Chapter 1

19 3 2
                                    

BUMALIK ang tingin ko sa buong silid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BUMALIK ang tingin ko sa buong silid. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dulot ng kaba at pagkagulat sa mga nakita ko. Tila naging sandalan ko ang magaspang at nabubulok na dingding para makapaglakad at makatayo ako nang maayos.

Nakuha ng atensyon ko ang mesa na nasa kabilang dulo ng silid. Puno ito ng mga nagkalat na papel at may iilan ding kagamitan pang-ospital gaya ng stethoscope na medyo kinalawang na rin. Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon para tumingin ng mga makakatulong sa'kin makapag-paalala kung bakit ako nandito.

Pagtingin ko ay puro pala ito mga medical records ng iba't-ibang pasyente na siguro'y naigamot din sa ospital na 'to. May mga mukhang nakapaskil sa bawat papel ngunit hindi ko na masyado makita nang maayos dahil unti-unti na itong nabura, 'yong iba ay sobrang labo na para maklaro. Panay baklas lang ako sa mga makakapal na papel na nakatambak sa mesa nang isang medical record ang pumukaw sa atensyon ko.

Tiningnan ko ito nang mabuti. Medyo malinaw pa ang litratong nakadikit sa papel dahil nasa pinakailalim ito nakalagay. Hinding-hindi ako magkakamali...ako ito.

Medical record ko 'to.

"Seth Angelo Costa," bulong ko habang garalgal ang boses. Pinilit kong alalahanin ang lahat pero bumalik lang ulit 'yong kirot na naramdaman ko kanina. Wala akong maalala. Ngunit nakasuot ako nang pang-pasyente at nasa tila ospital ako, at may medical record ako. Maaaring totoo nga 'to.

Pansin ko rin na maikli pa ang buhok ko sa litrato. Hinaplos-haplos ko ang buhok ko at napagtantong mataas at makapal na ito kumpara sa litrato ko. Naghanap pa ako ng ibang bagay na maaaring makatulong sa'kin. Binuksan ko ang drawer at may nakita akong maliit na salamin.

Kinuha ko ito at tiningnan ang sariling repleksiyon. Makapal na rin ang bigote mukha ko. Ang putla rin ng balat ko. Hindi ko maalala ang huling itsura ko bago ako mapunta rito. Ang sabog ko tingnan.

Sa ilang minutong paghahanap ng sagot sa walang katapusang katanungan sa isipan ko ay wala akong nahanap maliban lamang sa medical record ko. Tiningnan ko ito ulit at may napansin akong kakaiba.

"June 7, 2023," sambit ko sa sarili. Mas nadagdagan ang mga tanong sa isipan ko. Na-confined ako sa ospital na 'to na may pangalang St. Lucia Medical Hospital noong June 7, 2023. Wala akong maalala sa araw na 'yon. Hindi ko rin alam kung anong araw o buwan na ba ngayon.

Napagpasiyahan kong lumabas at baka sakaling do'n ko mahahanap ang mga sagot sa tanong ko. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil hindi pa masyadong malakas ang katawan ko idagdag mo pa ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom. Saka ko napagtantong kailangan ko munang makahanap ng pagkain at tubig kung gusto kong tumagal pa at makahanap ng sagot sa mga nangyayari.

Lumabas ako sa pintuan at medyo nahirapan pa akong buksan 'to kasi may nakaharang na mesa at kailangan ko pa itong itabi upang makadaan. Gamit ang natitirang lakas, mag-isa kong itinabi 'yon at sa wakas nagawa ko rin.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now