Chapter 2

18 2 0
                                    

MALAKAS na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid dahilan para masindak ang isa pang mabangis na asong kalye at kumaripas ng takbo papalayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MALAKAS na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid dahilan para masindak ang isa pang mabangis na asong kalye at kumaripas ng takbo papalayo. Nangisay ang kaninang mabangis na asong gustong pumasok sa sasakyan. Hindi pa nagpro-proseso sa utak ko ang nangyayari at gulat lang akong nakatingin sa malaking itim na hayop.

Panay lunok ako ng laway dahil sa kaba at takot. Dahan-dahan kong binuksan ang kabilang pintuan at pagapang na lumabas. Naramdaman ko ang matinding pagod at nanumbalik ang pagkalam ng sikmura ko dahilan kaya nahulog ako sa upuan nang sinubukan kong gumapang palabas.

Napahiga ako sa malamig na lupa at napatitig sa kalmadong mga ulap. Habol-habol ko ang hininga ko nang may marinig akong mga yapak at kalansing ng kadena. Tumingin ako sa gilid kung saan nagmula ang mga aso kanina at may nakita akong isang bultong papalapit sa kinaroroonan ko. May hawak-hawak siya sa kaniyang kamay. May kasama siyang hayop na hindi ko mawari dahil biglang lumabo ang paningin ko.

Habang sila'y papalapit, unti-unti na ring nahuhulog ang talukap ng mga mata ko. Dulot ng matinding pagod at gutom, hindi na nakayanan ng katawan ko at muli akong nahulog sa mahimbing na pagtulog.

Ngunit bago pa man ako tuluyang nawalan ng ulirat ay naaninagan ko pa ang isang lalaki na lumuhod sa gilid ko para tingnan ako at may nakasabit na parang sniper gun sa kaniyang likod. May hawak-hawak siyang kadena sa kaniyang kamay na siyang tali ng kanina'y di ko mawaring hayop ngunit isa lang din palang aso, maamong aso.

May sinabi ang lalaki ngunit hindi ko na masyadong narinig hanggang sa tuluyan nang dumilim ang lahat.

NAGISING ako dahil sa ingay na tila galing sa labas. Parang static noise na galing sa isang radyo. Binuksan ko ang mga mata ko ngunit tanging sinag lamang galing sa isang maliit na lamparang nakalagay sa gilid ng mesang hinihigaan ko ang tumambad sa'kin. Iginaya ko ang buong tingin ko sa silid. Malinis ito at maayos na nakalagay ang mga gamit. May shelf din sa kanang bahagi ng silid na puno ng mga libro. Pawang gawa sa kahoy lahat ang buong bahay base sa itsura nito.

Napukaw ulit ang atensyon ko dahil sa ingay na parang galing sa isang radyo. Napatingin ako sa pintuan at hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi pero biglang kumalam ulit ang sikmura ko. Wala pa akong kain.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa'kin at bahagya pa akong nagulat dahil nakabihis na ako ng simpleng damit at hindi na 'yong pang-ospital na suot ko kanina. Bigla akong nahiya dahil binihisan ako ng kung sino man.

Ibig sabihin nakita na niya kung anong nasa loob? Napasapo ako sa mukha ko dahil sa matinding kahihiyan. Ngunit sa kabila nun ay nagpapasalamat pa rin akong hindi ako nag-iisa sa mundo. May isa pang natira na maaaring makatulong sa'kin humanap ng mga sagot sa kung ano ba talaga ang nangyari sa lugar na 'to.

"Uhmm," napaigtad ako nang marinig ko ang isang tikhim sa may pintuan. Nakita ko ang lalaki kanina na siguro'y sumagip sa'kin mula sa mga mababangis na asong 'yon kanina. Subalit mas malinaw ko na siyang nakikita ngayon sa malapitan.

Ávrio: Seth & LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon