusog para tumabi sa'kin. Dumapa siya sa tabi ko at biglang inakbay ang kanang braso niya sa likod ko para gabayan ang paghawak ko sa baril.

Hindi ako makagalaw kasi sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Ilang dangkal lang ay magtatama na ang mga pisnge namin. Nakatuon lang siya sa harapan habang ako ay hindi mapakali. Panay ang lunok ko ng laway dahil kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May sinasabi siya pero mukhang wala akong ibang marinig kun'di ang tibok ng puso ko. Ano ba 'to?

"Seth nakikinig ka ba?" Nabalik lang ako sa huwisyo ng banggitin niya ang pangalan ko. Ngayon ay nakaharap ang mukha niya nang kaunti sa'kin kay bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kaniya.

"O-oo, ano ulit 'yon?" Pagsisinungaling ko. Inayos niya ang pagkakahawak ko sa baril at ang posisyon ng kamay ko. Hindi ko alam pero kakaiba sa pakiramdam sa tuwing hinahawakan niya ako. Napailing ako sandali saka ibalinalik ang buong atensyon ko sa ginagawa.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon