Chapter 7

7 1 0
                                    


HUMINTO kami sa harap ng mall na nadaanan namin kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HUMINTO kami sa harap ng mall na nadaanan namin kanina. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement dahil papasok kami sa isang mall at kukuha ng kung anong gusto naming kunin nang walang bayad. Libre na lahat at hindi na namin kailangan ng pera.

Lumingon sa gawi ko si Lucas saka ngumiti nang kay lapad. Inalis niya ang suot na cap at bahagyang inayos ang kulot niyang buhok na ngayon ay basa na sa pawis. Agad naman niyang ibinalik sa pagsuot ang cap bago bumaba sa sasakyan. Hindi ko maiwasang magtaka.

"Bakit lagi kang may suot na cap?" Usisa ko. Nagkibit-balikat ulit siya. "Hindi kasi ako sanay na hindi magsuot ng cap tuwing umaalis ako at tsaka pakiramdam ko pangit ko tingnan sa buhok kong 'to," aniya at naningkit naman agad ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Hindi bagay?

"Ang cute mo tingnan sa ganiyang buhok. Bagay na bagay kaya sa'yo, ano bang pinag-iisip mo riyan," hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis sa hindi ko malamang dahilan. Bumaba ako ng sasakyan at umikot sa kabilang side para lumapit sa kaniya.

Tiningnan niya ako at bahagyang natawa sa reaksiyon ko.

"Bakit?" Inis kong tanong.

Umiling naman siya. "Okay, sabi mo eh," saka niya inalis ang cap saka inihagis sa bintana ng sasakyan. Tiningnan ko ulit ang kulot niyang buhok. Bagay na bagay kaya sa kaniya. Hindi ko alam sa'n niya nakuha ang ideyang pangit tingnan.

"Tara na," sambit niya at sabay kaming naglakad papalapit sa main entrance ng mall. Gaya ng sa drug store kanina, itinaas lang ni Lucas ang security door ng mall at tumambad sa'kin ang hile-hilerang mga kagamitan at pagkain na sana ay binebenta at may presyo pero ngayon ay libre lang namin makukuha. Nauna akong pumasok sa loob at hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ng buong lugar. May nagkalat mang mga produkto sa sahig at sa kung saang sulok ng mall ay hindi ko mapagkakailang kakaiba sa paningin na makita ang gan'tong kalagayan. 'Yong walang mga tao, walang ingay, lahat ay p'wede mong kainin at kunin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ideyang 'yon.

Narinig kong naglakad papalapit sa'kin si Lucas. Nagulat ako nang bigla siyang umakbay sa'kin saka pinasadahan ng haplos ang kaniyang buhok gamit ang isa niyang kamay.

"Atin ang lahat ng 'to kaya kunin mo lahat ng gusto mong kunin," ngiti niyang sabi saka bigla siyang sumigaw dahilan para mag-echo ang boses niya sa buong mall. Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa ginawa niya. Nagmumukha kaming tanga.

Hindi ko na rin napigilan kaya una akong tumakbo papunta sa grocery aisle kung saan nakahilera ang iba't-ibang uri ng pagkain mula junkfoods, klase-klaseng produkto ng tsokolate at iba pang mga kakailanganing pagkain gaya ng mga de lata.

Napatingin ako sa kinatatayuan namin kanina ni Lucas pero wala na siya roon. Siguro naglilibot-libot na rin siya sa buong mall para manguha ng mga gusto niyang kunin at kakailanganin sa bahay. Bigla kong napagtanto, kung matagal nang mag-isa si Lucas dito ibig sabihin nun ay matagal na rin siyang pumupunta rito para kumuha ng mga stocks.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now