Prologue

18 4 1
                                    

TUMATANGLAW ang sinag ng araw sa bintana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TUMATANGLAW ang sinag ng araw sa bintana. Nararamdaman ko ang mainit na sensasyong hatid nito sa'kin. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at isang tila punder na puting bumbilya na tila may kalumaan na dahil sa kulay nitong naninilaw na ang tumambad sa'kin.

Iginaya ko ang tingin ko sa buong silid pero walang niisang tao akong nakita. Tanging mga papel na nagkalat sa sahig at mga silyang tila kinakain na ng alikabok dahil sa katagalang walang gumagamit. Nasaan ba ako?

Tiningnan ko ang sarili ko at nakasuot ako ng puro puting kasuotan na sa tingin ko ay isinusuot ng mga pasyente sa ospital. Nasa ospital ako? Anong nangyari?

Sinubukan kong tumayo ngunit nakaramdam ako ng sakit sa pagkaunat ng mga kamay at paa ko. Nanatili akong nakahiga at pinakiramdaman ang buong paligid. Ang tahimik. Wala akong naririnig na kahit anong ingay bukod sa hangin na humahampas sa mga kurtina.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naigalaw nang maayos ang katawan ko. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko at napatingin sa labas ng bintana. Bakit wala akong naririnig na mga ingay ng sasakyan? O kahit mga taong naglalakad sa daan?

Pinilit kong alalahanin ang mga huli kong alaala bago ako napunta sa lugar na 'to ngunit napasapo lang ako sa ulo ko dahil sa kirot na naramdaman ko. Sinubukan kong tumayo nang dahan-dahan at muntikan pa akong matumba dahil sa hilo. Parang umiikot bigla ang paningin ko ngunit hindi naman nagtagal ay luminaw din ang mga 'to.

Dahil wala pang sapat na lakas ang mga paa ko para maglakad, napahawak ako sa bakal na harang ng kama at ang mesang gawa sa kahoy na katabi lang din nito. Dahan-dahan, lumapit ako sa may bintana para tingnan ang mga nangyayari.

Ganoon nalang ang gulat ko nang masaksihan ko ang kagimbal-gimbal na itsura ng buong lugar.

Mga abandonadong sasakyan ay nakahilera sa daan at ang buong paligid ay tila tinubuan na ng mga nagtataasang talahib at iba't-ibang klase ng ligaw na gamo-gamo.

Ang mga gusali ay hindi na rin maitsura dahil sa mga basag nitong mga salamin at bintana at ang iba'y tuluyan nang nawasak na parang may sumiklab na isang giyera. Ang bawat establisyemento ay unti-unti na ring kinakain ng kalikasan.

At niisa...wala akong nakita na taong buhay at gumagalaw at kahit mga hayop man.

Tila nag-iisa nalang ako sa mundo.

Ramdam ko ang magaspang at tuyo't kong lalamunan nang sinubukan kong magsalita.

"Nasaan na kayo?" Mahina at pabulong kong sabi sa hangin.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon